top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 18, 2019 (Lunes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 18, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 18, 2019 (Lunes): Ma­lalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng iyong buhay. Magpatuloy ka ka­hit ano pa ang iyong mara­nasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag ng kalo­oban at tibay ng paninin­di­gan ang sandata mo para talunin ang mga nagpa­panggap na tunay mong kaibigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-27-30-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga naiinggit sa iyo nang may pag-ibig sa puso. Malulusaw ang ma­samang pananaw nila sa iyo at sila ay mapapalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-24-27-30-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Magbiro ka at susuwer­tehin ka. Pasa­yahin mo ang kapwa mo at pasasayahin ka ng langit kung saan ang buhay mo ay tatadtarin Niya ng ma­ga­gandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-23-31-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Buksan mo ang puso mo sa pakikipag­kasundo. Mabilis, kasim­bi­lis ng kidlat ang mga suwer­teng magsisiguhit sa kapala­ran mo. Muli, buksan mo ang iyong puso sa pakiki­pag­kasundo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-10-14-16-22-24-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong pan­sinin ang mga salitang mari­ri­nig mo laban sa iyo. Ang mga ito ay nagmumula sa mga nagnanais na mahinto ka sa pagtutok sa iyong ma­kabuluhang proyekto. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-20-21-26-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglinis ka at mag-ayos sa iyong tirahan. Sa ganitong paraan, mag­sisimula nang gumanda ang takbo ng iyong kapala­ran at magdaratingan din sa iyo ang mga tao na ma­pakikinabangan mo. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-24-29-30-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa iyong plano. Naka­ayos na ang lahat na para bang pipitasin mo na lang ang matatamis na bunga na para sa iyo lamang. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-22-30-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka nang lumayo para suwerte­hin ka. Ang mga nasa tabi na puwedeng pakinabangan mo ay sa kanila maaaring magmula ang iyong maga­gandang kapalaran. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-27-30-32-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim lang, huwag kang magtiwala sa kahit sino. Mag-obserba ka at talasan mo ang iyong pakiramdam. Lihim lang din na layuan mo agad ang mga hindi mo kursunada. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-29-31-38-39-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darapo sa iyo ang mun­ting suwerte na kapag minahal mo ang lalaki ay magiging punong­kahoy na magbibigay sa iyo at sa mga mahal mo ng ma­tatamis na bunga. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-19-26-27-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makara­ranas ka ng panandaliang pagkaantala sa iyong mga kagustuhan. Huwag mong akalain na ikaw ay pinahi­hirapan dahil ang ganito ay paraan para maayos ang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-20-22-26-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo nang mukha­an ang mga pagsubok sa iyong harapan, huwag mong talikuran da­hil sa biglang tingin, ma­hirap kang manalo, pero ang huling halakhak ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-18-20-28-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page