top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 1, 2022


ree

Isinailalim sa state of calamity ang pamahalaang bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte bunsod ng matinding pinsala sanhi ng matinding buhos ng ulan nitong nagdaang linggo.


Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council, ang idineklarang state of calamity sa probinsiya ay kasunod ng ipinasang resolusyon ng Sangguniang Bayan, ayon kay Municipal Information Officer Mart Sambalud.


Kaugnay ito ng layuning magamit ang quick response fund (QRF) para disaster relief at rehabilitation efforts.


Batay sa kanilang datos, umabot umano sa P15.9 milyon ang pinsala sa agricultural crops at livestock, kasama na rin ang P1.65 milyon halaga ng nasalantang mga ektarya ng lupain.


Samantala, tinatayang aabot naman umano sa P3.065 million ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at kalsada at aabutin sa P25.9 milyon ang halaga ng magiging rehabilitasyon nito.



 
 
  • BULGAR
  • Oct 26, 2021

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021


ree

Iiral na ang malamig na panahon sa darating na mga araw at buwan dahil sa northeast monsoon o hanging amihan.


Opisyal nang inanunsiyo ng PAGASA ang Amihan season nitong Lunes.


Ito ay base sa obserbasyon na unti-unti nang lumalamig ang surface air temperature sa hilagang-silangang parte ng Luzon.


“With these developments, the northeast wind flow is expected to gradually become more dominant over Northern Luzon, bringing cold and dry air. Surges of cold temperatures may also be expected in the coming months,” ayon sa PAGASA sa isang statement.


Kalimitang umiiral ang Amihan mula Oktubre hanggang Marso.


Samantala, sinabi naman ng PAGASA na ang ulan na bugso ng northeast monsoon na sinabayan pa ng La Niña ay maaaring magdulot ng baha, flash floods, at landslide sa mga delikadong lugar.


Inabisuhan din ang publiko at ilang ahensiya ng gobyerno na maging alerto upang pagaanin ang posibleng epekto ng mga kaganapang ito.

 
 

ni Lolet Abania | October 15, 2021


ree

Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes ang opisyal na pagsisimula ng La Niña at katapusan ng Habagat season.


Paliwanag ni PAGASA deputy administrator Esperanza Cayanan sa isang intreview, ang La Niña ay inilalarawan bilang mas malakas na ulan kumpara sa pangkaraniwang ulan.


Ayon sa bureau, ang La Niña ay posibleng tumagal ng hanggang unang quarter ng 2022.


“Rainfall forecast from October 2021 to March 2022 suggests that most parts of the country will likely receive near to above normal rainfall conditions,” pahayag ng PAGASA.


Sinabi pa ng PAGASA na tinatayang apat hanggang anim na tropical cyclones ang inaasahang pumasok o ma-develop sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa panahong ito.


“These tropical cyclones may further enhance the northeast monsoon and could trigger floods, flashfloods, and rain-induced landslides, over susceptible areas, particularly in the eastern sections of the country, which normally receive greater amount of rainfall at this time of the year,” dagdag pa ng PAGASA.


“Adverse impacts are likely over the vulnerable areas and sectors of the country.”


Idineklara na rin ng PAGASA, ang pagtatapos ng Habagat o ang southwest monsoon season, at pagsisimula ng Amihan o ang northeast monsoon season.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page