top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Naka-1st win ang Women’s Floorball; Netball, silat

  • Gerard Arce
  • Nov 26, 2019
  • 2 min read

Ibinuslo ng National Women’s Floorball Team ang una nitong panalo matapos dominahin ang Indonesia sa iskor na 8-1, Lunes ng hapon sa pagsisimula ng aksyon bago ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa UP, College of Human Kinetics Gymnasium sa Quezon City.

Maagang dinomina ng women’s team ang laro sa pamamagitan ng 5-1 lead sa unang 20 minuto ng first period sa pangunguna nina team captain at forward Jade Ariadne Rivera, Edelyn Grace Embile, Hanna Englund, Sara Hemmingberg at Jestine Mariano.

Ginamit ng PHL ang 19 na players para ibuhos ang puwersa para sa unang panalo sa preliminary rounds. Ang Floorball ay halos kaparehas ng sport na ‘Hockey’ na ang pinagkaiba lang ay walang suot na skates ang players. Ang tanging kailangang gawin ay i-shoot ang bola sa goal gamit ang isang floorball stick.

Nilalaro ito ng 5-on-5 at isang goal keeper kung saan may kabuuang 20 players ang bumubuo sa koponan nito.

Sunod na makakalaban ng women’s team ang Thailand ngayong Martes ng 1 p.m. habang magtatapat ang PHL men’s team at Thailand sa 7 p.m.

“This is a good start for us. We’re hoping that it will continue against Thailand tomorrow (today),” wika ni coach Noel Johansson.

Samantala, hindi nagawang umubra ng PHL Netball team nang tambakan ng Singapore sa iskor via 28-80 kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Hindi man lang umabot ng double digit ang nagawang iskor ng Nat’l team sa bawat quarter matapos kumana lang ng 6 points ang opensa sa 1st quarter na sinundan ng 9, 5 at 8 points sa 2nd hanggang 4th quarter kumpara sa 21, 22, 21 at 16 puntos na ibinuslo ng 2017 Malaysian Games silver medalist sa buong laro.

Sunod na makakalaban ng Siklab-Netballers ang defending champion na Malaysia, Martes bandang 5 p.m., sunod ang Thailand sa Miyerkules at Brunei sa Biyernes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page