7 lugar sa bansa, positibo.. Red tide alert
- V. Reyes
- Jan 29, 2020
- 1 min read

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkonsumo ng shellfish mula sa pitong lugar sa bansa dahil sa red tide.
Sa ipinalabas na shellfish bulletin ng BFAR, kabilang sa mga lugar na may mataas na antas ng paralytic poison ang mga shellfish ay ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan, baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong-Irong at Silanga Bay sa Western Samar, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar ay mahigpit na ipinagbabawal na hulihin, ibenta at kainin.
Samantala, ligtas nang maghango ng shellfish mula sa mga baybayin ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal), San Pedro Bay sa Western Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.





Comments