top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 19, 2025



Photo: Ely Buendia - Instagram


Muling pinabulaanan ni Ely Buendia ang tsismis sa likod ng kantang Spoliarium.  

Itinanggi niya ang matagal nang haka-haka na may kaugnayan ang kantang Spoliarium ng Eraserheads sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Pepsi Paloma at TVJ noong 1982.  


Sa mediacon ng dokumentaryong Combo On The Run (COTR), sinabi niyang walang katotohanan ang sitsit at nilinaw niyang hindi ito tungkol kina Vic Sotto, Joey de Leon at Richie D’Horsie.  


Ibinahagi rin niya na ang gintong alak sa kanta ay tumutukoy sa Goldschlager, isang tunay na alcoholic drink, at ang mga pangalang "Enteng at Joey” ay kanilang road managers noon. Naninindigan siyang hindi niya kayang sumulat ng isang kantang dudungis sa mga hinahangaan niyang artista, kaya dapat nang itigil ang maling interpretasyon sa kanta.  


Paliwanag ng singer, “They are my heroes and I wouldn’t dream of writing a song to tarnish my heroes, so that's the most ridiculous rumor.


“And [I] will maintain until today that it’s not about them, it's not about Pepsi,” mariing pahayag ni Ely.  


Matatandaang nu'ng Marso, 2021, sa kanyang guest appearance sa Wake Up with Jim and Saab podcast, isiniwalat ni Ely na ang Spoliarium ay tungkol lamang sa labis na pag-inom ng alak.    


Sa kabila ng paulit-ulit na paglilinaw ni Ely, tila patuloy pa ring nabubuhay ang urban legend tungkol sa Spoliarium. Ngunit para sa mang-aawit, isa lamang itong walang basehang teorya na dapat nang tuluyang ibaon sa limot. 



NAWINDANG si Anne Curtis sa napiling photo ni Luis Manzano para sa birthday post nito para sa kanya.


Nag-birthday si Anne last Feb. 17 at nag-greet si Luis sa socmed kalakip ang photo nilang kuha sa teleseryeng kanilang pinagsamahan, ang Kampanerang Kuba (KK).  

Caption ni Luis: “Happy Birthday, Imang @annecurtissmith.”


Ini-repost ni Anne ang picture at saka nilagyan ng caption na: “Out of all our photos together, you just had to go and choose the worst one, ‘no? Looking forward to your 50th this year, Manzano!”


Hindi man nagkikita sina Luis at Anne, ang friendship nila ay hindi nagbabago kahit pa may kani-kanya na silang asawa. 


Nu’ng ikinasal si Anne kay Erwan Heussaff noong 2017, si Luis ang kanyang bridesman.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | September 7, 2024



Showbiz News

Nanindigan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanilang ibinigay na X-rating sa kontrobersyal na "Dear Santa," na dating "Dear Satan," matapos nitong ilarawan sa mabuting paraan si Satanas.


Ito ay sinasabing pag-atake sa pangunahing paniniwala ng mga Katoliko at Kristiyano. Matatandaang ang nasabing pelikula ay unang binigyan ng X-rating matapos lumabag sa Presidential Decree No. 1986, Chapter IV, Section F, Subsection (c).


Alinsunod sa nasabing probisyon, ipagbabawal ng MTRCB ang pagpapalabas ng mga pelikula, programa sa telebisyon, at mga kaugnay na materyales o patalastas, na sa paghatol ng Lupon, ay malinaw na bumabatikos sa anumang lahi, paniniwala, o relihiyon.


Natuklasan ng Komiteng nagsuri sa pelikula na ang materyal ay naglalarawan kay Satanas bilang nilalang na may kakayahang magbago, na sinasabing isang pagbaluktot ng mga turo ng Simbahang Katoliko.


Binigyang-diin din ng Lupon na bilang isang regulatory body, kailangan nitong balansehin ang pagpapanatili ng mga kultural at moral na halaga ng mga Pinoy at ang karapatan sa layang magpahayag.

 
 

ni Lucille Galon @Entertainment News | July 3, 2024



News

Nag-viral ang video na inilapit ng isang lalaki ang mukha niya kay Maraiah Queen Arceta o mas kilalang BINI Aiah na kabilang sa Nation’s Girl Group na BINI. Nangyari ito sa isang bar sa Cebu.


Kahit may kasamang bodyguards ang singer/dancer ay walang takot na nilapitan ng lalaki si BINI Aiah at halos idikit na nito ang mukha niya, dahilan para mapasabi si Aiah ng “Oh, my God”.


Ikinagalit ito ng mga fans at netizens. Narito ang ilan nilang mga comments: “Nagulat si Aiah, walang respeto. Know your limits people.” “PROTECT BINI FROM DISGUSTING MEN 5x (times).” “Parang inamoy n’ya si ate Aiah, bastos talaga.”


“Sa dami ng bodyguard, wala man lang sumuntok?” 'Kaloka! Kahit may mga bodyguards ay hindi natakot si kuyang bastos. Sey nga ni Direk Ramsay na naging meme noon, “‘Wag kang bastos!!!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page