top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga nasa likod ng PS-DBM-Pharmally scam, dapat mahubaran na ng maskara

BULGAR
Oct 14, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 14, 2021


IBANG KASO, DEKADA NANG HINDI INAAKSIYUNAN NG SC, PERO HIRIT NI PHARMALLY EXEC. LINCONN ONG, INAKSIYUNAN AGAD—Sobrang powerful naman sa gobyerno ‘tong isa sa mga sangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan na si Linconn Ong, executive ng Pharmally Corp. na may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang na BFF ni P-Duterte.


Ipinahuli at ikinulong siya sa Senado dahil sa pagsisinungaling sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing, at ang ginawa niya noong Oct. 7, 2021, sa tulong ng kanyang abogado ay nagpasaklolo sa Supreme Court (SC) na siya ay palayain, at kahit magkahiwalay ng kapangyarihan ang Hudikatura at Lehislatura ay sa loob lang ng isang linggo ay kinukuwestiyon na ng SC ang Senado kung bakit ikinulong ang executive ng Pharmally.


Mantakin n’yo, ‘yung ibang kaso deka-dekada na ang itinagal sa SC at wala pa rin desisyon hanggang ngayon, pero pagdating sa mga taga-Pharmally kasing bilis ng kidlat ang aksiyon ng Korte Suprema, buwisit!


◘◘◘


DAPAT MAHUBARAN NG MASKARA ANG MGA NASA LIKOD NG PS-DBM-PHARMALLY SCAM—Suportado ng mga negosyante, abogado at doktor ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga taga-PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management) at Pharmally para mahubaran ng maskara at mailantad sa publiko ang mga gov’t officials na nasa likod ng multi-billion scam na ito.


Paniwala ng mga negosyante, abogado at doktor ay may nag-utos lang kina former Usec. Christopher Lloyd Lao ng PS-DBM at Pharally Corp. executive Linconn Ong na “sindikatuhin” ang kaban ng bayan kasi kung silang dalawa (Lao at Ong) lang ay hindi maglalakas-loob ang mga ito na gawin ang kahindik-hindik na scam dahil bilyun-bilyong pisong pera ng bayan ang sangkot dito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page