'Pinas, kapos daw sa skilled workers kaya kumukuha ng mga Intsik, tsk-tsk-tsk!

HINDI DAPAT IKUMPARA ANG PILIPINAS SA IBANG BANSA NA NAGPAPATAW NG PARUSA SA MGA BATANG NAKAGAGAWA NG LABAG SA BATAS—Totoong may mga bansang nagpapataw ng parusa sa mga batang nakagagawa ng labag sa batas, pero hindi dapat ikumpara ang Pilipinas sa mga bansang ito.
Ang lider sa mga bansang ito ay kumikilala sa karapatang-pantao, hindi tulad ni P-Duterte na bukod sa kilalang human rights violator, may polisiya pang “kill, kill, kill”.
Nakababahalang maisasabatas ang lowering minimum age of responsibility o batas na itinuring na kriminal ang 9-anyos na batang makagagawa ng paglabag sa batas dahil ang mga maralitang bata ay naging biktima rin ng EJK, lalo na at may record ang Davao City noong mayor pa ng lungsod si P-Duterte na ang mga batang nakagagawa ng labag sa batas ay ipinapapatay, period!
◘◘◘
INIISMOL NG DUTERTE GOV’T. ANG MGA MANGGAGAWANG PINOY — Sinagot ng Malacañang ang isyung pagdagsa sa bansa ng Chinese workers at ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaya raw sa China kumukuha ng mga manggagawa ang Duterte gov’t. ay dahil kapos daw ang Pilipinas sa skilled Pinoy workers.
‘Yan ang Duterte gov’t., walang bilib sa mga manggagawang Pinoy, hu-hu-hu!
◘◘◘
P-DUTERTE, DEDMA SA ISINAMPANG KASO NG NBI KAY LAPEÑA —Sinampahan na ng NBI ng criminal at administrative cases si TESDA Director, at ex-BOC Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa pagkakasangkot nito sa P11 bilyon shabu smuggling sa Adwana.
Ibig sabihin, kaya sinampahan ng kaso ay may nakitang matibay na ebidensiya ang NBI, pero imbes sibakin, dedma lang sa isyung ito si P-Duterte, kaya si Lapeña, nakaupo pa rin sa kanyang trono, buwisit!
◘◘◘
MINI-CASINO SA BILYARAN SA LA TRINIDAD, BENGUET—May iligal na mini-casino raw ang isang alyas Adam sa loob ng bilyaran sa Sun Valley St., La Trinidad, Benguet.
O, ano pa ang hinihintay mo Mayor Romeo Salda, aksiyon na, dali!





Comments