top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | March 25, 2026



Dingdong Dantes, Bimby at Kris Aquino - IG Jonathan Velasco

Photo: IG Jonathan Velasco / Circulated



Back to hosting na ba si Kris Aquino?

May ipinost kasing video sa social media ang hair stylist ni Kris na si RB Changco kung saan inaayusan niya ang TV host-actress.


Pagkatapos ayusan ng kanyang styling team, makikita sa video na nasa outdoor si Kris kasama si Dingdong Dantes, anak na si Bimby Yap, at ang mga katrabaho sa dating morning show niya sa ABS-CBN.


Iniisip tuloy ng mga netizens na maaaring nagsimula nang mag-taping si Kris para sa kanyang comeback as a TV host. Si Dingdong ang hinihinalang una niyang magiging guest. 


Well, mapaamin kaya ni Kris si Dingdong sa napabalitang sila ni Marian Rivera ang power couple na diumano’y malapit nang maghiwalay? 


Anyway, natuwa ang mga fans ni Kris sa bagong development sa buhay niya.

Sey ng mga fans:


“Ang saya ng heart ko, Sir Jonathan. I’m sure lahat ng nagmamahal kay Miss Kris din, to see her getting healthier and slowly getting back on track. Love love love po.”


“Happy to see you, Ms. K. We miss you.”


“Wow, she is getting better! Thank you Lord.”


“The Queen is back!”


Pero kung si Sharon Cuneta ay naging kahawig daw ni Lani Misalucha, si Kris Aquino naman ay naging kamukha raw ni Tessie Tomas.

Ganern?!





PASOK ang latest film ng award-winning director na si Joel Lamangan na All About Her (AAH) sa mga mahilig sa mystery-crime movie genre.


Bihira ang mga ganitong uri ng pelikula ni Direk Joel. Ilan sa mystery films na ginawa niya ay ang Fall Guy (2023), Siphayo (2016), Silip (2007), at Deathrow (2000).

With AAH, tinalakay ni Direk Joel ang dark side ng pageantry. Isa itong psychological drama-crime-mystery na may kaugnayan sa pagkamatay ng isang beauty queen.


In-explore rin ng pelikula ang toxic boundaries ng pagkakaibigan at pagtataksil.

Si Yuki Sonoda bilang Isabella at si Kelley Day bilang Olivia ang mga gumanap na magkaibigan at mga kandidata sa isang beauty pageant. Pareho ang kanilang obsesyon para sa korona, ngunit may kani-kanya silang paraan para makamit ito.


Maganda ang istrukturang ginamit sa paglalahad ng kuwento. Nagsimula ito sa imbestigasyon ng dalawang agents sa nawawalang beauty queen at nagtapos sa kagimbal-gimbal na plot twist.


Well, malakas ang screen presence nina Yuki at Kelley. Bagay ang roles sa kanila at halatang may malalim na pag-unawa sa kanilang mga karakter. 


Naipakita ni Kelley ang pagtatalo ng damdamin niya between loyalty and desire.

Naging epektibo rin ang paglalapat ng musika sa pelikula, especially sa ending, na nakatulong para tumaas ang tensiyon ng mga sumunod na eksena.


Ang AAH ay nagpapaalala na maging maingat sa mga taong pinagkakatiwalaan at anumang tagumpay na nakuha sa panlilinlang at pagtataksil ay may malaking kabayaran.


Ang All About Her ay isa sa official entries sa Sinag Maynila Independent Film Festival na kasalukuyang nagaganap. Ito ay isinulat ni Quinn Carrillo.


Palabas ang All About Her hanggang Marso 29, Palm Sunday, sa Gateway Cinemas (Cubao, Quezon City), Eastwood Cinemas (Libis, Quezon City), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 24, 2026



Dianne Medina Ilustre - Instagram

Photo: Dianne Medina - Instagram



Ready na ang all-female P-Pop group na BINI sa pagsabak nila sa Coachella 2026 event na gaganapin sa Empire Polo Club, Indio, California mula April 10 to 19.


Bago umalis ng bansa, isang misa ang ginanap para sa pagpunta ng BINI sa Coachella. This year’s Coachella event is the 12th edition.


Sa X (dating Twitter) account ng BINI, naka-post ang ilang pictures na kuha sa ginanap na send-off and thanksgiving mass para sa grupo.


Caption sa X, “A beautiful send-off and thanksgiving mass with the BINI Team. Ready to take on our Coachella journey with grateful hearts.”


Si Fr. Tito Caluag ang nag-officiate ng misa na dinaluhan ng BINI, ng kanilang pamilya, and their team.


Mensahe ng mga fans…


“Wishing you all the best on your BINIchella performance, our best walo. Stay safe, too, and to your entire team. Thank you for raising the flag for the nation and OPM. #BINIchella #BINIatCoachella


“Good luck, girls! Ibandera ang bandila ng ‘Pinas!”

“Good luck, Walo!”


Make us proud, BINI!





INILUNSAD ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang bago nilang company, ang DM Studios, the Live Commerce and Creator Agency.


Kasama rin sa DM Studios ang beauty queen at cousin ni Dianne na si Maxine Medina.


During the press conference-launch last March 21, kinuha namin ang reaksiyon nila sa mga bashers na nagsasabing ‘nagtitinda na lang sila ngayon’.


Esplika ni Dianne, “It’s really inevitable. Tendency is, people say, ‘Ah, okay, nag-live selling na lang s’ya. Dati, artista s’ya. Baka wala na s’yang project.’ But for me, it really all boils down to your vision, your core, and your objective. Why are you doing this? What is your purpose?


“My purpose is, of course, to share my God-given talent with others. God used me as His instrument to be able to help others also. ‘Di s’ya live selling lang. We are able to help people change. You’re changing their lives.


“So ako, ‘pag sinasabi nila ‘yun, no, I’m very, very proud of my work and I take my job seriously. ‘Di ko s’ya ikinakahiya, especially if this is a decent and honest job.”

Ipinaliwanag din ni Dianne na matagumpay nilang nakuha kung anumang meron sila ngayon sa pamamagitan ng legal na paraan.


Depensa ni Dianne, “‘Di s’ya flood control project or whatever. That’s why kami talaga ni Rodjun, when we post ‘yung mga achievement namin, kasi galing sa mabuti, galing sa matinong trabaho na hard work talaga.


“Kaya talagang may respect din ako sa live sellers kasi sabi ko nga, it entails a lot of sacrifice, commitment, and dedication to be able to do this kind of job.

“And I can say itong job na live selling na ‘to, we are able to invest in a lot of properties as well. So, ‘yun talaga ‘yung nag-pave the way.


“So, sino kami para mahiya? Nandito kami to be grateful to our Lord Jesus Christ kasi binigyan Niya kami ng blessing na ganito kalaki. And we are very, very proud of this.

“And not to mention, mas nagiging open na. You can see other big celebrities also who do live selling.


“I don’t think dapat s’yang ikahiya or kailangan mong tingnan nang mababa na baka wala nang work. I don’t think ganu’n kasi mas marami na pong nagla-live ngayon, even big celebrities who have names in the industry.”


Nilalayon ng DM Studios na maging isa sa mga nangungunang live commerce na ahensiya sa Pilipinas na nagbibigay-kapangyarihan sa mga creators na bumuo ng sustainable income streams habang tinutulungan ang mga brand na makamit ang scalable digital growth sa pamamagitan ng strategic live selling.

Congrats, Dianne Medina at Rodjun Cruz!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | March 22, 2026



Heaven Peralejo - Instagram

Photo: Heaven Peralejo - Instagram



Proud na ibinilad ni Heaven Peralejo ang kanyang katawan suot ang animal print two-piece swimwear sa latest post sa Instagram (IG).


Mas lalong uminitl ang tag-init sa Boracay dahil kay Heaven. At mukhang pinaghandaan talaga ng aktres ang bakasyon niya kaya todo-display siya ng kanyang katawan.


In fairness, mas seksi si Heaven sa picture kaysa sa mga pose niya sa calendar ng in-endorse niya na alak last time.





Pinuri ng mga followers ni Heaven ang kanyang katawan.

“Ganda na ‘di retokada (heart emoji).”


“True, sobrang natural mula ulo hanggang paa.”

“Too hot to handle (fire emoji).”

Bongga!





‘Di ma-take na may boobs siya…

ANAK NI LEA, GUSTO NANG MAGPAKAMATAY BAGO NAGING TRANS





IBINULGAR ng anak ni Lea Salonga na si Nic Chien na gusto niyang magpakamatay sa kanyang journey being a transman.


Ikinuwento ni Nic kay King of Talk Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung bakit nais niyang magpakamatay.


Siya raw ang nagsabi nang diretso kay Lea na siya ay isang transgender.

“Ako ang nagsabi (sa mom ko), a morning in 2021, maybe, during pandemic. But she is on a tour in the States.


“The night before that I realised that I am trans, I went up to her and told, ‘Mama, I think I’m transgender.’ And she was like, ‘Okay, let’s step back. You’re very young. Let’s not immediately put those right now ‘coz you’ll never know, right? You could be binary. You could be whatever.’

“And so, I’ve ended up in this journey from binary, gender-fluid. So, mag-change ako. And then, gender-fluid pero prefer ko ‘pag lalaki, so panlalaki,” sabay tawa ni Nic.

Inamin niya na naka-feel siya ng pagtanggi sa kanyang kasarinlan.


“So, it really is like full circle talaga. I think, no matter how much you deny who you are, you have to come back.


“I think, I remember she was a little bit, there’s a little bit of a resistance. ‘Coz, s’yempre naman as a parent, you don’t want your child to go through hardships, right?

“I think she knew if I went through that road, marami talagang hardships.


“Pero there was a night when we were discussing about taking testosterone. We agreed after Into the Woods kasi she didn’t want my voice to change too much when I’m singing.

“Uhm, and I had a breakdown. I was so — I don’t want to say, I’m trying to word this in the best way that I can because it wasn’t like a kind of thing na magta-tantrum,” paglilinaw ni Nic.


Pero that time, feel na raw niyang magpakamatay.

“Like uh, I wanted to die,” diin ni Nic. 


Paliwanag niya, “I wanted to die because when I look in the mirror and you see yourself and you’re like I can’t just take these boobs off.


“I have to go through all this stuff and this isn’t anywhere close to now. And or, like my voice doesn’t— no matter what I do, I won’t be able to be seen the way, for who I really am.

“Or I won’t be able to be with certain people because they won’t be attracted to the outside when in fact it is the inside, you know, what matters.”


Kaya kinausap daw niya at kinumbinse si Lea na payagan na siya na tanggalin ang kanyang boobs.


Kuwento ni Nic, “‘Mama, I can’t do this anymore. I can’t. I can’t wait anymore.’ She held me and she was like, ‘Okay. Then, we’ll do it. When do you want to do it?’”


At ayun na nga, inoperahan si Nic at tinanggal ang kanyang boobs noong Setyembre 2 last year.


Ikinuwento rin ni Nic na bago raw siya mag-take ng testosterone ay may mga kinausap na rin siyang transmen. Isa na r’yan si Jake Zyrus na dating si Charice Pempengco.


“Yeah, Kuya Jake Zyrus. ‘Hey, did you know right away?’” tanong daw niya kay Jake.

Pinayuhan naman daw siya ni Jake Zyrus at sinabing mag-sure na mag-take ng vitamins.

How sweet, huh?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page