TV host, game na game sa laban… KRIS AT FALCIS BROTHERS, MAGHAHARAP NA SA KORTE
- BULGAR

- Feb 22, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Magkikita pala this Friday sa QC RTC si Kris Aquino at ang Falcis Brothers na sina Nicko at Jesus. Post ni Kris sa Instagram (IG): “They TRIED but I didn’t allow them to destroy my heart... because after all the STRONGEST HEARTS already possess the most scars... and on Friday, February 22, 2019, in QC RTC, FINALLY... #LABAN.”
Walang binanggit na pangalan si Kris at hindi nga diniretso kung ano ang mangyayari, pero agad nahulaan kung ano ang happening ngayong Biyernes. Dahil may binanggit siyang QC RTC, tiyak na may media na susugod para i-cover ang mangyayari.
Mababasa ang suporta ng mga followers ni Kris sa mga comments na lumaban siya at kasama niya ang kanyang mga supporters na magdarasal na maayos na ang gulo sa dalawang kampo.





Comments