top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NISPEROS NG NU BULLPUPS AT UST, SUMIKLAB SA HS VOLLEYBALL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2018
2 min read

PINATAOB ng defen­ding four-time girls cham­pion National University ang Adamson University, 25-19, 25-18, 31-29, upang pa­abu­tin ang kanilang win­ning run hanggang pi­tong games sa UAAP Sea­son 81 high school volleyball tournament sa Far Eastern University-Diliman Gym.

Umiskor si Faith Nis­pe­ros ng 14 na puntos la­hat ga­ling sa attacks kasu­nod si reigning MVP Mhi­caela Belen ng 13 hits, bukod pa sa 7 digs at 4 na receptions upang pangu­nahan ang Ju­nior Lady Bullpups.

Nagtapos na topsco­rer si Kate Santiago na tumapos na may 9 na pun­tos para sa Baby Falcons.

Nakahugot ang Uni­ver­sity of Santo Tomas ng pi­nag­samang 18 puntos mula kina Renee Lou Penafiel at Imee Hernan­dez upang pa­ngunahan ang 25-22, 25-11, 25-10 panalo nila kontra Univer­sity of Philippines Integra­ted School.

Sanhi ng tagumpay, tu­mabla sila sa Adamson Uni­versity sa ikatlong po­sisyon hawak ang mar­kang 5-3, panalo-talo. Napayukod ng De La Salle-Zobel ang UPIS, 25-15, 25-16, 25-19, sa si­mula ng second round noong Sabado sa Blue Eagle Gym para umangat sa ika­lawang puwesto hawak ang mar­kang 5-2.

Nagsalansan si Alexis Miner ng 13-puntos para pa­ngunahan ang FEU-Dili­man sa paggapi sa UE, 25-19, 25-15, 25-17, na nag-angat sa kanila sa patas na markang 4-4.

Samantala sa boys di­vi­sion, iginupo ng NU ang title­holder UST, 25-18, 25-20, 32-30 at Adam­son Uni­versity, 12-25, 25-22, 19-25, 25-22, 15-13 para manatiling walang talo ma­tapos ang siyam na laro.

Matapos matalo, 26-28, 24-26, 25-27 sa UE, bumawi ang FEU-Diliman sa pama­magitan ng 23-25, 25-16, 25-27, 25-14, 15-9 paggapi sa La Salle-Zobel upang uma­ngat sa ikalawang puwesto ha­wak ang 7-2 baraha.

Samantala, pinadapa ng UE ang UPIS, 25-9, 25-22, 25-17 para maka­pagsolo sa ikatlong pu­westo hawak ang 6-3, pa­nalo-talong marka kasu­nod ang Tiger Cubs at Baby Falcons na tabla sa 5-4 na baraha. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page