top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 31, 2022


ree

As of February 28, umabot na sa 6,235 ang bilang ng mga drug suspects na napatay sa war on drugs ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules.


Ito ay inanunsiyo ng PDEA base sa Real Numbers PH report nito, ang regular update sa drug war statistics.


Base sa report, 331,694 suspects ang naaresto sa 229,868 drug war operations na isinagawa mula July 1, o mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte.


Samantala, kahit malapit nang matapos ang termino ni Duterte at ang kanyang “war on drugs” o “oplan tokhang”, inanunsiyo ng PDEA na 11,060 barangays pa ang hindi pa “cleared” sa ilegal na droga, habang 24,379 ng 42,045 na kabuuang bilang ng mga barangay sa bansa ang “drug-free” na.


Sa naturang bilang ng mga naaresto, sinabi ng PDEA na 14, 648 dito ang kinokonsiderang high-value targets na kinabibilangan ng mga sumusunod:


* 353 foreign nationals

* 398 elected officials

* 126 uniformed personnel

* 525 government employees

* 4,018 targets listed

* 797 drug group leaders and members

* 78 armed group members

* 1,556 drug den maintainers

* 291 on wanted lists

* 24 celebrities or licensed professionals

* 6,482 from high-impact operations


Ang kabuuang bilang ng kumpiskadong narcotics ay nagkakahalagang P76.01 billion.

Ang Crystal meth o shabu naman ang ‘most discovered and seized illegal drug’ na umabot sa 9,915 kilograms at sinundan ng marijuana (10,110.48 kgs), cocaine (524.63 kgs), at ecstasy (163,295 pieces).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 20, 2021


ree

Pansamantalang itinigil ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor ang kanilang “investigative activities” sa alegasyong “crime against humanity” kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs ng Duterte administration.


Ito ay upang magsagawa ng assessment sa scope at effect ng isinumiteng deferral request ng Pilipinas.


"The Prosecution has temporarily suspended its investigative activities while it assesses the scope and effect of the deferral request," ani ICC Prosecutor Karim Khan.


Sa sulat ni Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay Khan, sinabi nito na nadiskubreng mayroong administrative liability sa mga sangkot na police personnel sa 52 drug war cases.


Sinabi naman ni Khan na inaasahan na magbibigay ng karagdagang impormasyon ang ICC sa Pilipinas hinggil sa Rule 53 ng Rules of Procedure and Evidence na mahalaga upang mabalasa kung maghahain ba ng aplikasyon sa Pre-Trial Chamber sa ilalim ng Article 18(2) of the Statute para mabigyan ng authorization na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon.


Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin naman daw ng ICC ang pag-analisa sa mga hawak nilang impormasyon gayundin ang mga bagong datos na kanilang matatanggap mula sa third parties.


Matatandaang patuloy na iginigiit ng Malacanang na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021


ree

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) sa kanyang weekly address noong Lunes kaugnay ng laban ng pamahalaan kontra droga.


Noong nakaraang linggo, nais ni ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng imbestigasyon sa madugong war on drugs sa Pilipinas.


Saad ni P-Duterte, "Itong ICC, bullsh*t itong... I would not... Why would I defend or face an accusation before white people? You must be crazy.


"'Yung mga colonizers ito noon, they have not atoned for their sins against the countries that they invaded, including the Philippines. Tapos ito ngayon sila, they're trying to set up a court outside our country and making us liable to face them.


"Our laws are different. Our criminal procedures are very different. How are you supposed to get justice there?"


Saad pa ni P-Duterte, “‘Di ba sinabi ko sa inyo, do not destroy my country because I will really kill you.


“Do not destroy the youth of our land because I will kill you, period.”


Aniya, matagal nang nakikipaglaban ang bansa sa droga at patuloy pa rin ang mga transaksiyon kahit nakakakumpiska pa ang pamahalaan ng bilyong halaga nito.


Saad pa ng pangulo, "Itong droga, matagal na ito. Maraming mayor ang namamatay na and yet it goes on and on everyday, transactions there, transactions there and we are able to seize in bulk. Minsan umaabot nang bilyon. Kaya gusto ko minsan sampalin ang mga judges na ‘yan. Loko-loko pala kayo. You want my country to go down the drain.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page