top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Davao city na teritoryo ni P-Duterte, may mga “KAKAM-PINK” na si VP Leni

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 25, 2021



MASAMANG PANGITAIN KAY SEN. “BATO” NA MAY MGA “KAKAM-PINK” SI VP LENI SA DAVAO CITY NA TERITORYO NI P-DUTERTE--May mga taga-suporta si Vice-Pres. Leni Robredo na nagsuot ng pink sa Davao City, lumabas ng bahay at nagpakita ng suporta sa kanyang kandidatura.


Naku, masamang pangitain ‘yan kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kasi sa mismong teritoryo ni P-Duterte ay may mga “kakam-Pink” na pala si VP Leni, boom!


◘◘◘


HINDI MAN AMININ, TIYAK NA UMUUSOK SA GALIT SI P-DUTERTE SA MGA KABABAYAN NIYA SA DAVAO CITY NA “KAKAM-PINK” NI VP LENI--Hindi man aminin ay tiyak na umuusok sa galit si P-Duterte sa mga kababayan niya sa Davao City na nagpakita ng suporta kay VP Leni.


Ang inindorso kasi ng partidong PDP-Laban ni P-Duyerte ay kandidatura for president ni Sen. Dela Rosa, tapos may mga kababayan ang pangulo sa Davao City na ang ikinampanya ay ang kalaban niya sa pulitiko, ang head ng oposisyon na si VP Leni, period!

◘◘◘


SA RISK ALLOWANCE NG MGA HEALTH WORKERS ANG KUPAD MAGBIGAY NG DUTERTE GOV’T., PERO BILYONES NA KONTRATA SA PHARMALLY ANG BILIS--Sa interview ay sinabi ni Private Hospital Workers Alliance of the Philippines, Pres. Donald Siazon na hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay sa kanila ng pamahalaan ang promise na risk allowance sa kanila.


Hay naku, ‘yan ang malungkot na katotohanang nangyayari ngayon sa Pilipinas sa gitna ng pandemya kasi ang kupad mag-release ang Duterte gov’t. ng allowance sa mga health workers, pero pagdating sa Pharmally Corp. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud na may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang ay simbiilis ng kidlat kung bigyan ng kontratang bilyones ang halaga, buwisit!


◘◘◘


KUNG NAKINIG LANG SI P-DUTERTE KAY VP LENI, HINDI SANA PUMALO SA HIGIT 41-K PINOY NAMATAY SA COVID-19--Kamakalawa ay may nadagdag na 65 Pinoy na namatay sa COVID-19, at dahil d’yan ay pumalo na sa higit 41-K Pilipino ang namatay sa coronavirus.


Ang daming Pilipino na namatay sa virus, pero sa China na pinagmulan ng coronavirus ay 4,636 Chinese lang ang namatay sa COVID-19.


Kung nakinig lang sana noon si P-Duterte sa panawagan ni VP Leni na mag-travel ban na agad sa China noong Jan. 30, 2020 para hindi gaanong mapasok ng virus ang ‘Pinas, hindi sana pumalo sa higit 41-K Pinoy ang namatay sa virus, tsktsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page