top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | Abril 7, 2024


ree

Panigurado marami sa inyo ang nag-outing at super nag-enjoy.


Nakakasiguro rin ako na marami sa inyo ang dumadaing ngayon dahil sa sunburn, hindi ba mga Ka-BULGAR? Pero, ano nga ba talaga ang sunburn at saan ito nakukuha?


Ang sunburn ay ang pamumula at pananakit ng balat. Kadalasang lumilitaw ito sa loob ng ilang oras pagkatapos ng sobrang pagkakababad sa ultraviolet (UV) light mula sa sikat ng araw.


Ang sunburn ay maaaring tumagal nang ilang araw o mas mahaba pa bago ito maglaho. Ang matindi at paulit-ulit na pagkakababad sa araw ay nagreresulta sa sunburn.


Ang kondisyong ito ay karaniwan at talagang kapansin-pansin lalo na sa panahon ng tag-araw o summer. Nagaganap ito kapag ang isang indibidwal ay nanatili ng mahabang oras sa ilalim ng sikat ng araw, kung saan ang radiation mula rito ay tumatama sa mismong balat na humahantong naman sa pagkasunog ng ibabaw na patong nito.


NARITO ANG ILANG MGA SINTOMAS NG SUNBURN;

● Pamumula ng balat

● Pagsakit at pangangati

● Pamamaga

● Sakit ng ulo, lagnat, pagduduwal at maaaring makaramdam ng pagkapagod kung ang

sunburn ay malubha.


PARA NAMAN SA QUICK REMEDIES, ITO ANG PARA SA INYO;


● Maaaring mabawasan ang pamamaga at kirot sa paggamit ng cold compress tulad ng tuwalya na binasa sa malamig na tubig at pagpahid nito sa mga apektadong bahagi ng balat.

● Siguraduhing mag-rehydrate sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig, juice, o sports drink.

● Mag-apply ng aloe o over-the-counter moisturizing lotion sa balat as directed.

● Kapag maliligo na, gumamit ng malamig na tubig para matanggal ang chlorine, tubig alat

at buhangin sa inyong balat at upang maiwasan ang irritation.

● Uminom ng anti-inflammatory na gamot, tulad ng ibuprofen o aspirin.

● Kung may pamamaltos, hayaan lang ang mga ito at ‘wag butasin, dahil maaaring tumaas

ang panganib ng impeksyon kapag ito ay binutas.


Kahit na anong bahagi ng iyong katawan, tulad ng tenga, anit, o labi ay maaaring masunog. Maski ang mata ay maaari ring masunog dahil ito ay sensitibo sa liwanag ng UV light . Ngunit, magpakonsulta na sa doktor kung nakakaramdam na kayo ng mataas na lagnat, matinding pananakit, pagkahilo, pagduduwal at panginginig.


PARA MAIWASAN MA-DAMAGE ANG ATING BALAT, NARITO ANG ILANG TIPS NA PUPUWEDE N’YONG GAWIN;


● MAGLAGAY NG SUNSCREEN O SUNBLOCK. Pinoprotektahan ng sunblock ang balat laban sa UVA at UVB radiation na galing sa araw na siyang pumapatay sa skin cells.

● MAGSUOT NG SUMBRERO AT SUNGLASSES. Naitatago ng sumbrero ang parte ng katawan na hindi nababalot ng damit o nalalagyan ng sunblock. Magsuot din ng sunglasses na may 99% hanggang 100% UV absorption para sa proteksyon ng mata laban sa init ng araw.

● HUWAG MASYADONG MAGBABAD SA ARAW. Limitahan lamang ang pagbibilad sa initan.


Ilan lamang ito sa mga tips na maari n’yong sundin mga Ka-BULGAR! Ngunit, tulad nga ng sinabi ko, kung ‘di n’yo na ma-take ang sakit na dulot ng sunburn. ‘Wag na mag-hesitate pa at magpakonsulta na sa inyong doktor. Oki?

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 24, 2023



ree


Humina na ang epekto ng shear line na nagdulot ng malakas na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas sa nakalipas na mga araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes.


Tinuturing ang shear line bilang weather system na nabubuo sa pagsasanib ng cold northeasterly winds at warm easterly winds.


Gayunpaman, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na maaaring magpatuloy ang shear line at easterlies sa pagdala ng scattered rain showers at thunderstorms sa Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Bicol Region, Aklan, Capiz, Northern Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.


Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng flash floods at landslides sa mga lugar na ito sa panahon ng moderado hanggang malakas na pag-ulan.

 
 

ni Mai Ancheta | June 5, 2023



ree

Matapos mag-exit ang Bagyong Betty, may nakaamba na namang dalawang namumuong bagyo sa labas ng Pilipinas.


Ayon sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang namumuong low pressure area sa labas ng Pilipinas ay maaaring magpalakas sa habagat na nararanasan sa bansa.


Posibleng magpatuloy ang nararanasang habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon hanggang sa Biyernes dahil sa dalawang LPA.


Ang unang namataang LPA ay sa bahagi ng Visayas na maaaring mabuo bilang tropical cyclone sa kalagitnaan ng susunod na linggo.


Pero sinabi ng PAGASA na hindi ito inaasahang mag-landfall kapag nakapasok sa bansa.


Ang ikalawang LPA ay namataan naman sa West Philippine Sea na inaasahang tatahak sa Southern China sa kalagitnaan ng susunod na linggo.


Makararanas ang Metro Manila ng mainit na temperatura sa umaga hanggang hapon at mga pagkulog sa hapon hanggang gabi mula Lunes hanggang Biyernes at inaasahang mga pag-ulan sa weekend.


Makararanas din ng mga pag-ulan ang Palawan sa buong linggo dahil sa epekto ng habagat, at ang ibang bahagi ng bansa ay makararanas ng malalakas na pagkulog sa hapon hanggang gabi sa Lunes at Martes.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page