- BULGAR
- Feb 1
by Info @News | February 1, 2026

Photo: File
Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na wala pang records ng Nipah virus sa bansa at mahigpit nila itong binabantayan habang patuloy sila sa paghahanda rito.
Sa isang panayam ngayong Linggo, Pebrero 1, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa tulad ng Thailand at Taiwan na nagsusumikap na mapigilan ang naturang virus na makapasok sa mga hangganan nito.
Ayon kay Domingo, “For the record, wala tayong namo-monitor or nakikita na may sintomas o history ng exposure... Ang India ang nagsabi, na ang kumpirmado lang nila ay dalawang kaso... Ang kanilang contact tracing at isolation ay nakaabot na ng halos 200 kung saan lahat ay nag-test ng negative... Sa pananaw ng India, contained na ito.”
“Isa ‘yang zoonotic [virus]. Isang sakit na nagmumula sa hayop. Ito ay nakukuha lamang kung lalapit sa isang may sakit na paniki o fruit bat... o kung kumakain ng karne na hindi luto, nang hindi sigurado kung saan galing,” paliwanag ni Domingo.
Sinabi rin niya na, “'Yung mga sintomas ay pangkaraniwan. Puwede kang magkaroon ng lagnat, magkaroon ng pananakit ng katawan, sipon. Para siyang mala-trangkasong sakit at its mild side... Kung ito ay naging malala – ‘yung pamamaga ng utak.”
“Ito ba ay makakalipat sa ibang bansa, ‘yan ang pinaghahandaan natin ngayon,” dagdag pa niya


