Horoscope | September 17, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 17, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 17, 2021 (Biyernes): Likas kang masuwerte. Kaya dapat ang mga suwerte ay magamit mo sa iyong sarili at hindi para sa ibang tao. Sana magising ka sa katotohanang ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka ‘pag hinaharap mo nang mukhaan ang mga akala mo’y malalaking pagsubok sa buhay mo ngayon. Tapang lang ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-26-38-40-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakabukas ang pintuan ng iyong pag-asenso kaya dapat kang humakbang papasok. Dapat mo ring malaman na kahit may suwerte ang tao, kung hindi niya ito aabutin ay wala lang din. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-24-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa iyo ang suwerte sa mga sandali na ikaw ay masaya, nakatawa at nakikipagbiruan. Lalayo naman ito sa iyo kapag matamlay, malungkot at wala kang kibo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-18-20-21-27.
CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka nagkukulong sa iyong sarili? Makikipagsapalaran ka. Sa pakikipagpasalaran, may saya at tuwa kahit ano ang maging resulta. Muli, huwag kang magkulong sa sarili mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-25-32-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Rito sa mundo, walang natatapos. Ang totoo pa nga nito, ang sinasabi nilang tapos na ay may karugtong pala. Ibinabalita ng iyong kapalaran na muling mabubuhay ang namatay nang pagmamahalan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-28-31-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malapit lang sa inyo ang suwerte mo. Maglinis ka ng bahay at bakuran nang mabilis na pumasok ang magagandang kapalaran. Huwag mong kalimutang linisin ang iyong silid-tulugan dahil doon hihiga ang suwerte at ikaw ay tatabihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-17-28-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihip ng hangin ang gamot sa iyong lungkot. Masayang musika ang pambuhay ng iyong mga suwerte at damit na maluwag ang hahatak sa mga suwerteng gustong-gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-13-22-28-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka sa payo na iwasan ang pagkaing nakasisira sa kalusugan. Huwag na huwag mong kalimutan na ang kayamanan ay balewala kapag ikaw ay may mabigat na karamdaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-26-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nawawala ang mga oportunidad kahit saan ka mapunta. Kahit sa pagsasaya, pamamasyal at paglalakwatsa, may makikita kang puwedeng mag-angat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-17-28-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumilip sa iyo ang magagandang kapalaran. Isabuhay mo ang pagkakaroon ng positibong pananaw nang sa gayun ay magsipasok na ang malalaking suwerteng pasilip-silip lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-17-20-21-25.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng mga palawit sa katawan kahit saan pa pumunta at kahit nasa bahay ka lang. Sa maniwala ka o hindi, ang mga ito ang iyong pampasuwerte ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-25-30-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang nararanasan mo ngayon ay pagsasaayos ng kapalaran na hindi naman mapipigilan ng kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-19-20-26-33-39.




Comments