Kahulugan ng mga gold na barya at alahas
- BULGAR
- Dec 16, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 16, 2021
Analisahin natin ang panqginip na ipinadala ni Vicky ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na niligawan ako ng isang matandang binata, tapos binigyan niya ako ng mga gold coins at alahas na gold din, ang dami-dami ng mga ito. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Vicky
Sa iyo, Vicky,
Ang gold coins at alahas ay babala na ikaw ay dapat na mag-ingat sa pakikipagsapalaran sa negosyong iyong papasukin.
Gayunman, kung ikaw ay may karelasyon at siya ay talagang mahal mo, iwasan mong makagawa ng mga bagay na pagseselosan niya at magiging sanhi ng inyong pag-aaway.
‘Yun namang matandang binata sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na malapit ka nang makaahon sa mga pinansiyal mong problema. Magkakapera ka na, basta’t iiwasan mong malinlang ng katransaksiyon mo sa negosyo. Talasan mo ang iyong isipan. Huwag kang magpapalamang sa kapwa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments