top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 27, 2025



Photo: Artists / IG


Binibigyang-pugay ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga natatanging programa, personalidad at mga pagtatanghal sa telebisyon na namayagpag noong taong 2023 — isang taon na hindi agad nabigyan ng kaukulang parangal dahil sa epekto ng pandemya. 


Dahil taunang tradisyon ang paggagawad ng pagkilala sa mga talents sa telebisyon bawat taon, hindi puwedeng kaligtaan ng PMPC ang mga ginawang pagtatanghal, maging serye man o noontime shows, news, comedy, public service, at iba pang mga kategorya ng nabanggit na taon. At dapat lamang ang pagkilalang ito at pagbibigay-parangal sa kanila, dahil ibinubuhos nila ang kanilang oras at talento sa kanilang mga programang tinampukan. 


Matapos ang masusing rebyu ng mga programa ng mga miyembro ng PMPC na kinabibilangan ng mga beteranong manunulat sa show business, sa print at online at sa kani-kanilang mga vlogs, pormal na inanunsiyo ng organisasyon ang mga nominado para sa ika‑37 Star Awards for Television. 


Gaganapin ang pinakaaabangang gabi ng parangal sa Agosto 24, 2025, Linggo, sa 10th floor ballroom ng VS Hotel Convention Center sa 799 EDSA Southbound, South Triangle, Quezon City. 


Ang German Moreno Power Tandem special award ay ipagkakaloob sa mga sikat na love teams nina Barbie Forteza at David Licauco, at Francine Diaz at Seth Fedelin. 

Sa pamumuno ng PMPC President na si Mell Navarro, Over-all Chairman na si Fernan De Guzman, at Chairman Roldan Castro, inaasahang magiging mainit ang labanan sa mga kategorya, na lagi nang inaabangan ng publiko sa loob ng mahabang panahon. 


Inaasahang ang awards night ay magbibigay ng labis na kasiyahan hindi lamang sa mga mananalo kundi maging sa pagsasama-sama ng mga malalaking bituin sa telebisyon at pagkilala sa mga naging simbolo sa kani-kanilang talento at kontribusyon, at nag-iwan ng mga magagandang alaala at inspirasyon sa kanilang mga tagahanga. 

Narito ang listahan ng mga nominado para sa major awards sa 37th Star Awards for Television:


BEST TV STATION - A2Z, ALLTV, CNN Philippines, GMA-7, GTV, IBC 13,  INCTV, KNOWLEDGE CHANNEL, NET25, PTV 4, TV5 AT UNTV 37 


BEST DRAMA ACTRESS - Bea Alonzo (Love Before Sunrise/GMA 7), Andrea Brillantes (Senior High/TV5, A2Z), Barbie Forteza (Maria Clara At Ibarra/GMA-7), Janine Gutierrez (Dirty Linen/TV5, A2Z), Rhian Ramos (Royal Blood/GMA-7), Jodi Sta. Maria (Unbreak My Heart/GMA-7), Jillian Ward (Abot Kamay Na Pangarap/GMA-7) 


BEST DRAMA ACTOR - Dingdong Dantes (Royal Blood/GMA-7), Joshua Garcia (Unbreak My Heart/GMA-7), Ruru Madrid (Black Rider/GMA-7), Coco Martin (FPJ’s Batang Quiapo/TV5, A2Z), Zanjoe Marudo (Dirty Linen/TV5, A2Z), Donny Pangilinan (Can’t Buy Me Love/TV5, A2Z) at Dennis Trillo (Maria Clara at Ibarra/-GMA-7) 


BEST DRAMA SUPPORTING ACTRESS - Pinky Amador (Abot Kamay Na Pangarap/ GMA-7), Angel Aquino (Dirty Linen/TV5, A2Z), Rio Locsin (Black Rider/GMA-7), Cherry Pie Picache (FPJ’s Batang Quiapo/ TV5, A2Z), Gladys Reyes (Black Rider/GMA 7), Sylvia Sanchez (Senior High/GMA-7), Maricel Soriano (Pira-Pirasong Paraiso/TV5, A2Z) 


BEST DRAMA SUPPORTING ACTOR - John Arcilla (Dirty Linen/TV5, A2Z), Elijah Canlas (Senior High/TV5, A2Z), Christopher De Leon (FPJ’s Batang Quiapo/TV5, A2Z), Baron Geisler (Senior High/TV5, A2Z), Joel Lamangan (FPJ’s Batang Quiapo/TV5, A2Z),  Kristoffer Martin (Mga Lihim Ni Urduja/GMA-7), Joel Torre (Dirty Linen/TV5, A2Z) 

Ang kumpletong listahan ng mga nominado ay mababasa sa aming FRANKLY SPEAKING column sa BULGAR website na bulgaronline.com.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 5, 2025



Photo: Barbie Imperial, Barbie Forteza at Jak Roberto


Nadamay na rin ang nananahimik na si Barbie Imperial sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto.


Sa Facebook post ni Barbie ay binulabog siya ng mga netizens tungkol sa hiwalayang JakBie at pinagkamalan siyang si Barbie.


Sey ng isang netizen, “HIWALAY NA PALA KAYO NI JAK PERO MASAYA KA PA.”

Nag-react naman dito si Barbie. Sagot niya, “???”


Komento pa ng isa, “Literal na glow up after break up, anw (anyway), cheer up po.”


Ang isa naman ay pinayuhan pa si Imperial na maging matatag.


“Stay strong, Ate Barbie, I know you have loved Jak so much, praying for your healing and I hope you are able to cope with this challenge that you two are facing right now.”


Sey naman ng isa pang netizen, “No more JAKBIE. Praying for your healing.” 


Hindi na nag-react si Barbie Imperial sa iba pang mga komento.


Matatandaang last January 2 (Thursday) ay ginulat ni Barbie Forteza ang lahat nang ianunsiyo niya sa kanyang Instagram (IG) ang hiwalayan nila ni Jak Roberto.


“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.


“Your love was exceptional. 


“But sometimes, good things fall apart so better things can come together. Beautiful goodbye, @jakroberto,” pahayag ni Barbie Forteza.


Sa ngayon ay hindi pa nagre-release si Jak Roberto ng statement tungkol sa hiwalayan.


Matapos kumalat ang hiwalayang JakBie…

“CHILL LANG” — DAVID



PINAGPIPIYESTAHAN naman ngayon ng mga netizens at fans nina Barbie Forteza at David Licauco ang post ng aktor nu’ng January 3.


Nag-upload si David ng solo picture niya sa kanyang Instagram at Facebook accounts at sey niya sa caption, “Chill lang.”


Sari-sari ang reaksiyon ng mga netizens sa post niyang ito, lalo pa nga’t hindi maiwasang madamay siya sa breakup ng JakBie.


Maraming nag-comment sa post pero isa lang ang sinagot ni David.


Isang netizen ang nagkomento ng “Basta David, ha, sinasabi ko sa ‘yo, tandaan mo, ‘yung 3 month rule bago mo ligawan (laughing emoji).”


Sinagot ito ni David ng grinning face with sweat emoji.


Kung ano ang ibig sabihin ng aktor sa reaksiyon niya ay siya lang ang nakakaalam pero natawa naman ang mga netizens lalo na nga ang mga BarDa fans.



VERY successful ang pasabog na pagsalubong ng GMA Network sa Bagong Taon via the Kapuso Countdown to 2025: Isa Sa Puso. 


Tinatayang nasa 250K ang pisikal na nakisaya sa SM Mall of Asia (MOA) para sa taunang countdown kasama ang mga Kapuso artists tulad na lang nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista at Ai Ai Delas Alas. 


Join din sa Kapuso countdown ang mga P-Pop stars na SB19, 1621 BC, at Kaia. 


Ipinasilip na rin ang mga bonggang upcoming shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon, kasabay ng 75th anniversary celebration nito. 


Patok din ang Kapuso Countdown to 2025 online at umabot pa nga sa 2 million total views ang online streaming ng event from different platforms and pages ng GMA. 


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 27, 2024



Photo: Sharon Cuneta at KC Concepcion - FB


Bati na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ito ang ibinahagi ni KC sa kanyang Instagram (IG) account sa araw ng Kapaskuhan.


Ayon sa anak nina Sharon at Gabby Concepcion, nagkausap daw sila ng kanyang ina. Kung ano ang kanilang pinag-usapan ay hindi na niya sinabi pa.


“Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! (star at Christmas tree emoji).

“Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I  (heart emoji). She always makes the holidays extra magical and special (loved emoji),” pahayag ni KC.


Sinabi rin ng dalaga ang kanyang willingness para maayos ang lahat sa pagitan nila ng kanyang pamilya, lalung-lalo na nga sa kanila ng kanyang ina.


“For this year’s Christmas season, I’m taking my quiet space to pray, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessing. I know God has in store for me (and my family)! I know, nand’yan lang si God para sa ‘min and magiging ok ang lahat. Especially between my mama and me,” aniya.


“Grateful for the love and joy I have in my life everyday! From my little pack to yours, I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love. Cheers to a fresh start for the New Year ahead, God bless us all!” pagtatapos niya.


Matatandaang last year nagsimula ang problema sa pagitan ni KC at ng kanyang pamilya nang i-unfollow niya ang stepdad niyang si Atty. Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.


Kasunod nito ay nagkaroon na rin ng balitang hindi rin maganda ang relasyon nila ni Sharon Cuneta at inamin naman ito ni Megastar sa kanyang mga panayam.



NANGANGAMOY Best Actress si Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang entry this year for the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Uninvited ng Mentorque Productions and Project 8 Projects directed by Dan Villegas.


Napanood namin ang pelikula sa special screening held last Wednesday and we’d say, napakalaki ng posibilidad na maka-back-to-back ng Best Actress award si Ate Vi. 


Matatandaang last year ay siya ang nagwagi for the said award at the MMFF Awards Night para sa pelikulang When I Met You in Tokyo (WIMYIT).


Muli ay ipinakita ng Star for All Seasons na wala pa rin siyang kupas pagdating sa kahusayan sa pag-arte. Ang galing-galing niya sa breakdown scene niya nang makita niya ang bangkay ng kanyang anak played by Gabby Padilla. So powerful, so heartbreaking.


Aga Muhlach too is definitely a must-watch sa kanyang performance as Guilly na talaga namang sinalo na yata ang lahat ng kasamaan. Definitely, out of the box ito para sa aktor at nai-pull-off niya in full colors.


Hindi rin nagpatalbog si Nadine Lustre who plays Nicole, daughter of Guilly na mayroon ding dark secrets. Best scene niya ang part na paulit-ulit niyang minura ng “put**a mo” ang kanyang amang si Guilly.


But definitely, Uninvited is a Vilma Santos movie at hindi na kami nagtataka kung bakit ito ang mas pinili niya over the other entry na napunta kay Lorna Tolentino.


Ang masasabi lang namin, make sure na isama n’yo sa list ng MMFF films na panonoorin n’yo ang Uninvited because it’s really worth your money.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page