top of page
Search

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 15, 2024



Israeli airstrike na tumama sa bahagi ng northern Lebanese village sa Aito, 14 October 2024. Photo: Fathi AL-MASRI /AFP


Nasawi ang hindi bababa sa 21 katao sa isang Christian town sa north Lebanon matapos palawakin ng Israel ang kanilang pag-atake laban sa Hezbollah kamakailan.


Sa kasalukuyan, ang pangunahing pokus ng mga operasyong militar ng Israel sa Lebanon ay nasa timog, sa Bekaa Valley sa silangan, at sa mga suburb ng Beirut.


Ang nasabing pag-atake sa bayan ng Aitou, kung saan ang mayorya ay Kristiyano, ay tumama sa isang bahay na inuupahan ng mga lumikas na pamilya, ayon sa alkalde ng lugar na si Joseph Trad. Samantala, bukod sa mga bilang ng nasawi, may 8 katao rin ang nasugatan.

 
 

ni Eli San Miguel @Technology | Oct. 11, 2024



Photo: AP / SKY - Circulated


Nagdulot ng pagkawasak sa dalawang komunidad ang mga airstrike ng Israel sa gitnang Beirut nitong Huwebes, na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng dose-dosenang iba pa, ayon sa Lebanon health ministry.


Lalong pinataas ng pag-atakeng ito ang tensyon sa nagpapatuloy na labanan ng Israel at Iran-backed Hezbollah militants sa Lebanon. Itinuturing ang airstrike na pinakamadugo sa nakalipas na taon, na tumarget sa dalawang residential buildings sa magkaibang lugar.


Gumuho ang isang walong-palapag na gusali, habang nawasak ang mababang palapag ng isa pang gusali, ayon sa ulat ng AP photographer sa lugar. Sa parehong araw, pinaputukan din ng puwersa ng Israel ang mga peacekeeper ng United Nations sa katimugang Lebanon, na ikinasugat ng dalawa at nagdulot ng malawakang pagbatikos.

 
 

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 4, 2024



News Photo

Nagbanta ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un na gagamit ng mga nuclear weapons at permanenteng wawasakin ang South Korea kung kakantiin sila, ayon sa ulat ng state media ngayong Biyernes.


Ito'y kasunod ng babala ng lider ng South Korea na babagsak ang rehimen ni Kim kung susubukan nitong gumamit ng mga nuclear weapons. Bagama’t karaniwan ang ganitong mga pahayag sa pagitan ng magkaribal na Korea, dumating ang mga komentong ito sa gitna ng tumitinding tensyon dahil sa kamakailang pag-amin ng North Korea sa kanilang nuclear facility at mga missile tests.


Sa pagbisita sa isang special forces unit, sinabi ni Kim na walang pag-aalinlangang gagamit ang kanyang militar ng lahat ng puwersang pandigma, kabilang ang mga nuclear weapons, kung sasalakay ang South Korea sa soberanya ng North Korea. Idinagdag pa niya, “The permanent existence of Seoul and the Republic of Korea would be impossible.”


Nagsilbing tugon ang mga pahayag ni Kim, sa talumpati ni Pangulong Yoon Suk Yeol ng South Korea sa Armed Forces Day, kung saan inihayag niya ang pinakamakapangyarihang ballistic missile ng South Korea at nagbabala na ang anumang paggamit ng mga nuclear weapons ng North Korea ay magdudulot sa pagbagsak ng gobyerno ni Kim, dahil sa matatag at napakalakas na alyansa ng South Korea at United States.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page