top of page
Search
  • Roma Amor

Balewala na sa Bf, sobrang hurt, tuliro

Dear Roma,

Ako ko Mia, 23-anyos. Sumumat ako sa inyo dahil ang sakit palanag mabalewala sa taong mahal mo. 'Yung pakiramdam na hindi ka manlang pinahalagahan. Nag-a-away kasi kami palagi ng bf ko at nagsasabi ako sa kanya na ine-take for granted niya ko. Pero puro siya dahilan kaya ang ginawa niya nag-o-offline siya nang hindi manlang kami nagkakaayos. Madalas na kasing mangyari yun. Anong gagawin ko? – Mia

Mia,

May mga rason kung bakit ganu'n ang reaksiyon ng iyong boyfriend. Alamin mo muna ang dahilan niya kapag nagkita at nagkausap na kayo para maunawan mo ang side niya nang sa gayun ay maging maayos ang inyong relasyon.’Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano at mag-speculate sa sitwasyon ninyo. Kontrolin mo ang inyong emosyon upang hindi lumala ang problema at kung ano man ang nangyayari sa inyo. Godbless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page