Search
  • Pabs Hernandez III

2 tulak timbog sa buy-bust

BATANGAS—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Balintawak, Lipa City sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Magsino at Sherwin Dimaculangan, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, isang sachet ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na sina Magsino at Dimaculangan na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.