top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ginanahan si Barnes ng Raptors, Irving, lumipat na sa Mavericks

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 7, 2023




Bumanat ng todo si Scottie Barnes sa huling minuto upang maagaw ng bisitang Toronto Raptors ang 106-103 panalo sa Memphis Grizzlies sa NBA kahapon sa FedExForum.


Nabuhayan lalo ang kampanya ng New Orleans Pelicans at dalawang sunod na ang kanilang panalo matapos tambakan ang bisitang Sacramento Kings, 136-104.


Humirit ng dalawang magkasunod na buslo si Barnes upang makalamang, 104-103, at 20 segundo sa orasan. Hindi na pumuntos ang Memphis at sinigurado ni Pascal Siakam ang resulta sa kanyang dalawang free throw na may siyam na segundong nalalabi.


Malamya ang laro ni Barnes at tatlong puntos lang siya sa unang tatlong quarter hanggang pumutok para sa 13 puntos sa huling quarter para magtapos na may 16.


Nanguna sa Raptors si Siakam na may 19 puntos.


Depensa ang susi at nilimitahan ng New Orleans ang Kings na pumasok sa laro na numero uno sa puntusan na 119.2 bawat laro. Pumukol ng anim na tres si Trey Murphy III patungo sa 30 puntos.


Lumusot ang pagkakataon ng Denver Nuggets na maging bagong numero unong koponan ng liga at pinaluhod sila ng Minnesota Timberwolves, 128-98. Bumida ang mga guwardiyang sina Anthony Edwards na may 20 puntos at D’Angelo Russell na may 18 puntos at 10 assist.


Samantala, ibinigay ng Brooklyn Nets ang hiling ni Kyrie Irving at ipinadala siya sa Dallas Mavericks kapalit sina Spencer Dinwiddie at Dorian Finney-Smith. Ito na ang tuldok sa apat na taon ng pasaway na All-Star sa Nets at bagong simula kasama si superstar Luka Doncic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page