top of page
Search

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Nakapagtala ang Mount Bulusan sa Sorsogon ng 105 na lindol sa paligid nito sa nakalipas na 24-oras na observation period habang tumaas ang volcanic activity nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.


“Weak emission of white steam-laden plumes from the lower southeast vents before drifting north-northwest was observed,” pahayag ng mga state seismologists batay na rin sa kanilang monitoring bulletin sa Mount Bulusan.



Ayon sa PHIVOLCS, nananatili ang Bulusan sa ilalim ng Alert Level Status 1, kung saan nagpapakita ito ng abnormal condition ng bulkan.


Pinapayuhan ng ahensiya ang mga local government units, maging ang publiko na dapat ipagbawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).


Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maging maingat lalo ang nasa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa bahagi ng southeast sector anila, “due to the increased possibilities of sudden and hazardous phreatic eruptions.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021




Pumutok ang Mount Nyiragongo sa eastern city ng Goma sa Democratic Republic of Congo kung saan umabot hanggang sa airport ang lava noong Sabado at libu-libo ang inilikas.


Noong 2002 huling pumutok ang Mount Nyiragongo kung saan 250 katao ang nasawi at 120,000 ang nawalan ng tirahan. Noong Sabado, ayon kay Communications Minister Patrick Muyaya, gumawa na ng evacuation plan ang pamahalaan ng DR Congo dahil sa pag-aalburoto ng Mount Nyiragongo at bago pa man ito tuluyang pumutok ay ipinag-utos na ang pagpapalikas sa mga residenteng maaapektuhan nito.


Bandang 7 PM noong Sabado pumutok ang Mount Nyiragongo at pahayag ng isa sa mga opisyal ng Virunga Park ngayong Linggo, "The flow is also descending on the town. It has now reached the airport. "The eruption of Nyiragongo is similar to the eruption in 2002.”


Pahayag naman ni Joseph Makundi, civil protection coordinator ng North Kivu region, "Everyone in the city knows what to do when there is an eruption. "You mustn't panic." Noong Mayo 10 pa lamang ay nagbabala na ang Goma Vulcanology Observatory dahil sa pag-aalburoto ng Mount Nyiragongo.


Noong Sabado naman, mino-monitor ng Observatory ang direksiyon ng daloy ng lava. Samantala, ayon kay Dario Tedesco na volcanologist ng Goma, nagkaroon ng pagbabago sa daloy ng lava at papunta umano ito sa Goma.


Aniya, “Now Goma is the target. “It’s similar to 2002. I think that the lava is going towards the city centre. “It might stop before or go on. It’s difficult to forecast.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page