top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | April 1, 2026



Loisa Andalio at Ronnie Alonte - Instagram

Photo: Loisa Andalio at Ronnie Alonte - Instagram



Ibinahagi ng celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang kanilang journey bilang bagong mga magulang sa kanilang latest vlog sa YouTube (YT) channel. 

Mula sa pagdating nila sa ospital hanggang sa paglabas ng kanilang baby, mapapanood sa vlog ang bawat espesyal na sandali. 


Dumating sila sa ospital noong March 12, mismong araw ng kapanganakan ni Nili. Nag-undergo si Loisa ng panganganak via cesarean section (CS).


Pagsapit ng 10 PM, dinala na si Loisa sa operating room. Naka-medical uniform si Ronnie nang ihatid si Loisa sa OR (operating room). 


Paglabas ni Nili sa tiyan ng mommy niya, nakaantabay si Ronnie sa paggupit ng pusod ng kanilang first baby. Buong-tapang niyang pinutol ang pusod ni Runi Lior, o mas kilala bilang Nili.


Pinsan mismo ni Ronnie ang doktora ni Loisa. Bilang first-time dad, marami siyang bagong experience, mula sa pag-cut ng cord ni Nili hanggang sa pagbibihis sa baby.

Umani ng papuri si Ronnie mula sa mga netizens dahil sa dedikasyon at malasakit na ipinakita niya para sa kanyang pamilya.


“Katatapos ko lang mapanood... Grabe, nakaka-proud kayo mag-alaga, mister @iamr2alonte. Kaya parang napakagaan lang kay misis @iamandalioloisa ng lahat, na para bang hindi nanganak, Hehehe! Napakaganda pa!” sabi ng isang netizen.


“True ka r’yan, beh, limang beses ko napanood, naiyak ako kay Baby Nili nu’ng umiyak s’ya. Huhuhu! Sobrang proud kay Loisa, sobrang tapang, kalma lang talaga s’ya, at s’yempre, si Ronnie na mula umpisa, nand’yan sa tabi ng mag-ina n’ya. Love you so much, LoiNie, and to our baby princess Nili,” dagdag pa ng isa.

Congrats again, LoiNie!





GF ni Richard, nakasama sa serye noon…

RITA, IBINUKING ANG UGALI NI BARBIE MULA NOON HANGGANG NGAYON



BILIB ang aktres na si Rita Avila sa girlfriend ni Richard Gutierrez na si Barbie Imperial.


Hindi napigilan ni Rita na i-post sa Instagram (IG) ang kanyang paghanga kay Barbie. Ipinost niya ang picture nila na magkasama.


Caption ni Rita, “Bilib ako sa batang ‘to. Nagkatrabaho kami several years ago sa Araw Gabi pero same sweetness at warmth s’ya hanggang ngayon. 


“Nag-message-an pa rin kami. Masaya ako na asawa ko ang katrabaho niya sa Blood vs. Duty. Tatay ang tawag n’ya kay Direk FM Reyes.”


Sa comment section ay nag-post ng reaksiyon si Barbie, “Love you mama since Araw Gabi (heart emoji).”


Nag-reply naman si Rita, “Thanks, anak. We are proud of you. Love you too.”

Si Direk FM ang asawa ni Rita at direktor ng inaabangang aksiyon-serye na Blood vs. Duty (BVD). Bida sa bagong Kapamilya action-series sina Gerald Anderson at Richard Gutierrez, gayundin sina Bela Padilla, Barbie at Baron Geisler.


Magsisimula ang Blood vs. Duty sa April 3 sa Netflix, April 4 sa iWant, at April 6 sa free TV (All TV2, Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live). Huwag palampasin lalo na ang pilot episodes na puro pasabog.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 31, 2026



Barbie Forteza / IG

Photo: Barbie Forteza / IG



Pinangalanan na ng aming source kung sino ang makakasama ni Sharon Cuneta sa bagong serye na gagawin niya.


Ang dalawang female lead stars daw na pinagpipilian para makasama ni Sharon sa serye ay sina Marian Rivera at Barbie Forteza.


Pero ayon sa aming source, si Barbie na raw ang final choice para isama kay Sharon sa collab project ng ABS-CBN at GMA-7.


Although, we still have to wait sa final announcement mula sa dalawang TV networks. There’s still a possibility na mabago ang desisyon para sa Sharon-Barbie project. In short, marami pang puwedeng mangyari sa gagawing serye ni Mega.


Sa ngayon, patuloy ang pagpapagaling ni Sharon after her spine operation.

Sa post ng isang wellness and beauty clinic sa Instagram (IG), ibinibida ni Sharon ang treatment machine na meron sila.


Sa naturang video post, inisa-isa ni Sharon ang mga masasakit na parte ng kanyang katawan.


May sciatica (hip problem) si Sharon. May pinched nerve rin daw siya at osteoarthritis, dahilan ng pagsakit ng left side ng hip niya.

Get well soon, Megastar Sharon Cuneta.





Kumalit ang petsa at lugar ng kasal ni Bea Alonzo at ng businessman na si Vincent Co sa socmed (social media). Sa May 16 daw ang wedding day at sa Spain ang venue.


Pero ayon sa direktor ng bagong serye ni Bea sa GMA-7, ang Whispers From Heaven (WFH), na si Zig Dulay, hanggang July ang taping nila for the show.

In fact, nakapagsimula na raw sila ng taping last week.


Eksklusibo naming nakausap si Direk Zig sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF) kung saan isa siya sa jury.


Pahayag ni Direk Zig, “Nag-start na kami. Nakapag-ano na kami, nakapag-first week na kami ng shoot last week.


“Tapos, magre-resume after Holy Week. Pagbalik after Holy Week, tuluy-tuloy na.

“Actually, hanggang June-July kami. So, maraming time para ayusin ‘yung serye sa post-production.”


Kinumpirma rin ng manager ni Bea na si Shirley Kuan na hanggang July ang ibinigay nilang schedule ng artist niya sa production.


So, kung May 16 at sa Spain gagawin ang wedding ni Bea kay Vincent, kailangang bumalik agad sa Pilipinas ang aktres para sa taping ng inaabangan niyang serye. Kaya, medyo alanganin para sa amin ang schedule ng wedding sa May 16 kasabay ng pagte-taping ni Bea ng serye.


And speaking of Sinag Maynila, inamin ng award-winning director na nahirapan siya sa pagpili ng mga winners.


“Kasi s’yempre, ang hirap gumawa ng pelikula lalo na sa panahon ngayon. Sa tunay na buhay, ‘yung mga pelikulang kagaya ng mga entries sa Sinag Maynila, para makagawa ka pa lang, panalo na, parang ganu’n,” lahad ni Direk Zig.


Nire-recognize raw niya ang lahat ng effort ng mga direktor. Karamihan pa sa mga direktor na kasali sa Sinag Maynila ay mga kaibigan ni Direk Zig.


“Kaya alam ko ‘yung mga pinagdaanan nila, alam ko ‘yung mga ipinaglalaban nila. Du’n ako nahirapan,” sey pa niya.


Pero natuwa raw si Direk Zig dahil maraming pelikula ang galing mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.


“Kasi lagi nilang sinasabi noon pa na namamatay na ang film industry. Pero sa dami ng short filmmakers, sa dami ng mga filmmakers mula sa iba’t ibang regions sa Pilipinas, parang pinapasinungalingan ngayon.


“So, ang dami pa ring pag-asa. ‘Yung mga batang filmmakers, naniniwala pa rin sila, punumpuno pa rin sila ng passion. Feeling ko, kailangan nating kapitan ‘yun. Kailangan nating paniwalaan ‘yun. Sama-sama tayo, itaguyod at buhayin ulit ang film industry sa Pilipinas,” mariing sabi ni Direk Zig Dulay.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 30, 2026



Ralph, Ryan CHristian at Vilma Santos-Recto

Photo: Ralph, Ryan Christian at Vilma Santos-Recto - FB



Napaka-sweet ng birthday message ng Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos para sa bunsong anak na si Representative Ryan Christian Recto.

Ibinahagi ni Gov. Vi ang pagbati kay Rep. Ryan sa Instagram (IG). He just turned 30 last Sunday, March 29.


Ipinost ni Gov. Vi ang picture ni Ryan noong bata pa at sa isa pa ay sila naman ang magkasama.


Caption ni Gov. Vi, “Happy Birthday, Ryan! (surprise & gift emoji).

“I’m so proud of you, anak. We love you (heart & loved emoji).”


Imagine, 30 years old na pala si Cong. Ryan. Ang bilis talaga ng panahon. Kailan lang, siya ang baby ni Gov. Vi. Pero hanggang ngayon, mukhang bata pa rin ito.

Sa susunod niyan, si Cong. Ryan naman ang magbibigay ng apo kay Gov. Vi.

Happy birthday, Cong. Ryan!





ALL-SMILES ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa outcome ng winners sa Gabi ng Parangal ng 8th Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF).


Si Direk Brillante ang co-founder ng Sinag Maynila along with Solar Pictures producer na si Wilson Tieng. At the same time, si Direk Brillante rin ang naatasaan bilang Festival Director ng Sinag Maynila.


Pagkatapos ng Gabi ng Parangal ay nagkaroon kami ng chance na makausap si Direk Brillante sa loob ng Gateway Cinema 11.


“Congrats sa lahat ng mga winners,” bungad ni Direk Brillante sa aming exclusive interview. 


Aniya pa, “Namamayagpag ang regional cinema from the shorts, docu at sa film. Gusto natin lahat magkasama at mabigyan talaga ng papuri ang mga nararapat.”

Satisfied daw siya sa mga nanalo sa filmfest.

“Yes, very much,” diin niya. 


Paliwanag niya, “Maganda ‘yung lineup ngayon kasi napagsama-sama natin ang indie, mostly indie, at saka ‘yung mga genre films.”


Ngayon pa lang ay tiyak na paghahandaan na nila ang 2027 Sinag Maynila.

“Ay, sana mas marami pa ang sumama at mas magaganda pang pelikula ang mai-share natin sa mga manonood,” hiling niya.


Samantala, extended ang 2026 Sinag Maynila hanggang April 1. Ibinahagi ni Direk Brillante kung bakit na-extend ang pagpapalabas sa sinehan ng mga entries sa 8th Sinag Maynila.


Paliwanag niya, “Well, that’s good news from the cinema owners kasi sila talaga ang magsasabi. Ibig sabihin, positive. Maraming salamat.”


Sugod na sa mga sinehan para panoorin ang mga pelikulang kasali sa 8th Sinag Maynila sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).

Congratulations, Sinag Maynila!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page