top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 22, 2024



Israeli military / Hezbollah al Sahel hospital. Photo: Israel Defense Forces

 

Inihayag ng militar ng Israel, na nagtago ang Hezbollah ng daan-daan milyong dolyar na pera at ginto sa ilalim ng isang ospital sa Beirut, ngunit hindi nila tatargetin ang pasilidad sa kabila ng patuloy na pag-atake sa mga pinansyal na ari-arian ng grupo.


Sinabi ni Fadi Alameh, isang mambabatas ng Lebanon mula sa Shi'ite Amal Movement at direktor ng Al-Sahel hospital, na ang mga pahayag ng Israel ay mali at mapanira. Ayon pa sa kanya, ini-evacuate na ang ospital.


Itinanggi naman ng Israel na target nilang bombahin ang pasilidad. Hindi pa nakukumpirma ng Reuters ang mga detalye mula sa punong tagapagsalita ng militar ng Israel na si Rear Admiral Daniel Hagari. Hindi rin agad nakapagbigay ng pahayag ang Hezbollah.

 
 

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 20, 2024



Photo: KCNA via Reuters

 

Iniulat ng North Korea na narekober nila ang mga labi ng bumagsak na military drone ng South Korea, na itinuturing nilang bahagi ng propaganda mission sa gitna ng patuloy na tensyon sa border.


"In light of the drone's shape, the presumptive period of flight, the leaflet-scattering box fixed to the underpart of the drone's fuselage, etc, it is quite likely that the drone is the one which scattered leaflets over the center of Pyongyang Municipality. But the conclusion has not yet been drawn," pahayag ng news agency na KCNA.


Tumanggi ang South Korea na kumpirmahin kung may pinalipad na mga drone at sinabing ang pagkomento sa pahayag ng North Korea ay magiging bahagi ng kanilang taktika.


"If a violation of the DPRK's (Democratic People's Republic of Korea) territorial ground, air and waters by ROK's (Republic of Korea) military means is discovered and confirmed again, it will be regarded as a grave military provocation against the sovereignty of the DPRK and a declaration of war and an immediate retaliatory attack will be launched," ayon sa KCNA.


"North Korea's one-sided claims are not worth verifying, nor do they merit a response," pahayag naman ng defense ministry ng South Korea.


Matatandaang tumaas ang tensyon mula nang magsimulang magpadala ng mga lobo na may basura ang North Korea sa South noong huling bahagi ng Mayo, na nag-udyok sa Seoul na ipagpatuloy ang mga propaganda broadcast, na gumalit sa Pyongyang.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Oct. 19, 2024



Photo: Israeli army via AFP / Handout


Sinisiguro ng Israel na magbibigay sila ng pinakamatinding pinsala sa Hamas sa Gaza at Hezbollah sa Lebanon, at sinasamantala rin ang pagkakataong magtatag ng mga de facto buffer zones bilang hakbang upang bumuo ng hindi mapapalitang reyalidad bago ang halalan sa United States (US) at ang pagdating ng mauupong pangulo sa Enero, ayon sa walong sources na nakapanayam ng international news agency na Reuters.


Matatandaang naging malaking tagumpay para sa Israel ang pagkasawi ng lider ng Hamas na si Yahya Sinwar, ngunit tinitingnan din ng mga namumunong Israeli ang mga planong magdadala sa kanila sa tiyak na tagumpay na lampas pa sa kayang abutin ng militar ng bansa.


Samantala, plano ng nasabing bansa na paigtingin ang operasyong militar laban sa Hezbollah at Hamas, at matiyak na hindi muling makakapag-organisa ang kanilang mga kalaban, pati na ang pangunahing tagasuporta nito, ang Iran, at hindi na makapagbabanta sa mga mamamayang Israeli.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page