top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | August 18, 2025



PLDT vs Cherry Tiggo - PVL On Tour

Photo: PLDT High Speed Hitters vs Chery Tiggo - PVL



Dumayal at kumonekta ng kampeonato ang PLDT High Speed Hitters at naging perpekto ang kanilang laro sa PVL on Tour nang gibain ang Chery Tiggo Crossovers sa winner-take-all Finals kagabi.


Nakuha ng PLDT ang gold medal habang silver sa Crossovers sa bisa ng 5th sets finished, 25-17, 25-17, 19-25, 24-26 at 15-8 sa 3-2. 





Samantala, naihanay ng winningest volleyball club na Creamline Cool Smashers ang ika-apat na bronze medal sa mahabang kasaysayan sa liga matapos walisin ang Cignal HD Spikers sa bisa ng 25-17, 29-27, 25-17 kahapon sa battle-for-bronze sa Premier Volleyball League (PVL) On Tour sa MOA Arena sa Pasay City kahapon. 


Pambihirang scoring ang ipinamalas ng beteranong spiker na si Michele Gumabao ng humataw ito ng game-high 21 puntos mula sa 16-of-39 atake, kasama ang 3 blocks at 2 aces upang manatiling nakasampa sa podium finish kasunod ng dibdibang semifinal bout kontra first-time finalist PLDT High Speed Hitters. 


"Ibibigay na lang talaga lahat, last game for this match and support lang, pero ako 'di ko iniisip talaga 'yun. We wanted to finish the game on a high note na panalo kami, 'yun lang talaga ang focus kanina for today," pahayag ni Gumabao sa post-press conference kasama sina coach Sherwin Meneses at Alyssa Valdez. 


Sumegunda sa scoring si Jema Galanza sa 13 marka mula sa 12-of-37 kills, kaakibat ang 8 excellent digs at 7 excellent receptions, habang bumanat din si Valdez ng 12 puntos kabilang ang impresibong 4 blocks at 7 excellent receptions. 


"We're looking back I think we have so many lapses and thankfully very specific 'yung mga instructions ni coach, hanggang ngayon kaya maganda 'yung mga improvements ng takbo ng bawat isa towards the latter part of the On Tour. More than ever mayroong kaunting gigil din kami para makabawi kasama na 'yung lahat kaya siguro nakakuha kami ng panalo," paliwanag ng 3-time league MVP na si Valdez patungkol sa pambawing panalo ng koponan.

 
 

ni MC @Sports News | August 16, 2025



Photo: Inilunsad ng PNVF, PSC-POC ang "Set na Natin 'To bilang logo ng idaraos na FIVB Men's World Championship sa Set. 12 sa MOA at Araneta Coliseum. (pnvfpix)


Nagsama-sama  ang top sports executives maging ang fans sa MOA Arena Music Hall upang ilunsad ang sigaw na logo isang buwan bago ang pagbubukas ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.


Sinamahan si Ramon “Tats” Suzara, executive VP ng volleyball’s world governing body FIVB, nina POC president Abraham “Bambol” Tolentino at PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio upang maging event partners kasama ang mga miyembro ng diplomatic corps, working staff, benefactors, volunteers at fans upang maisigaw ang promosyon ng elite sports meet.


Simbolo ng pagiging ating Pinoy, paniniwala at kahandaan, iniukit ang battle cry na “Set Na Natin ’To” bilang paghahanda ng bansa sa pag-host ng 32-team tournament tampok ang apat na mahuhusay na defending champion Italy, world No. 1 at Volleyball Nations League titlist Poland, Brazil at Slovenia mula Set. 12 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.


Volleyball fans, we are very grateful. We’ve poured everything into this, battled through every obstacle to deliver this event, and we expect to see you all during the matches,” ani Suzara.

Nanguna si Eya Laure ng Alas Women sa oath-taking ng volunteers, maging  sina team captain Jia de Guzman, SEA VLeague Best Libero Justine Jazareno, Dell Palomata at iba pang miyembro ng Alas Women ay nakibahagi sa excitement ng fans. 


Marami ang lumahok sa iba't ibang aktibidad ng  national teams sa MOA maging ang mga embahada ng 31 bansa sa world championship. Mascots sa FIVB-MWCH ina Koolog, Hataw at Kidlat.  


We have to do this so well, we have to do this telling the world that this is the Philippines, we can host properly, this is the showcase of our nation, we are a very beautiful sports tourism destination,” ani Gregorio.


We’re very excited for this event. It’s really very hard to bid and to host these events. Magsama-sama po tayo for this event,” panawagan ni Tolentino.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | August 14, 2025



Photo: Kurashiki Ablaze - IG


Mga laro sa Linggo (MOA Arena)

Battle-for-third

4 n.h. – Cignal HD Spikers vs Creamline

Winner-take-all Finals

6:30 n.g. – Chery Tiggo vs PLDT 


Magbabalik-aksyon sa hatawan ang 2023 Premier Volleyball League Invitational Conference titlists Kurashiki Ablaze kasama ang Kobe Shinwa Women's University upang hamunin ang apat na koponan sa 2025 edisyon ng nasabing komperensiya na magsisimula sa Agosto 21 sa Philsports Arena sa Pasig City.


Magsisilbing guest squad ang dalawang Japanese teams pagkatapos ng isinasagawang PVL On Tour, na nasa dulo ng aksyon sa championship round sa Linggo sa MOA Arena sa Pasay City sa pagitan ng 2021 Open Conference champ Chery Tiggo Crossovers at first-time finalists PLDT High Speed Hitters.


Ito ang ikatlong salang ng Kurashiki na nakakuha rin ng bronze medal finish sa 2024 Invitational tilt at unang beses na sasalang ang Kobe Shinwa bilang guest team sa nangungunang professional women’s volleyball sa bansa.


Ang Kurashiki ay isang Japanese professional team na minsang sumabak sa V.League, kung saan nagwagi ito ng ilang medalya sa 13th National 6-Person Final League at Grand Champion Match Awards sa Japan. Tinalo ang Creamline Cool Smashers sa five set game noong 2023  para mapurnada ang unang subok sa Grand Slam ng koponan.


Maituturing na isa sa crowd favorite ang Kurashiki Ablaze na nagpakita ng naiibang trademark sa larangan ng laro mula sa naiibang disiplina, bilis, at eksaktong mga laro at playmaking. Sa kabilang banda, matutuloy na rin ang inaabangang PVL debut ng Kobe Shinwa na  umatras mula sa 2022 edisyon kung saan isang miyembro ng koponan ang nagpositibo sa COVID-19.


Makakaharap ng Kurashiki at Kobe Shinwa ang apat na semifinalists sa PVL On Tour katunggali ang Chery Tiggo, PLDT, Creamline at Cignal HD Spikers, na inaabangang eksplosibo na susubok sa diskarte at bilis na takbo ng sistema ng Japanese teams. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page