top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | May 10, 2026



Voldomyr Zelenskyy, Donald Trump at Vladimir Putin - FB


Inanunsyo ni US President Donald Trump ang tatlong araw na ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine mula Mayo 9 hanggang Mayo 11 bilang bahagi ng paggunita ng Russia sa pagtatapos ng World War II.


Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na kabilang sa ceasefire ang pansamantalang pagtigil ng lahat ng opensibang militar, gayundin ang pagpapalitan ng tig-1,000 bilanggo mula sa bawat bansa.


“Hopefully, it is the beginning of the end of a very long, deadly, and hard-fought war,” ani Trump.


Nauna nang inihayag ni Trump na may isinasagawang negosasyon para sa isang pansamantalang tigil-putukan matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Vladimir Putin noong Abril 29.


Kasabay nito, nagdeklara rin ang Russia ng sarili nitong ceasefire mula Mayo 8 hanggang Mayo 9 bilang bahagi ng paggunita nito sa tagumpay ng dating Soviet Union laban sa Nazi Germany noong World War II.


Samantala, iminungkahi ng Ukraine ang isang open-ended ceasefire na nagsimula noong Martes, at nanawagan sa Russia na sumunod sa naturang hakbang.


Bukod dito, dumating na sa Miami ang pangunahing negotiator ng Ukraine na si Rustem Umerov para sa serye ng pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Estados Unidos.


Gayunpaman, nananatiling hindi nagkakasundo ang magkabilang panig, lalo na sa usapin ng Donetsk region sa silangang bahagi ng Ukraine. Patuloy ding inaakusahan ng Moscow at Kyiv ang isa’t isa ng paglabag sa mga naunang deklarasyon ng ceasefire.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 2, 2021




Pinasabog ang nadiskubreng World War II bomb sa Exeter, England matapos ilikas ang mahigit 2,600 katao noong Sabado nang hapon.


Ayon sa awtoridad, ang mga manggagawa sa isang building site ng private land malapit sa University of Exeter campus ang nakakita ng bomba noong Biyernes at kaagad na ipinaalam sa Devon and Cornwall Police.


Pahayag ni Inspector Sean Roper ng Devon and Cornwall Police, "It’s approximately 2.5 metres in length by about 70cm in width. "It’s not uncommon for this area, to find World War Two explosives, but one of this kind is uncommon so we’re taking all the precautions we need to make sure everyone is safe in the area.


"We’re fully aware that this is probably decades old but the moving of this item does pose a risk and we need to make sure we do everything we can to support the locals."


Nag-iwan din umano ng crater ang pagsabog ng bomba at nabagsakan ng mga metal debris ang ilang gusali. Pahayag ng Devon and Cornwall Police, “Debris, including large metal objects, were thrown in the blast, some of which landed on nearby roofs, which require the use of a crane to remove."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page