top of page
Search
  • Roma Amor

Nasasakal na sa dominanteng BF na palpak naman ang mga plano


Dear Roma, Ako si Tess, 22-anyos. May boyfriend ako at magtatatlong taon na kami. Sumulat ako sa inyo dahil pakiramdam ko ay wala akong boses sa relasyon namin, gayundin, nasasakal na ako dahil siya ang palaging nasusunod sa amin na minsan ay nagiging dahilan ng aming pag-aaway, lalo na kapag palpak ang mga plano niya. Dahil du’n ay nagkakalabuan na kami at napapako na rin ang mga pangako niya. Ano ang gagawin ko? – Tess

Tess, Sabi nila, ang sikreto sa magandang relasyon ay komunikasyon. Kung pakiramdam mo ay siya na lang ang nasusunod at parang nawawalan ka ng karapatang magsalita, ipaalam mo sa kanya dahil hindi nakatutulong sa relasyon ang pagiging one sided. Ipinapayo namin na pag-usapan n’yo ito dahil minsan, ang ganitong problema ang nagiging simula ng pagkasira ng relasyon. Pakinggan ang opinyon ng isa’t isa, saka solusyunan ang problema. Huwag kayong susuko, okay? Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page