Miss U, ginagastusan daw ang BF, napagod na… Kumpirmado: Pia at Marlon, September pa hiwalay!
- Ronalyn Seminiano
- Dec 6, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kumpirmadong hiwalay na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at professional car racer Marlon Stockinger.
Through text message, sinabi ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado na: “Yes, it’s confirmed and you can quote me on that.”
Nawalan na umano ng pasensiya si Pia kay Marlon, pero walang kumpirmasyon sa kumalat na balitang sinuportahan daw financially ng Miss Universe 2015 ang ex-BF.
Dahil busy si Pia sa kanyang career, minsan lang magkita ang dalawa at sa bawat pagkikita ay nagkakaroon pa raw sila ng pagtatalo, kaya sa loob ng tatlong taong relasyon ay ilang ulit na rin silang nag-break.
Sabi ni Rikka, “On and off (Pia and Marlon relationship) naman na, matagal na, but ‘yung final was September pa.”
Nagsimula ang pagtatalo ng dalawa nang malaman ni Pia sa isang interview na may anak na pala si Marlon.
Matatandaang inamin ni Pia na siya ang gumawa ng paraan para mapansin ni Marlon sa Instagram dahil matagal na raw niyang crush ang racer.
Sa ngayon ay in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.





Comments