top of page
Search
  • Roma Amor

3 yrs. nang break, ex-BF bumabalik para humingi ng closure

Dear Roma, Ako si Chloe, 28 years old. Tatlong taon na kaming hiwalay ng ex ko at masasabi kong okay na ako. Pero noong mga nakaraang buwan, madalas niya akong kumustahin at kailan lang ay nagkausap kami. Inamin niya na hanggang ngayon ay hindi pa siya maka-move on at sa tingin daw niya ay kailangan namin ng closure. Dapat ko pa ba siyang pagbigyan? Ngayon kasi, okay lang ako kahit wala na siya sa buhay ko. Sa totoo lang, napaisip din ako dahil bago pa siya ulit magparamdam ay madalas ko siyang maalala. Ano ang gagawin ko? — Chloe

Chloe, Sabi nila, kahit sabihin nating naka-move on na ang isa’t isa, hindi ‘yun nangangahulugan na talagang naka-move on na sila. Kung hindi kayo nagkaroon ng closure noon, baka nga ito ang kailangan ninyo para tuluyan na kayong makapag-move on sa kani-kanyang buhay. Kung sa tingin mong makatutulong ito, gawin mo na dahil para ito sa ikabubuti ninyo kahit hindi kayo ang nagkatuluyan. Okie? Good luck!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page