Search
  • MC / Green Lantern

MASTER BREEDERS 2, 9-STAG INTERNATIONAL DERBY BUMUHOS


PATULOY na bumubuhos ang reserbasyon ng slot para sa ikalawang yugto ng pinakaprestihiyosong stag derby sa buong mundo – ang 2018 World Pit­masters Cup (Master Breeders-2) 9-Stag International Derby na gaganapin mula ika-15 hanggang ika-25 ng Nob­yembre, sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

May garantisadong premyo na 15 milyong piso na puwedeng muling lumobo hanggang mahigit sa P34M katulad ng nangyari sa una matapos na magrehistro ng 437 entries.

Ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamaliit na pusta sa bawat laban ay P55,000. Bilang karagdagan sa 9-stag international derby, muling magkakaroon ng isang one-day 7-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum.

Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18.

Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.