top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 13, 2026



Cole Allen attampt to shoot Trump - Reuters Circulated


Hindi umamin ng kasalanan ang lalaking inakusahan ng tangkang pagpaslang kay US President Donald Trump sa isang event sa White House noong nakaraang buwan.


Si Cole Allen, 31, mula California, ay pormal na nag-pleaded not guilty sa pamamagitan ng kanyang abogado. Kabilang sa mga kaso laban sa kanya ang attempted assassination, pananakit sa federal agent, at mga paglabag sa batas ng armas.


Ayon sa mga prosecutor, nagpaputok umano siya ng shotgun sa isang Secret Service agent at sinubukang salakayin ang isang security checkpoint sa isang nabigong pag-atake laban kay Trump at iba pang opisyal sa White House Correspondents’ Dinner.


Lumabas din sa imbestigasyon na bumiyahe siya papuntang Washington dala ang mga armas at nagtuloy sa isang hotel malapit sa venue ng event.


Sa kanyang unang pagharap sa korte, nakasuot siya ng kulungan na uniporme at nakaposas. Si US District Judge Trevor McFadden ang hahawak sa kaso.


Samantala, iniimbestigahan din ang hiling ng depensa na alisin sa kaso ang ilang opisyal ng Department of Justice dahil sa posibleng conflict of interest, kabilang ang mga dumalo sa naturang event.

Nakatakdang magpasa ng tugon ang prosekusyon sa mga isyu bago ang Mayo 22.





3 ANAK, IKINULONG NG 3 TAON SA BAHAY, MAG-ASAWA ARESTADO



SINENTENSIYAHAN ng halos tatlong taon na pagkakakulong sa Spain ang isang mag-asawang US–German matapos mapatunayang ikinulong nila ang kanilang tatlong anak sa loob ng bahay sa loob ng tatlo at kalahating taon, umano’y dahil sa takot ng mga bata sa labas dulot ng COVID-19 pandemic.


Napatunayang nagkasala ang magulang ng kapabayaan sa pamilya at psycologigal harm ngunit inabsuwelto sa mas mabigat na paratang na ilegal na pagkakakulong. Una sanang humiling ang prosekusyon ng 25 taong sentensiya.


Hindi pinangalanan ang mag-asawa upang protektahan ang kanilang mga anak na 11-anyos at kambal na siyam na taong gulang. Ang ina ay may dual citizenship bilang German at American.


Pinagbabayad din sila ng humigit-kumulang 30,000 euro (P1.86 milyon) sa bawat bata at pinagbawalang magkaroon ng kustodiya sa loob ng hindi bababa sa tatlong taon at apat na buwan.


Naaresto sila noong Abril 2025 matapos matuklasan ng mga pulis na ang mga bata ay matagal na naninirahan sa hindi maayos na kondisyon sa isang bahay sa Oviedo at hindi nakapag-aaral.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 3, 2024




Inihirit ng White House sa NASA nu'ng Martes na bumuo ng isang ‘time standard’ o pamantayang panahon para sa buwan at iba pang parte ng kalawakan.


Ito ay kasabay ng pagsisikap ng United States na gumawa ng mga pandaigdigang pamantayang pangkalawakan sa gitna ng lumalawak na lunar race sa mga bansa at pribadong kumpanya.


Inutusan ng pinuno ng White House Office of Science and Technology Policy (OSTP) ang space agency na makipag-ugnayan sa ibang sangay ng gobyerno ng U.S. at bumuo ng plano bago matapos ang taong 2026 para sa pagtatakda ng tinatawag na ‘Coordinated Luner Time,’ ayon sa memo na nakita ng Reuters.

 
 

ni Zel Fernandez | May 12, 2022



Kasunod ng pamamayagpag sa bilangan ng mga boto nitong 2022 National Elections, at sa nalalapit na proklamasyon bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas, naglabas ng pahayag ang White House na nakausap na ni U.S. President Joe Biden si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kahapon ng Mayo 11, 2022.


Ayon sa pahayag, “President Joseph R. Biden, Jr. spoke today with President-elect Ferdinand Marcos, Jr. of the Philippines to congratulate him on his election. President Biden underscored that he looks forward to working with the President-elect to continue strengthening the U.S.-Philippine Alliance, while expanding bilateral cooperation on a wide range of issues, including the fight against COVID-19, addressing the climate crisis, promoting broad-based economic growth, and respect for human rights.”


Nakasaad sa naturang White House release, kasabay ng pagbati ni Biden sa nalalapit na pagkahalal ni Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng bansa ay nakahanda na ang Estados Unidos na patuloy pang pagtibayin ang alyansa at pakikipag-ugnayan nito sa Pilipinas ukol sa mga maraming usapin kabilang ang pagsugpo sa COVID-19, krisis sa klima, malawakang pagsusulong ng pagyabong ng ekonomiya at ang pagkilala sa karapatang-pantao.


Nauna rito, naging usap-usapan sa social media ng ilang mga supporters nina Robredo at Pangilinan ang umano’y hindi magandang relasyon ni Marcos sa U.S. kaya hindi anila ito makatatapak sa bansa.


Gayundin, pinangangambahan ng mga ito na ang paghahalal kay BBM bilang bagong presidente ay posible umanong magdulot ng pagkawala ng mga business process outsourcing (BPO) companies sa Pilipinas na lubos na makaaapekto sa milyong call center agents sa bansa.


Gayunman, kasabay ng mga espekulasyong hihina umano ang ekonomiya ng bansa kapag naging pangulo si Marcos Jr., patuloy ding napapabalita ang mga pagbati sa kanya ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page