top of page
Search

ni Jenny Albason | May 22, 2023



ree

Nangako si Taiwanese President Tsai Ing-wen na pananatilihin nit ang kapayapaan sa buong Taiwan Strait sa patuloy na alitan mula sa China.


Sa ilalim ng termino ni Tsai bilang pangulo, ang self-ruled island ay nakitaan ng mga pinalakas na eroplanong pandigma at mga pagsalakay sa dagat mula sa China — na nagsasabing ang Taiwan bilang teritoryo nito ay aangkinin balang araw, sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.


 
 

ni Mabel Vieron | May 19, 2023



ree

Humiling si Ukraine’s first lady Olena Zelenska ng mga non-lethal military hardware kay South Korean President Yoon Suk Yeol.


Nagpaabot ng pakikiramay si Yoon sa mga nasawing Ukrainian dahil sa giyera laban sa Russia.


Ang mga non-lethal military hardware ay ang kinabibilangan ng mine detectors, de-mining equipment at first aid vehicles.


Humirit din ito sa mga South Korean companies na tulungan umano sila na maipatayo ang mga nasirang gusali dahil sa giyera.


Agad namang tiniyak ni Yoon na buo ang suporta ng South Korea sa Ukrainian upang makabangon agad ito.


 
 

ni Mabel Vieron | May 17, 2023



ree

Pansin ng United Nations na wala umanong pagbabago sa giyera laban sa dalawang military factions sa Sudan.


Ito ay matapos ang isang buwan mula nang maganap ang labanan sa pagitan ng Sudan Military at Rapid Support Forces (RSF).


Batay sa UN, marami na umanong residenteng lumikas at ilang daan na ring mga sibilyan ang nasawi at nadamay sa nasabing giyera.


Samantala, patuloy pa rin ang kanilang panawagan na itigil ito upang wala nang sibilyan ang madamay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page