top of page
Search
  • Thea Janica Teh

PCSO, Tanggap na imbestigahan ng PACC dahil sa isyu ng korupsiyon


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Dahil sa kumakalat na alegasyon tungkol sa korupsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay malugod nilang tinanggap ang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) tungkol dito.

Naniniwala ang ahensiya na ang imbestigasyong ito ay hindi lamang makapagpapatunay na malinis ang PCSO kundi maipakikita rin ang integridad ng ahensiya sa pagbibigay ng mga palaro sa publiko at responsibilidad na magbigay ng financial at medical assistance.

Sa kabila ng alegasyong ito ay nananatiling matatag ang PCSO sa kanilang pangako na maglingkod sa publiko nang may integridad at transparent.

♥♥♥

Sinigurado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtulong kay Richard delos Santos matapos itong mahulog at maaksidente sa scaffolding sa Rizal Memorial Stadium na kasalukuyang inaayos dahil sa opening ng 30th Southeast Asia (SEA) Games.

Sa ilalim ng Universal Health Care (UHC), ang lahat ng Pinoy na na-admit sa PhilHealth-accredited facilities ay mabibigyan ng benepisyo kahit walang sapat na kontribusyon at kahit wala pang PhilHealth Identification card.

Ngunit, paalala ng ahensiya na patuloy pa rin dapat ang pagbabayad ng kontribusyon ng mga regular na miyembro nito para mapanatili ang pondo ng programa at para mas marami pa ang matulungan at mabigyan ng benepisyo.

Para naman sa mga hindi pa miyembro ng PhilHealth, maaari kayong mag-register sa pinakamalapit na branch, nationwide.

Bukod pa rito, kamakailan lamang ay nakipagtulungan ang PhilHealth sa Insurance Commission (IC) para makapag-conduct ng “PhilHealth Examination”. Ito ay isang six-month comprehensive assessment para sa insurance processes.

Sa partnership na ito, ang IC na ang bahalang mag-assess at magbigay ng examination report sa financial condition at iba pang transacting businesses tulad ng premium contribution, collection, fund management, benefit payouts at iba pang health packages, insurance benefits at marami pang iba. Kasama sa litrato ni PhilHealth President and Chief Executive Ricardo C. Morales si Insurance Commissioner Dennis B. Funa.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page