top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 19, 2025




Tumikim ng pangalawang pagkatalo ang Alas Pilipinas sa Chinese-Taipei sa pagpapatuloy ng 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Volleyball Nations Cup sa Isa Bin Rashed Hall sa Manama, Bahrain.


Nagtapos ang apat na set pabor sa Taiwanese sa 25-18, 23-25, 30-28 at 25-20. Madaling nakuha ng Taiwan ang unang set subalit nagising ang mga Pinoy upang maagaw ang pangalawa. Ibinigay ni Lloyd Josapat ng 24-23 lamang ang Alas at hindi umubra ang block touch challenge na inihain ng Taiwan para maging 25-23.


Sa pangatlong set, nasayang ang pagkakataon at itinala ng Taiwan ang huling tatlong puntos upang makabawi mula sa 27-28. Hindi nakabangon ang Alas at tuluyang bumigay sa huling set. Nanguna sa Chinese-Taipei si outside hitter Chang Yu Sheng na may 22 puntos.


Sumunod si Wen Yi Kai na may 14 at Kapitan Chang Yu Chen na may 12. Ipinagpag ni Kapitan Marck Espejo ang pilay para magsabog ng 24 mula 21 atake. Tumulong si Leo Ordiales na may 15 buhat sa 13 atake.


Binigo ng Pakistan ang mga Pinoy noong Martes sa apat na set – 25-18, 25-12, 18-25 at 25-22. Napilay si Espejo sa unang set at hindi na bumalik at sinikap ng kanyang kapalit Ordiales na buhatin ang koponan sa kanyang 22 puntos.


Maglalaro na ang Alas para sa ika-siyam hanggang ika-11 puwesto simula ngayong Sabado ng hating gabi. Kasama nila sa isang round robin ang mga kulelat mula sa Grupo A at D.

 
 

by nfo @Sports | June 15, 2025



Photo File



Matapos pa rin ang silver medal at itinuturing na gold ng Alas Pilipinas Volleyball team. Yumuko ang Alas Pilipinas women sa malalakas na players ng Vietnam, 15-25, 17-25,14-25 sa 2025 AVC womens volleyball nations cup final sa AVC Cup.


Sa wakas sa loob ng 64 na taon mula nang itatag ang National Volleyball Federation noong 1961 ay nagkamit muli ang Pinay balebolista ng medalya.


Umangat sa 19 ang kabuuang medalya ng Pinay volleyball sa International games dagdag pa ang silver medal ngayon bilang unang Asian silver medal mula nang huling magkamit noong 1997 Southeast Asian Games sa Indonesia. Nakumpleto ng Vietnam ang 3 ulit na Nations Cup C'ship. Namayani pa rin sina Tranh Thun Thuy (T4) sa 21 pts at Nguyen Tuyen sa 16 puntos. May laban pa sa Vietnam ang Alas women sa June 28 hanggang July 5.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 13, 2025



Photo: AVC



Maghanda na ang Vietnam na naghahanap ng tatlong ulit na kampeonato sa AVC Womens cup final. Ginapi ng Alas Pilipinas women ang Chinese-Taipei sa bisa ng 25-17, 25-21,18-25,15-25 at 15-12 sa knockout semifinals Biyernes ng gabi sa Dong Anh gymnasium sa Hanoi ng AVC womens volleyball nations cup.


Gumana ang tikas sa 14 pt. performance ni Bella Belen para gapiin ang Taiwan pareho sa nakaraang taon na Challene Cup sa Manila.


Siyam na puntos naman ang nagawa ni Angel Canino sa likod ng 10 pts. ni Alyssa Solomon. Bitbit ng Alas women ang pinakamahalagang panalo sa kasaysayan ng Philippine volleyball.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page