top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 17, 2024




Iniimbestigahan ng Department of Education ang viral na video ng isang babaeng titser na nangmamahiya ng mga estudyante.


Ang nasabing pangyayari ay live-streamed sa social media at walang linaw kung ano ang ikinagalit nito.


Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd deputy spokesperson Assistant Sec. Francis Bringas na kanilang sinusuri ang isyu.


"We are verifying the report from the field and will require a complete incident report to determine the next course of action in accordance with existing DepEd policies," saad ni Bringas.


Matatandaang nagbaba ang DepEd ng patakaran para sa proteksyon ng kabataan nu'ng 2012 kung saan nakasaad na kahit anong gawain o salita na nagpapababa sa dangal ng isang bata bilang isang tao ay ituturing na pang-aabuso.


Gayunpaman, nagpaalala ang Teachers' Dignity Coalition laban sa paggawa ng mabilis na komento sa pangyayari dahil hindi pa alam ang buong kuwento sa likod ng video.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 31, 2024




Matatandaang nag-viral nu'ng 2016 ang isang insidente kung saan tinaga sa likod ng isang lalaki gamit ang itak ang kaaway na naging katatawanan matapos na aminin ng suspek na ginaya niya si Battousai at baliktad ang talim ng kanyang gamit na itak.


Nahanap muli ang “Pinoy Battousai” na kinilalang si Valentino Abiertas sa Morong, Rizal sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”


Napag-alamang kumpare ni Valentino ang kanyang nakaalitan na kinilalang si Cris Bautista. Kuwento pa nga niya, sabay silang kumakain at palagi silang magkasama.


Nagkaroon daw sila ng away matapos na may kumanta kay Valentino na minura ni Bautista ang kanyang asawa at doon na nangyari ang pagtaga niya sa kumpare habang nakatalikod ang talim ng itak.


Kahit na aminadong mali ang ginawa niya, matapos ang ilang taon ay dinala niya sa Pinoy Pawnstars o sa kilalang shop ni ‘Boss Toyo’ ang kanyang itak para doon ibenta.

Nakilala naman ni Boss Toyo ang iconic na ‘Pinoy Battousai’ at naisarado ang kanilang tawaran na nagmula sa P30 K sa P16 K.


Gipit daw si Valentino kaya ibinenta niya na ang kanyang itak at ang suot naman niyang damit nu'ng araw ng insidente ay ginawang display sa kanilang tahanan.


Umaasa si Valentino na maisama ang kanyang itak sa itatayong museum ni Boss Toyo.

 
 

ni Mai Ancheta @News | October 8, 2023




Laya na pansamantala ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos makapagpiyansa nitong Sabado. Si Vega o Amadeus Fernando Pagante sa tunay na buhay ay inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District noong Miyerkules dahil sa kasong isinampa ng Hijos del Nazareno dahil umano sa paglapastangan sa Poong Nazareno sa isang drag show.


Itinakda ng korte ang P72,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng drag queen. Naaprubahan ang motion for bail ni Pura Luka noong Biyernes subalit, hindi agad nakalabas ng kulungan dahil naabutan ng pagsasara ng korte ang pagproseso sa pansamantalang paglaya nito.


Ang kaso laban kay Pura Luka ay nag-ugat sa panggagaya nito sa Nazareno habang kinakanta at sinasayaw ang bersiyon nito ng "Ama Namin" na ikinagalit at ikinainsulto ng mga deboto ng Nazareno.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page