top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2025



Photo: HildaG Koronel - IG



Looking forward na ang mga taga-showbiz sa susunod na apat na pelikulang papasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this coming December.


Isa sa mga inaabangan namin na isali sa MMFF 2025 ay ang comeback movie ng award-winning actress na si Hilda Koronel, ang historical thriller na Sisa sa direksiyon ni Jun Robles Lana under The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan.


Pero kahit pala ipasok ng The IdeaFirst Company ang Sisa sa MMFF, mahihirapan sila dahil sa rules and regulations ng festival.


Nauna na kasi sa Magic Four ang movie ni Direk Jun na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Call Me Mother (CMM).


May ruling daw kasi sa mga papasok sa Magic 8 sa MMFF, kailangan ay isang movie lang ng direktor ang allowed na makapasok.


Although, nu’ng ini-research namin sa Google kung may ganitong rule sa MMFF, it turned out na wala naman.


“The MMFF (Metro Manila Film Festival) does not have a specific rule stating one director can only have one movie in the festival each year. “However, the MMFF has had rules and controversies regarding film submissions and screening that have impacted multiple directors and films,” sabi sa Google.


Walang explicit ‘one-film-per-director’ rule sa MMFF. Pero siyempre, nasa decision na ‘yan nina Direk Jun at Direk Perci. Baka may kailangan din silang isaalang-alang na factors on having two movie entries sa MMFF.


Sa true lang, isang movie lang na isali sa MMFF, sobrang hirap na — dalawa pa kaya, lalo na’t hindi naman ganoon kalaki ang production nina Direk Jun at Direk Perci compared sa ibang film studios gaya ng Star Cinema, Viva Films, at Regal Films.


Sa promo pa lang, ngaragan na ‘yan, ‘di ba? Saka, mas maganda na rin na unahin munang iikot sa international film festivals ang Sisa, na ‘yun naman ang original plan ng The IdeaFirst Company.



NAKAKABAHALA ang news sa online na nabasa namin tungkol sa isang Pinoy na concert producer sa Amerika na nagngangalang Vince Gesmundo.


Ayon sa news, inutusan ng Queens County Civil Court ang concert producer na bayaran ang kanyang inutangan ng pera na hindi bababa sa halagang $23,000.


Batay sa dokumento, si Vicente Gesmundo, na ang kilalang address ay nasa 52nd Street sa Woodside, Queens ay may utang kay Milagros dela Cruz Llamas ng Maspeth, Queens ng $23,342.61. Kasama ang $350 sa ibang mga bayarin na umabot sa $23,692.61 na hatol ng korte.


Pinautang daw ni Milagros si Vince ng halagang $17,500 sometime around 2020 to 2021 during the pandemic.


Ang halagang ito ay hiniram para makatulong kay Vince na i-finance ang concert na ipinrodyus niya para kay Jessica Sanchez sa Hard Rock Boston.


Hindi ito nabayaran ni Vince hanggang sa lumobo na ang amount to $23,342.61 due to the accrued interest of $5,842.61.


Sabi pa raw ni Milagros, may iba pa raw nahiraman ng pera si Vince bukod sa kanya. Ilan sa kanila ay nakilala ni Milagros at nakuha ang pangalan ng mga pinaghihinalaang nagpapautang.


Ang isa raw sa kanila ay isang doktora sa Manhattan na humiling na itago ang kanyang pangalan. Nanghiram daw si Gesmundo sa doktor ng $5,000 hanggang $6,000 ilang taon na ang nakararaan.


Pahayag ng doktora na tumangging magbigay ng pangalan, “Yes, he owes me money but it was several years ago. I don’t think I have the time to look back for all that evidence. As much as I would love to get my money back, it’s not as much as the other victims.”


Sabi pa ng doktora, siya raw ang pinagbayad ni Vince sa airfare ng grupo ng Aegis papuntang Florida. Nangako raw si Vince sa kanya na ibabalik ang perang ipinambili niya ng tiket. Bukod sa airfare, pinagbayad din daw si doktora sa nirentahang big SUV at walang kamalay-malay na siya rin ang susundo sa Aegis team sa airport.


Pagkatapos ay gusto pa siyang hiraman ng another $20,000 ni Vince, pero pinayuhan na siya ng mga kaibigan na hindi na siya mababayaran nito.

“Since then I blocked him on Facebook (FB) and on the phone,” ani doktora.


May isang babae pa na nautangan din daw ni Vince ng $10,000 na buong kagalakan naman niyang ibinigay dahil may common friend sila na pinagkakatiwalaan niya.


Nu’ng malaman ng babae na marami pang iba ang pinagkakautangan ni Vince, hindi na siya nagpursige na singilin ang concert producer. She just gave up getting her money back and she did not sue him. Naawa raw siya kay Vince at the same time, sa mga biktima nito.


Meron pang nurse na nakunan din daw ni Vince ng pera amounting to $10,000. Fan daw siya ng AlDub (Alden Richards and Maine Mendoza) kaya excited siya na tulungan si Vince sa pag-produce nito ng show para kay Allan K.


Si Cheryl Versales naman, may-ari ng group home facilities sa Florida ay sinabi na may utang din si Vince sa kanya na $7,000 na ginamit daw sa show ni Katrina

Velarde.


Meron din daw isang community leader from New York na nagsabing si Gesmundo ay may utang sa kanya na aabot mula $35,000 hanggang $45,000.


Sumulat na rin daw si Milagros sa Knights of Rizal New York, kung saan si Gesmundo ay may hawak na posisyon bilang auditor. Ipinapa-revoke ni Milagros ang membership ni Vince at pinapatanggal ito bilang auditor ng asosasyon upang mapanatili ang integridad at dangal ng KOR.


Kinumpirma ng KOR New York Chapter Commander na si Rely Manacay na natanggap niya ang liham.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 25, 2025



Photo: Kylie Verzosa - IG


Na-bash ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa matapos niyang i-post sa kanyang Instagram (IG) account ang balita tungkol sa bagong property na nakuha niya sa Italy.


Ipinakita ni Kylie ang Villa Sogno, isang Mediterranean-style na vacation house na matatagpuan malapit sa dagat sa Puglia, Italy. 


Ini-repost ni Kylie ang orihinal na post ng foreigner na si Tomas Barfod, na nagbahagi ng mga larawan ng nasabing villa.


Sa caption ni Tomas, “We bought a villa (red heart emoji).”


Agad na naging usap-usapan ito online, lalo na’t nalaman ng mga netizens na hindi lang pala si Kylie ang may-ari ng Villa Sogno. Isa pala itong business partnership sa pagitan nina Kylie, Tomas at tatlo pa nilang kaibigan.


Pero hindi pa rin ito nakaligtas sa mga nega. May netizen na nagsabing, “Dyowa n’ya bumili n’yan. Hindi sa kanya ‘yan!”


Dahil dito, hinala ng ilan, isa sa lima ang nobyo ni Kylie. 

Pero siyempre, may mga nagtanggol din sa aktres.


Sabi ng isang netizen, “At least, dyowa niya may pera, eh, ikaw? (face with rolling eyes emoji).”


May isa pa, “Based sa kanyang ‘WE,’ meaning co-owner s’ya. Halatang bitter ka lang sa success ng iba.”


Bukod sa mga bashers, marami rin ang bumati at nagpaabot ng congratulatory messages kay Kylie para sa bagong investment na ito sa Europe.


Mukhang bagong chapter ito para kay Kylie Verzosa, hindi lang sa showbiz, kundi pati na rin sa larangan ng negosyo at real estate. 

Congrats, Kylie!



Pagkatapos umamin ni Jinkee Pacquiao sa isa sa mga close friends nila na si Chavit Singson na siya ay isa nang lola, makikita sa recent post ng misis ni Manny Pacquiao ang pagsasama-sama nila ng pamilya ng girlfriend ng kanilang eldest child na si Jimuel Pacquiao sa isang restaurant sa US.


Makikita sa mga larawan ni Jinkee ang bonding ng pamilya nila ni boxing legend at ng pamilya ng rumored girlfriend ni Jimuel na naka-post sa kanyang social media accounts recently.


Simple lang ang inilagay na caption ni Jinkee sa kanyang post pero maraming comments ang mga netizens.


Caption ni Jinkee: “Tonight deserves something special. Family dinner time.

“Cherishing family moments (heart emoji) Love and laughter, God is good.”


Quick-to-react at nag-one-plus-one agad ang mga netizens sa post ni Jinkee. At marami ang nakapansin sa maumbok na tiyan ng rumored GF ni Jimuel.


Actually, nu’ng first time na ipinost ni Jinkee ang picture nu’ng girl na kasama si Jimuel, napansin na agad namin ang maumbok na tiyan niya kahit medyo maluwag ang kanyang suot.


Kaya nga siguro inilantad na ‘yung girl ni Jinkee ay dahil sa kalagayan nito ngayon. Pati sa game ni Manny recently, kasama rin si girl sa family ni boxing legend na nanood.

Sey ng mga netizens… “She's pregnant.... congratulations (party popper emoji).”

“Soon, Lolo Manny Pacman (heart eyes emoji).”


Sabi rin ng mga netizens, may kasamang pamamanhikan na ang naganap na dinner.

“Wow! Wedding bells and another blessing to the Family Pacquiao... like her father, ang daughter-in-law, very pretty. God bless (praying hands & red heart emoji).”

“Pamamanhikan. Hehehe! Congrats, beautiful family.”

“Pamamanhikan na yata and she is pregnant I guess...”


Malamang ay nagpaplano na rin ng wedding ang dalawang pamilya para kina Jimuel at girlfriend niya na until now ay hindi pa malaman ang name.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2025



Photo: Bimby at Kris Aquino - FB



Ipinaliwanag ni Kris Aquino kung bakit patuloy siyang lumalaban sa buhay sa kabila ng kanyang complicated health issues on her recent Instagram (IG) post.


Ayon kay Kris, hindi lang dahil sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby kaya siya nag-e-effort na lumaban against her illness.


“I now have 9 primary autoimmune diseases, #10 is a result of the 9, and I have an 11th disease that came about because of my lupus, rheumatoid arthritis, Sjögren’s syndrome and a few of my other autoimmune diseases. I love my sons and they aren’t ready to lose me, especially Bimb who just turned 18. Thank you for loving me,” reply niya sa kanyang follower sa IG.


Na-happy si Kris sa dami ng mga followers niya na nag-aalala at nananalangin sa pagbuti ng kanyang kalusugan.


Mensahe ng isang netizen, “I miss you, Madam, hindi ka nawawala palagi sa mga dasal ko. Mahal na mahal kita. Keep fighting!”


Reply ni Kris, “Thank you. Super grateful, please keep praying.”

Komento pa ng isa, “Praying for your fast recovery, Ms. Kris! Always akong nagla-light ng candles sa church for you.”


Say ni Kris, “I believe we have a loving God who answers unselfish prayers, you have my heartfelt gratitude.”


Ani pa ng isang netizen, “Have really missed your posts, always checking! Finally! Though I am a little concerned, don’t you need to get enough sleep and sleep earlier? Love this idea, but sana you can make it earlier. Praying your meds work and for complete healing.”

Sagot ni Kris, “I was asleep until 3 PM. And I need to wait until midnight for me to drink my medicine.”


May nagtanong din kay Kris kung true na cancer-free na siya.


Tanong ng isang netizen, “I saw a couple of posts on FB (Facebook) that you are now cancer-free Ms. @krisaquino. So I am here to check, hoping it’s true! I’m still hoping & praying you’d recover from this! You’re still the Best & Queen of All Media. I will include you in my prayers. God is good.”


Tugon ni Kris, “I have always been cancer-free. I think my having another PET SCAN on the day before Mother’s Day was misunderstood. That was done to check the condition of my autoimmune & long-term COVID-damaged lungs. Medyo sumobra na kung pati cancer, meron ako.”


Of course, ‘di rin mawawala ang mga bashers ni Kris. 

Ito ang mga sey nila…


“Itong si Kris, wala nang tigil magkuwento about her problems. Kulang na lang pati paghikab, eh, i-document pa. Parang ang nangyayari, eh, enjoy pa s’yang mag-report ng mga sakit niya kaysa magpagaling.”


“Pumayat lang s’ya pero mukhang wala naman s’yang sakit.”

Dinepensahan naman si Kris ng ibang mga netizens.


“Comment ka nang comment nang wala kang kaalam-alam. Tanungan portion ‘yan. Nagtiyaga ‘yung fan na magtanong and sinuwerte naman, s’yempre, sasagutin n’ya. To clarify na rin.”


“God bless her. I guess with her 10 autoimmune diseases and another new diagnosis, she will make it and recover.”


In fairness kay Kris Aquino, may mga nagre-request din kasi na mga fans niya ng update sa kanyang kalusugan para maipagdasal siya at patayin ang fake news na naglipana sa social media.



TOTALLY surprised ang EBQ Music artist na si Jopper Ril when he heard na kasali siya sa Gerald Santos Gives Back (GSGB) concert sa Music Museum last July 11.


Pahayag ni Jopper, “A few months ago, mas naka-focus ako in playing at small venues like bars, hotels and even special events within the Metro with my band. However, the fact that I would be performing at the Music Museum for the first time this year was not on my bingo card.”


During meetings before the show, sinabihan daw sila ng direktor ng show at manager ni Gerald na si Rommel Ramilo.


“Direk Rommel told us we should give our very best and remarkable performance on stage since this is our first time at the Music Museum. I chose those songs to showcase my singing and dancing skills,” sey ni Jopper.


Para kay Jopper, mabait, selfless and humble si Gerald.

“One thing that I’ve learned from Kuya Gerald is his generosity. This show’s goal is to give back, not just to us artists but also to those who have experienced the darkest times in their lives. He made all of us comfortable singing with him on stage,” saad ni Jopper.


Aminado siyang ninerbiyos nu’ng tumungtong sa stage.

Aniya, “Just a little bit I think? Hahaha! My parents always told me to do my best and do it as if it’s my last!”


In fairness sa boses ni Jopper nu’ng mapanood namin siya sa duet nila ni Gerald, kayang-kaya niyang makipagsabayan, huh!


“I guess it’s the experience of singing in different genres and finding the sweet spot for my voice as well,” esplika niya sa uniqueness ng boses niya.


Sina Michael Jackson, Gary Valenciano, Ne-Yo, Usher, Brian McKnight, Earth Wind & Fire at marami pang iba ang idols niya.


Sa ngayon ay ginagawa na ni Jopper ang kanyang album. Hopefully, mai-release raw ang album niya this year or maybe next year.


On July 25th ire-release ang new single ni Jopper Ril titled Won’t Wait.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page