top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 2, 2025



Photo: Bea Alonzo - IG


Obvious na may nagpapakalat ng maling information tungkol sa lagay ng kontrata ng aktres na si Bea Alonzo sa GMA-7.


May nagpadala sa amin ng picture ni Bea na nakakalat sa socmed (social media). Nakalagay sa picture, “‘Di na s’ya nag-renew sa Kapuso Network.”


May nakalagay din na ganito, “Bea Alonzo no longer a Kapuso,” at “May pagbabalik kaya sa ABS-CBN?”


Malinaw na isang malaking fake news ito.


Ayon sa aming source, malayo pa ang renewal time ng contract ni Bea sa GMA-7. Posible raw na may mga tao na nagkakalat ng maling info about Bea.


At ang matindi pa raw, sinabi pa ng nagpapakalat ng fake news kay Bea na sisiguraduhin nito na hindi ire-renew ang kontrata ng aktres sa Kapuso Network.

Ganern?!



Happy kami na personal na mabating muli ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa kanyang intimate birthday celebration na ginanap sa bonggacious house niyang The Secret Garden sa Busilak St., Mandaluyong City last Wednesday.


Present sa kanyang party with almost the same people na loyal friends ni Direk Brillante from his previous birthday celebration ang mga nakasama niya as founders ng Sinag Maynila Film Festival and Solar Entertainment Corporation president na si Wilson Tieng.

Spotted din namin sa party sina Ronnie Lazaro, Vince Rillon, Mark Dionisio, Ihman Esturco, Dennis Evangelista, Dante Balboa, Direk Lawrence Fajardo, at Jomari Angeles.


Marami sa mga bisita ni Direk Brillante ang nakapansin sa kakaibang glow at paglusog ng kanyang katawan kumpara last year. At 65, mas mukhang bumata si Direk Brillante.


Halatang natuwa at natawa siya nu’ng banggitin ito sa kanya ng entertainment media na inimbita niya on his 65th birthday party.


“Wala akong ipino-promote na gluta,” sabay tawa ni Direk Brillante.


Aniya, “I think it’s just a matter of feeling good inside. S’yempre the last time na nakita ninyo ako, katatapos ko lang magkasakit noon.


“Hindi ko naman inano ‘yun, ‘di ba? Pero nagkita-kita pa rin tayo kahit na ano, ‘di ba? Kasi sa akin, ‘yan ‘yung mga kaibigan, gusto ko lang makita, ganyan-ganyan.


“Nakikita n’yo naman, paulit-ulit lang ang mga guests ko, wala namang bago. Kung may madagdag, isa, dalawa lang, ‘di ba?”


When we asked his birthday wish, wala na raw siyang ganoon.


Esplika niya, “Napakaplastik pero totoo, para sa iba… Marami tayong problema ngayon, ‘di ba? Ayoko nang magbasa ng news. Nakakasakit lang ng dibdib. Hahahaha! Nakaka-depressed.”


Pero okey lang daw, basta gawa lang siya nang gawa at malakas ang katawan.

Last month ay naging overall mentor siya sa Sinag Maynila Masterclass 2025, habang ang mga mentors sa masterclass on filmmaking ay sina Carlitos Siguion-Reyna, Arvin Belarmino, Javier Abola, Zig Dulay, Odie Flores, Ben Padero, Mike Idioma, Teresa Barrozo at Ruby Ruiz.


Pahayag ni Direk Brillante, “Sobrang nag-e-enjoy talaga ako pagdating sa ganyan. Kasi alam mo 'yun, parang ‘yun na ‘yung aking giving back. Nakakatuwa, kasi ang mga participants, mga professional, ‘di ba? May mga festival director na nga.


“Nand’yan si Harlene (Bautista), nand’yan si Dante Balboa, nand’yan ‘yung mga direktor. Nakagawa na rin sila ng mga pelikula. Nag-Cinemalaya.


“So, parang the mere fact na nandoon sila, nakakatuwa. Kasi parang gusto pa nilang matuto, ‘no? I hope I didn’t fail them. Eh, ako naman, napaka-competitive ko pagdating sa ganyan.


“Gusto ko, ‘yung mga estudyante, ‘yung mga participants, may natututunan sila.”

Sinimulan ni Direk Brillante ang workshop noon pang 2014 hanggang 2016.


“Tuwang-tuwa ako dahil iyong mga produkto kong artista, at saka naging direktor, nagkaroon na sila ng mga pangalan,” pagmamalaki ni Direk Brillante.


Aniya, “Nag-compete sa ibang bansa. Alam mo ‘yun, nakakatuwa. Kasi sa akin, sa mga nagbibigay ng ganyan, ng workshop, magme-mentor ka, parang fulfillment mo na ‘yan so far, alam mo ‘yun? Alam mong may natutunan.”


Ayaw namang isipin ni Direk Brillante na ‘yun ang way niya of leaving his legacy.

“Well, hindi ko naman iniisip ‘yun. Actually sa akin ngayon, dahil alam mo ‘yun, hindi na tayo bata, ‘di ba? ‘Pag nandu’n ka na sa age na kailangan mo talagang mag-give back, this is the time.


“I mean, basta feel good. Tapos just do good, kung ano ang magagawa mo,” lahad pa ni Direk Brillante.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 1, 2025



Photo: Ruffa Mae Quinto at Trevor - IG



Hours after kumalat ang balitang pagpanaw ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa social media, nag-post na ang sexy comedienne ng official statement sa kanyang Instagram account kahapon.


Isang relative ni Trevor ang nagkumpirma ng pagkamatay ng mister ni Rufa at ama ng kanyang unica hija na si Athena Magallanes.


Walang cause of death na nabanggit ang naturang relative ni Trevor na isang financial analyst sa US.


Habang nalaman na lang daw ni Rufa ang balitang yumao na si Trevor dito sa Manila and wala pa siyang complete details on how her husband died.


Caption ni Rufa sa kanyang IG post, “I'm deeply saddened by this development. Hope u give us time to mourn his lost especially my daughter. Just pray for us that we will get thru this by the help of God!


“We are still gathering factual information about his death. Even us or his immediate family are still verifying what happened. 


“So we kindly ask his friends or anyone to stop spreading fake news or mere speculations about his death. I am flying tomorrow for d US with my daughter so pls wait for the official announcement surrounding his death from me & his family only and not fr any other source.

“Thank u very much and pls give us respect & pray for us in this time of trial.

“Hanggang sa huli.... Hanggang sa muli,

“Mahal kita Trev.”


Legally married pa rin si Rufa kay Trevor pero naghiwalay sila noong Mayo ngayong taon. 


Pahayag ni Rufa sa isang interbyu as to why ‘di pa annulled ang kasal nila ni Trevor, “‘Yung legalities, walang file ng divorce. Walang nag-file. Hindi ako magpa-file kasi andami ko nang file sa kaso. Ayoko muna mag-file sa divorce kasi dito rin naman kami ikinasal sa Pilipinas. ‘Di ko na rin alam ano gagawin, masyadong masakit pa. May anak din kami.”

As of this writing, may tsika na babalik si Rufa Mae sa US para sa huling pamamaalam niya kay Trevor.



BAGONG revival song, bagong talent management, at marami pang bagong pakulo ang ibinida ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez.

Inilunsad ang dalawang bagong singles ni Jojo under Star Music na parehong magiging bahagi ng kanyang EP album. 


Ang una ay ang Timmy Cruz original na I Love You, Boy na gagawing I Love you, BABE sa version ni Jojo. At isa naman ay ang hit song ni Dina Bonnevie na Bakit Ba Ganyan?


Incidentally, parehong under Artist Circle sina Dina at Timmy.

Anyway, kasabay ng pagpirma ni Jojo ng kontrata sa bago niyang talent management, ang Artist Circle under the leadership of President and CEO Rams David, he is now officially a certified Ka-Circle.


Ayon kay Jojo, “Well, kasi uhm, first kami nag-meet ni Rams, ramdam ko na mabuting tao si Rams. Kasi ganoon naman, eh, kapag siyempre, ‘yung first impression ko sa kanya, naramdaman kong mukhang magkakatulungan kami nang maayos.


“Kasi ako, marami akong pangarap sa buhay. Kasi nga laging sinasabi ko, life is short. So, gawin mo na lahat ng iyong dapat gawin. 


“So, nu’ng nag-meet kami ni Rams, nasabi ko ‘yung mga plans ko. Eh, siyempre, surrounded ako ng mga good heart, ng mga kaibigan din niya. So, parang kampante ako sa buhay ko ngayon with Rams.”


And then, we asked Jojo and Rams kung gaano katagal ang kontrata nila sa isa’t isa.


Paliwanag ni Rams, “Well, lahat naman ng contract, may terms ‘no? Initially, three years ‘yung contract namin ni Jojo. So, hopefully, idinadalangin namin sa Panginoon na maging maganda ‘yung relationship and ‘yung management. ‘Pag maganda, eh, di dire-diretso lang ang contract, ganoon.”


Immediate plans daw nila ni Jojo sa kanyang career gaya ng sabi ng Revival King sa media launch na mas nare-recognize ‘yung kanta niya on the contents that he is doing. Kaya kasama raw si Jojo sa pagpaplano nina Rams sa mga contents na ginagawa niya sa socmed. 


At the same time, paano ii-inject ‘yung mga kantang ilo-launch ng Star Music para mas makilala ang kanyang mga revival songs at si Jojo. 


Kaya isang malaking collaboration daw ng socmed accounts ni Jojo at mga kantang ilo-launch niya ang gagawin ng Artist Circle.


Kilala rin ang mga artistang mina-manage ng Artist Circle sa larangan ng pag-arte. Kaya tinanong namin si Rams kung may chance kaya na pasukin na rin ni Jojo ang pag-arte.


“Tinanong ko rin naman siya. Nakakaarte naman si Jojo. So, why not? Bakit hindi?” diin ni Rams.


Sabi naman ni Jojo, “Kahit ano po ang ipagawa sa akin, okay. Wala sa akin ang hihindian. ‘Wag lang Vivamax ang gagawin ko na mag-bold ako. Kasi mukhang hindi bagay, “ seryosong biro ni Jojo.


Bukod sa pagiging Revival King, kilala na rin siya bilang si Super Jojo. Trending palagi ang pagla-live ni Jojo sa Facebook kung saan nagse-share ng blessings sa ating mga kababayan.


Soon ay magkakaroon din ng official launch ang kanyang “Super Jojo: Libre Ko Na ‘To.”


Ilan pa lang ‘yan sa mga bagong pasabog  ni Jojo sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 30, 2025



Photo: Arnell Ignacio - OWWA



Itutuloy na ang pagsasampa ng kaso kay former Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio this week.


Pati ang ilang opisyales ng OWWA ay kasama sa sasampahan ng kaso ukol sa alleged unauthorized P1.4 billion land deal, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.


For a time, tumahimik ang isyung ‘yan kay former admin Arnell. And now, nakatakdang mag-file ng case sa Ombudsman para sa violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).


For sure, kayang-kayang sagutin ‘yan ni Arnell sa proper venue. 


now ay naghahanda na si Arnell sa promo ng pelikula na Jackson 5 na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.


Top 10 Best Dressed sa SONA…

HEART, LAGLAG SA NO. 1, PIA, KULELAT SA NO. 10


NARITO na ang inaabangang best dressed portion sa katatapos lang na State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos, Jr..


Laglag ang kilalang fashionista at wifey ni Senate President Chiz Escudero na si Heart Evangelita sa No. 1 dahil nasa No. 3 ito.


Kinabog si Heart ni Justice Department Undersecretary Margarita Gutierrez.

Parehong white gown ang suot nila. Ang Dubai-based Pinoy designer na si Michael Leyva ang gumawa ng Filipiniana terno ni Heart, habang si Jaz Cerezo naman ang tumahi ng gown ni Usec. Margarita.


Nasingitan pa si Heart sa No. 2 ng misis ni Senator Sonny Angara na si Tootsy. Bonggacious din kasi ang Filipiniana white gown ni Tootsy na gawa ng mahusay na si Rajo Laurel.


Pang-apat si Cong. Badette Barbers sa suot niya mula sa designer na si Ivarluski Aseron.


Pang-lima si Jaja Chiongbian Rama in Cary Santiago dress. 


Next si Emmeline Aglipay Villar na made by Ivarluski Aseron ang gown. 

Pang-pito ang misis ni Cavite 1st District Cong. Jolo Revilla na si Angel Revilla sa kanyang blue Filipiniana gown made by Rob Ortega.


Then, pang-walo si Cong. Queenie Gonzales na ang gown ay gawa ni Jo Rubio. 

Pang-siyam naman si Kate Galang Coseteng na suot din ang gawang gown ni Jo Rubio.


Ang pang-sampu ay si Pia Wurtzbach na mala-Channel ang gawa ng kanyang gown.


Naging kamukha raw ni Pia si Kuh Ledesma sa kanyang awrahan sa SONA.

Say ng ibang netizens sa Top 10 Best Dressed sa SONA, “Grabe siguro restraint ni

Heart, walang suot na alahas. Haha! At super-gaan ng aura niya infer. Love also Ms. Tootsy.”


“I like Heart’s other gown, but the one above is suitable for the occasion. Hindi agaw-eksena.”


“NGL, ‘yung outfit ni Pia is giving kurtina ni Lola sa bahay.”


“Margarita and Heart are so elegant!”


“Love Pia’s look. Always naman timeless elegant style ni Tootsy. Agree with the top choice.”


So, ‘yun!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page