top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa edad, angkan, relihiyon, sexual orientation, health status, medical history at iba pa | Pagkakaku

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2019
  • 2 min read

LAHAT ng bagay sa mundo ay may kulay. Lahat ay may kategorya, may karakter at may kahulugan.

Pero, may ilang bagay na hindi dapat bigyan ng kulay, hindi dapat bigyan ng kategorya, hindi dapat bigyan ng kaibahan at karakter — isa riyan ang respeto sa kapwa-tao.

Ang respeto ay walang kasarian o gender; walang limitasyon sa edad at walang limitasyon sa pagkatao ng sinuman.

Kamakailan, nag-viral ang insidente kung saan sangkot ang transwoman na si Gretchen Diez na nagtangkang pumasok sa CR ng mga babae sa mall sa Cubao. Hindi pa nakuntentong pinalabas siya ng janitress kundi ininsulto pa ang kanyang pagkatao, sinabihan ng bastos na salita, kinaladkad at halos iparada sa buong mall at nang humingi ng tulong sa pulisya, si Gretchen pa ang pinosasan patungo sa himpilan.

Kahit sino sa atin ang malagay sa sitwasyon ni Gretchen, papalag tayo dahil sa inabot na kahihiyan.

Samantala, nariyan din ang isyu sa engkuwentrong Arwind Santos at Terrence Jones sa Philippine Basketball Association (PBA).

Si Santos ay forward player ng koponang San Miguel at si Jones naman ay mula sa koponan ng Talk 'N Text.

Sa kasagsagan ng Game 5 ng magkabilang koponan noong August 15, nag-monkey gesture si Santos sa harap ni Jones matapos itong tawagan ng foul.

Marami sa mga kababayan nating suki ng basketball ang hindi natuwa sa pambabastos ni Santos kay Jones. Ang masaklap, nagpahayag sa interview si Santos na hindi siya magso-sorry sa kanyang ginawa.

Ang resulta, pinagmulta siya ng liderato ng PBA ng P200, 000 at 100 hours na community service. Kalaunan, nag-public apology din siya, pero sa palagay natin, hindi ‘yun ganu’n kadali para sa oppressed party.

Ayon kay Jones na dating manlalaro ng Houston Rockets sa NBA, iginagalang niya ang Pilipinas at mamamayan nito dahil Pinay ang kanyang asawa.

Malinaw, ayon sa kanya na walang kinalaman sa basketball ang ginawa ni Santos kundi direktang pag-atake ito sa kanyang kulay at lahi. Ito ang tinatawag na racial discrimination.

Sa ating Senate Bill 137, may itinala tayong uri ng diskriminasyon sa kapwa.

Kabilang d’yan ang diskriminasyon base sa edad ng tao, sa kanyang angkan at pinagmulang lahi, relihiyon, paniniwalang politikal, estado sa lipunan, kasarian, sexual orientation o kung paano niya kinikilala ang kanyang kasarian o gender identity and expressions, marital o relationship status, kapansanan, HIV status, health status, medical history, lengguwahe at paraan ng pananalita at iba pa.

Sa ating panukalang-batas, may kaukulang parusa sa diskriminasyon. Nariyan ang isa hanggang 6 na taong pagkakabilanggo at P500,000 multa sa taong gumawa nito.

Gusto lang nating bigyang-diin, wala tayong karapatang mang-alipusta ng kapwa sapagkat tayo ay pare-parehong tao.

Pagdating ng panahon, pare-pareho lang tayong kakainin ng lupa at mamamatay.

Habang tayo ay buhay, matuto tayong magpahalaga at magbigay-galang sa isa’t isa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page