top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 16, 2025



Photo: Willie Revillame - FB


Very open si Willie Revillame sa pagkadismaya pagkatapos matalo sa kanyang senatorial bid last election.


Napakasakit para kay Willie ang sinapit niyang pagkabigo sa unang attempt sa pagka-senador. Ang dami rin niyang isinakripisyo sa kanyang pagtakbo at isa na riyan ang Wowowin program niya sa TV5.


Ayon sa aming source, si Willie raw mismo ang nagpatigil ng kanyang programa dahil sa pagkandidato nga niya last election. 


At ngayong tapos na ang eleksiyon, wala pa rin daw balak si Willie na ibalik sa ere ang programa niya.


Hindi naman daw dahil naubusan na ng pondo si Willie pang-produce ng kanyang show. Katunayan, ni hindi nga raw nabawasan ang pera niya at nagamit sa kanyang kampanya last election.


May sponsor daw kasi si Willie sa kanyang pagtakbo. May ibang nagsasabi na ang isang mining company owner ang nag-sponsor kay Willie sa kanyang pagtakbo.

Sabi naman ng source namin, ang GP (Galing sa Puso) Partylist ang gumastos sa kampanya ni Willie.


Hindi kami sure kung ang mining company owner at GP Partylist nominee ay iisa. Basta ang sure, may nag-sponsor kay Willie at ‘di niya sariling pera ang ginamit sa kampanya ng TV host.


Anyway, duda tuloy ng aming source ay baka mas kumita pa raw si Willie kesa nalugi sa pagtakbo last election.



DUMAGSA ang intriga sa mga kamakailang episode ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa pagdating ng dalawang bagong karakter na ginagampanan ng beteranong aktor na si Leo Martinez at ng Filipino-Korean actress na si Angeli Khang.


Napanood na ang mga eksena nina Leo at Angeli sa BQ this week.

Sa naturang episodes din, nakaeksena nila ang mga major characters sa Kapamilya action-drama series sa pangunguna ng bida, direktor, at producer ng BQ na si Coco Martin.


Ipinakilala si Leo sa kuwento bilang si Mr. Kwon, isang negosyante na nakipag-deal sa pamilya Montenegro. Kasama niya ang kanyang apo at tagapagmana, si Veronica, na ginampanan ni Angeli.


Ang kanilang unang araw ng paggawa ng pelikula para sa BQ ay itinakda sa loob ng marangyang Montenegro mansion, kung saan nag-debut ang dalawang karakter.


Kung pagbabasehan ang mga eksenang ipinalabas sa ngayon, mukhang medyo nagkakasundo si Mr. Kwon at ang mga Montenegro. Maging si Tanggol (Coco Martin) ay hindi maitago ang kanyang tuwa nang pagmasdan niya ang magandang si Veronica. 


Mabilis na nakuha ng mga manonood ang chemistry nina Coco at Angeli, at marami ngayon ang nag-iisip kung mas lalalim ba ang koneksiyong ito nina Tanggol at Veronica sa mga susunod na araw.


Pero siyempre, hindi pa tayo dapat masyadong kampante. Kung tutuusin, kilala ang BQ sa mga hindi inaasahang pagliko at paglilipat ng mga alyansa nito. Kaya ang tunay na tanong ay—talaga bang mapagkakatiwalaan sina Mr. Kwon at Veronica? O sa huli ay magiging kaaway sila ng pamilya Montenegro?


Huwag palampasin ang bawat episode ng BQ airing weeknights on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), TV5, and A2Z.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 14, 2025



Photo: IG Alynna Velasquez II


Mamayang gabi na magaganap ang show ni Alynna sa Viva Café na pinamagatang I’m Feeling Sexy Tonight! (IFST). This is her first solo show after 2 decades.


Yes, Jans! Two decades talaga. Kasi nga, ang relasyon niya sa pumanaw na music icon na si Hajji Alejandro ay tumagal ng almost 27 years.


During that time, nag-lay low na siya sa showbiz, kahit super hit ng kanta niyang Kahit Gaano Kalaki (KGK).


Natural lang na halu-halong emotions ang nagpapakabog ng dibdib ni Alynna before her concert.

“Gosh… matagal,” buntong-hininga ni Alynna. 


Aniya, “Two decades, maybe. Pero in between that, may corporate events pa rin naman ako. Campaigns, marami. ‘Yun, malaki ang kita ru’n. And since sikat ‘yung single ko, ‘yun pa rin ang mga kinakanta ko. Buhay ‘yung kanta, buhay din ako.”


Sa kanyang pagbabalik sa entertainment arena, may makabuluhang rason si Alynna.


Pahayag niya, “Because I feel na iniwanan ko, eh. Lahat ng bagay kasi na ginagawa ko, ayokong iniiwan. Eh, singing is my passion. Two years pa lang ako, ang dami ko nang kinakantahan.


“So, I feel habang may gustong makinig sa ‘yo, kumanta ka. And habang kaya mong kumanta. Uh, lalo na ngayon, I’m going through something. I feel I have to voice it out.


“Lalo na ngayon may pinagdaraanan ako. I feel I have to do something. I feel I have to voice it out by putting music in my experience na puwede kong mai-share sa mga going through the same thing with me.”


Bonggabels ang line-up ng mga songs ni Alynna sa show. Kakantahin niya ang kanyang mga kanta from her KGK album with a twist.

Siyempre, kakanta rin siya ng mga bagong songs from Lady Gaga and Bruno Mars.


At sa bandang finale ay may pa-tribute siya sa kanyang yumaong partner na si Hajji.


Abangan ang paglalantad ni Alynna ng kanyang puso at katotohanan sa publiko for the last time.


Magpe-perform din sa show ang Star Music artist and the voice behind the hit song Reyna na si CHRISTI, at ang baguhang singer na si Jeri Violago.


Puwede pa pong bumili ng tiket sa entrance ng Viva Café tonight. Show starts at 9 PM.



No appearance ang governor-elect na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa kanyang proklamasyon kahapon.


Tanging ang mister niyang si Finance Secretary Ralph Recto at anak nila na si Ryan Christian ang dumating. 


Si Ryan ay naiproklama bilang bagong congressman sa ika-anim na distrito ng Batangas.

When asked ng media si Sec. Ralph kung nasaan si Gov. Vi, nagpapahinga raw at kasama ang apong si Peanut sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano at misis nito na si Jessy Mendiola.


As we all know, member ng ‘Lotlot and Friends’ si Luis dahil natalo siya sa kanyang kauna-unahang attempt sa pulitika.


Duda ng mga netizens, baka raw mas gusto ni Gov. Vi na nasa tabi ni Luis at pamilya nito sa pagkatalo sa eleksiyon bilang vice-governor ng Batangas.


Alam n’yo naman ang mga ina, mas importante ang kaligayahan ng mga anak kesa sa kanilang sarili. At maging sa pagdurusa, mas nasasaktan sila.


Tsika nga ng mga netizens, si Luis ang isa sa primary reasons kaya bumalik sa pagka-gobernador ng Batangas si Ate Vi.


Wala naman na daw kasing dapat patunayan pa si Gov. Vi pagdating sa public governance especially sa Batangas. At ‘yun ang gusto niyang gawin – magabayan si Luis sa kanyang journey “sana” as a public servant.


Malay naman natin, sa susunod na pagkakataon ay masungkit na ni Luis ang isang government post.


Kung ang ama nga ni Luis na si Edu Manzano, ilang beses nag-try tumakbo for public office pero ‘di pa rin pinalad.


Ang suwerte naman ay ‘di pang-“like father, like son,” ‘noh?

Iba ang nakaguhit na kapalaran kay Luis at iba rin kay Edu.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 13, 2025



Photo: Agot Isidro - IG


Most of our celebrities ay may kani-kanyang post sa social media pagkatapos nilang bumoto kahapon. Isa sa kanila ay ang singer-actress na si Agot Isidro.


Sa X (dating Twitter) ay nag-post si Agot ng naging karanasan niya sa pagboto sa kanyang presinto.


Post ni Agot, “Long line outside area where I cast my ballot. Good thing brother is a senior & we skipped the line. Inside, there’s only one machine working & it’s slow.


“Had no intention of voting because honestly, nakakawalang gana. Futile exercise. But I’m here. I guess may spark of hope pa rin.”


Maraming netizens ang naka-relate sa sitwasyon ni Agot kung ano ang nag-push sa kanila na bumoto sa kabila ng mga aberya. 


Sey ng mga netizens:


“About 7:30 AM nasa linya na ako, natapos ako ng around 10:15 AM. Almost 3 hours din. Para sa bayan!”


“I was also hesitant to vote, pero ‘yun, paggising kaninang umaga, naligo at umuwi nang maaga sa Bulacan. 3 oras sa pila and masaya dahil naiboto ko ang mga karapat-dapat.”


“‘Wag bibitaw sa spark of hope, Ma’am. ‘Yan na lang ang nagbibigay-liwanag sa madilim na ngayon. Kailangang panghawakan.”

That’s it pansit!



VIRAL ang mga celebrities na kandidato ngayong halalan na nagpunta sa kani-kanilang presinto kahapon para bumoto.


Lumutang sa socmed (social media) ang pictures at video ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang mister na si Finance Secretary Ralph Recto, mga anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano with his wife na si Jessy Mendiola na naghihintay sa labas ng presinto nila sa Lipa City, Batangas.


As we all know, nagta-try si Ate Vi na maluklok ulit bilang governor ng Batangas, at si Luis naman ang kanyang running mate as vice-governor, habang ang bunso na si Ryan ay tumatakbong kinatawan sa ika-6 na Distrito ng Batangas.


Nasabi ni Ate Vi sa isa niyang interbyu dati na ang kanyang pagbabalik sa pagka-gobernador ay bilang isang ‘call of duty’.


Pahayag ni Ate Vi, “Kung kami po ay papalarin, nandirito po kami at handang magbigay ng serbisyo. Lumaki ang dalawang ito, na pareho na po kaming nagsisilbi ni Secretary Ralph Recto.”


Another actress na spotted nu’ng bumoto ay si Aiko Melendez. Balik-pulitika rin si Aiko this election. She’s running for councilor in Quezon City's 5th District.


It’s been 11 years nu’ng huling umupo for public post si Aiko. Wala naman daw pag-aalinlangan na bumalik siya sa serbisyo pagkatapos ng maraming taon.


Samantala, ipinost naman ni Angelu de Leon sa Facebook (FB) ang picture nila ng kanyang dalawang anak na babae at mister na si Wowie Rivera pagkatapos bumoto sa Pasig City kahapon.


Caption ni Angelu: “Bumoto para sa bayan, para sa kinabukasan. God, Your will be done (praying emoji).”


Tumatakbo si Angelu for her second term as Pasig City councilor sa ilalim ng partido ni Pasig City Mayor Vico Sotto.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page