Horoscope | February 23, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 23, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2022 (Miyerkules): Magnegosyo ka dahil sa negosyo ka yayaman. Puwede ka ring yumaman sa ibang bagay, pero hindi ka gaanong magiging maligaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi umaasenso ang hindi masaya, kaya magsaya ka. Ang lungkot ay hadlang sa pag-unlad ng buhay, kaya labanan mo ito. Muli, ang payo ay magsaya ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-29-32-35-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ng mga suwerte, pero kailangang maagap ka at malakas ang pakiramdam mo dahil mabilis ding lumilipas ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-28-30-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na hinihintay ng langit ang iyong kahilingan. Hindi ka mabibigo kahit ang mga sasabihin mo ay hindi madaling magkatotoo. Humiling ka na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-29-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Susuwertehin ka at ang mga suwerte mo ay nasa pakikipagsapalaran. Dahil dito, makipagsapalaran ka nang hindi masayang ang iyong masusuwerteng araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-25-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Dahil noon pa man at hanggang ngayon, hindi bagay sa iyo na nahihirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-8-15-16-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang nawala. Mas magandang maging positibo ka, kung saan kapag may nawala sa iyo, ang paniwalaan mo ay mas maganda ang mapasasaiyo kaysa sa anumang nawala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-19-20-28-29-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong gaanong isipin ang mga problema. Planuhin mo ang iyong gagawin kapag dumating ang mga suwerte na hindi magtatagal ay mararanasan mo na. Gayundin, hindi lang isang swerte kundi bulto-bultong swerte at magagandang kapalaran ang tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-28-31-33-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tapusin mo ang dapat tapusin. Hindi makabubuti sa iyo na naiipon o dumarami ang mga gawain. Tutukan mo ang mga nauna at ito ay dapat mong tapusin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-27-30-35-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang opinyon ng ibang tao. Hindi puwedeng palaging ikaw ang tama. Kapag pinapakinggan mo rin ang iyong kapwa, sunod-sunod na suwerte ang magdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-24-26-34-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang inaakala mong walang maitutulong sa iyo, siya ang iyong higit na maaasahan. Kung akala mo na ikaw ay malas, bigla at malaking suwerte pala ang kasunod. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-24-29-30-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibigla ka dahil biglaan din ang pagpapalit mo ng pasya. Sa una, akala mo ay nagkamali ka, pero sa huli, mauunawaan mo na tama ang naging pasya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-28-34-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang tanong nang tanong dahil mabagal ang pag-asenso ng mga palatanong. Kahit ang sarili mo ay huwag mo nang tatanungin, sa halip, kumilos ka nang kumilos. Kapag ganito ang ginawa mo, malaking swerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-24-32-35.




Comments