5 lungsod sa Metro Mla., makararanas ng water service interruption – Maynilad
ni Lolet Abania | July 15, 2022

Makararanas ang ilang mga kostumer ng Maynilad Water Services, Inc. ng water service interruption simula Biyernes, Hulyo 15 dahil sa napinsalang pipe na kailangang i-repair.
Kabilang sa apektado na ilang mga barangay sa Manila, Makati, Parañaque, Las Piñas at Pasay.
Isang third party contractor ang aksidenteng tinamaan ang isang water pipe sa kahabaan ng Pureza Street corner ng Abad Santos sa Sta. Mesa, Manila, na nagdulot naman ng massive leak sa lugar.
Ang contractor ay nagsasagawa ng isang drainage project sa nasabing site simula pa noong Lunes.
Sa kasalukuyan, ang Maynilad ay nagka-conduct ng assessment at repair ng napinsalang pipeline.
Ayon sa Maynilad, ang tubig na nasa site ay kailangan munang i-drained para matukoy o expose ang damaged pipeline.
Sinabi ni Corporate Communications head ng Maynilad na si Jennifer Rufo na ang tubig na nasa site ay dapat na tanggalin at para magawa ito ilang mga pipelines ang kailangang isara.
“In some portions po, 18 hours po ‘yung interruption pero in some areas as long as 36 hours,” sabi ni Rufo, patungkol sa itatagal ng water service interruption na ipatutupad ng kumpanya mula Hulyo 15 hanggang 16.
Gayunman, magde-deploy ang Maynilad ng mobile water tankers para magbigay ng potable water sa mga apektadong lugar.
Paalala naman ng kumpanya sa publiko na kapag bumalik na ang serbisyo ng tubig, makikitaan ito ng ilang discoloration.
Payo ng Maynilad sa mga kostumer na hayaan muna na dumaloy ang tubig hanggang sa maging malinaw na ito o gamitin na pang-flush sa mga toilets o kaya sa pagdidilig ng mga halaman para hindi ito masayang.





Comments