top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Libreng training sa mga magsasaka para makasabay sa pag-unlad ng teknolohiya

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Tubong-Alfonso, Cavite si Edralyn Ferre at ang kanyang pamilya ay mahigit 50 taon nang nasa larangan ng agrikultura. Dahil kinalakihan na niya ang tradisyonal na pagsasaka, aminado ang 62-anyos na si Ferre na panahon nang matuto at sumabay sa makabagong teknolohiya.

Ito ang nag-udyok sa kanya na sumali sa training ng Department of Agriculture (DA) para sa paggawa ng fruit wine. “Nakakuha ako ng karagdagang kaalaman kung paano mapakikinabangan ang mga inaning prutas at kung papaano mapalalago ang aking kita sa tulong ng teknolohiya,” aniya.

Sa kanyang paniniwala, malaki ang potensiyal ng Philippine fruit wine kaya naman naisipan ni Ferre na gumawa ng video kung paano ito ginagawa. “Gusto kong makatulong sa mga kapwa ko magsasaka dahil malaki ang potensiyal nito, pang-international!” sabi niya.

Natuto ng video-making si Ferre nang siya ay sumali sa libreng training ng Digital Farmers Program (DFP) na hatid ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) at Smart Communications.

Ang unang bahagi ng DFP training ay tungkol sa smartphone features, social media apps tulad ng Facebook, apps na pang-message, agri-learning tools, search engines at kung paano maging ligtas sa paggamit ng internet. Samantala, ang mga mas advanced na kurso naman ay tungkol sa online payment channels, financial literacy, online marketplace, social media marketing, entrepreneurship, smart farming at mas advanced na agri-apps.

Layunin ng lahat ng ito ang magbigay ng karagdagang kaalaman at teknolohiya sa mga magsasaka na makatutulong sa kanilang pagdiskarte, pagdesisyon at pagkita nang malaki.

Isa si Ferre sa mga nakilahok sa DFP Kuwentuhang Agri-contest, na naglalayong hikayatin ang mga magsasaka sa tulong ng kabataan na magbahagi ng kanilang best practices sa pag-aagrikultura.

Ito ay nilahukan ng mahigit 100 magsasaka mula sa 15 nationwide training sessions. Ang mga nagwaging entry ay napili base sa content, creativity, Facebook views at epektibong paggamit ng digital tools.

Ang mga nanalo ay nag-uwi ng cash prizes at digisack intro kits na naglalaman ng mga smartphone, tri-pod, solar powerbank at iba pang digital tools.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa DFP, maaaring mag-email sa publicaffairs @smart.com.ph o magpadala ng mensahe sa Facebook.com/Smart Communities.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page