- Pabs Hernandez III
Pusher na bebot timbog
LAGUNA—Isang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Southville 5-A, Biñan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Catherine Samson, residente ng nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Sa ngayon ay pinaghahahap pa ng pulisya ang live-in partner ni Samson na si Vemor Padida na sangkot din sa pagbebenta ng shabu sa naturang lungsod.
0 comments