top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | April 24, 2023



ree

Nagbabala ang Japan's Defense Minister na si Yasukazu Hamada na handa nitong barilin ang isang North Korean spy satellite sakaling mahulog ito sa teritoryo ng Japan.


Ayon sa isang pahayag ng Defense ministry, inihahanda ni Hamada ang Self-defense Forces dahil maaari niyang iutos ang pagsira sa mga ballistic missiles.


Kasama sa mga paghahanda ang paggawa ng mga kaayusan upang mag-deploy ng mga troops sa southern prefecture ng Okinawa upang "i-minimize ang pinsala sakaling mahulog ang ballistic missile".


Samantala, sinabi naman ng North Korean leader na si Kim Jong Un na ang nakaplanong paghahanda sa paglulunsad ng unang spy satellite ng bansa ay dapat magpatuloy upang labanan ang mga nakikitang banta mula sa Estados Unidos at South Korea.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 24, 2023



ree

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na malaking hamon para mailikas ang ilang Pilipino na naiipit sa bakbakan sa Sudan dahil magiging pahirapan sa gobyerno na makahanap ng ligtas na land route.


"Malaking problema natin sa Sudan. We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire. Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave,” ani Marcos.


Ayon pa sa Pangulo, ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang mailigtas ang nasa 300 Pinoy na nasa Sundan.


"It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan. But we are already preparing the assets that might be involved. We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo," dagdag pa ni Marcos.


 
 

ni Mabel G. Vieron | April 22, 2023



ree

Sa patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine, napagplanuhan ng South Korea na magsuplay ng mga armas sa Ukraine.


Kaugnay nito, agad namang nagbabala ang Russia sa South Korea.


Matatandaang nagbigay ng non-lethal at humanitarian assistance ang South Korea subalit hindi pa nakapagbibigay ng anumang military aide.


Ani South Korea President Yoon Suk Yeol, bukas umano silang magbigay ng mga armas sa Ukraine.


Samantala, ayon kay Russia President Dmitry Peskov, ang pagbibigay ng military support sa Ukraine ay nangangahulugan ng indirect involvement sa away nila ng Ukraine.


Dagdag pa ni President Peskov, ‘pag ipinagpatuloy ng South Korea ang balak, magsusuplay din ito ng mga armas sa North Korea.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page