top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Manila Water Lab Services, kinilala sa pagsisiguro sa malinis na inumin

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Inaprubahang muli kamakailan ng Department of Health (DOH) Metro Manila Center for Health Development ang ‘accreditation’ ng Manila Water Laboratory Services hanggang 2022.

Sa pamamagitan ng naturang accreditation, inaasahan ng DOH na mapanatili ang kalidad ng maiinom na tubig na angkop sa pagkonsumo ng publiko na naaayon sa pamantayan ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW). Sa akreditasyon ding ito, maaaring magsagawa ang MWLS ng pagsusuring kemikal, pisikal at microbiological kahit sa mga sample na galing sa labas ng east zone at ang resulta ay kikilalanin at tatanggapin ng DOH.

Gayundin, nakapagtala ang MWLS ng ‘zero non-conformity’ sa katatapos lang na assessment na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang bahagi ng pagkilala nito sa MWLS bilang ‘environmental laboratory’.

Ang pagkilalang ito, na may bisa hanggang 2021 ay resulta ng inspeksiyon at assessment na isinagawa ng grupo na kinabibilangan ng Board of Chemistry, akademya at ilang dalubhasa ng industriyang kinumisyon ng DENR - Environmental Management Bureau (EMB).

Natupad ng MWLS ang mga kinakailangang kasulatan, analytical performance at iba pang pangangailangan kasama na ang zero non-conformity na may dalawa lamang panukala para sa higit na kahusayan. Pinuri rin ng mga nag-inspeksiyon ang MWLS bilang ‘model laboratory’ sa patuloy ng mahusay na kasanayan sa pagsusuri habang pinananatili ang ‘world-class’ na pasilidad.

Ayon sa kahulugang ibinigay ng DENR, ang ‘environmental laboratory’ ay awtorisadong magbigay ng datos kaugnay sa ‘environmental impact assessment’, ‘environmental monitoring’ at iba pang pagsasaliksik para suportahan ang pagsasagawa at pagpapatupad ng mga patakaran, pamantayan, panuntunan at regulasyon tungkol sa proteksiyon ng kapaligiran.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page