top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 15, 2021



ree

SI Ion Perez na yata ang pinakamatagal na karelasyon ni Vice Ganda, so far. Three years na ang kanilang relasyon and going strong as ever.


“Masaya kami ni Ion, masaya ako kay Ion, masaya ako sa relationship namin. Everyday, I say thank you to God na ‘Ang bait Mo, binigyan Mo ako ng ganito,’” kuwento ni Vice sa panayam sa kanya ng dating manager na si Ogie Diaz para sa YouTube vlog nito.


Kung wala raw si Ion sa tabi niya ngayon, napakamiserable raw siguro at napakalungkot ng buhay niya.


“Ano'ng lungkot ko ngayon kung wala akong ganitong katuwang? Ano'ng lungkot ko ngayon na walang hahagod ng likod ko 'pag umiiyak ako. Gaano kamiserable ang buhay ko 'pag buryong na buryong na ako, tapos walang tititig sa akin para kumalma ako?


“Si Ion kasi, hindi masalita, pero 'pag tumingin siya sa akin, tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ang buhay ko,” sey ni Vice.


Dahil daw kay Ion ay tinalikuran niya ang pagrampa niya gabi-gabi, pati na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.


“Kasi, si Ion lang, sapat na. Totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion. Na nagtatrabaho ako, nandiyan si Ion, nakikita ko siya. Okay na ‘ko ru’n. Hindi na ako rarampa,” sey pa niya.


Kahit 3 yrs. na sila ay wala raw silang sawa factor and lately nga raw ay poging-pogi pa siya sa dyowa.


“Tinatawag ko siyang pogi. Nanggigigil ako sa kanya kasi poging-pogi ako sa buhok niya. Nu'ng nagpa-maigsi siyang buhok, tapos may kulay, poging-pogi ako,” sey niya.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 14, 2021



ree

Naging emosyonal si Ivana Alawi sa kanyang latest vlog sa YouTube kasama ang dalawang kapatid na sina Hashim at Mona.


Matatandaang kamakailan ay ini-reveal ni Mona sa vlog ng ate niya na may Type 1 Diabetes siya since 2011 and lately ay talagang lagi siyang naho-hospitalize because of high sugar level.


Sa tanong ni Mona sa dalawang kapatid kung ano ang ugaling pinakaayaw ng mga ito sa kanya, dito na nagsimulang maging emosyonal si Ivana.


“Hindi kasi, si Mowana, siya ‘yung type na person na sobrang lakas niya,” simula ni Ivana.


Patuloy niya, at a young age ay napakarami na raw pinagdaanan ng nakababatang kapatid.


“Ang dami niyang pinagdaraanan na kahit ako, lagi kong sinasabi, ang dami kong pinagdaanan na experiences, pero si Mona, mas marami siyang pinagdaanan kasi she’s been through pain at a young age, ‘di ba? And she’s been through so much,” ani Ivana na napapaiyak na.


At this point ay naging emosyonal na rin si Mona.


“Nagkakaroon na siya ng time lately na parang gusto na niyang mag-give-up. Lagi niyang sinasabi, ‘Ten years na ‘ko nasasaktan na parang bakit ko pa ba itutuloy?’ ‘Yun lang ‘yung ayaw ko sa kanya,” ani Ivana.


Hindi naman daw mabilis mag-give-up talaga si Mona since ilang years na nga raw itong lumalaban sa sakit. Pero nalulungkot daw ito minsan at napapagod na rin.


“Hindi naman siya naggi-give-up na ‘yung dumarating sa alam n’yo na. Pero parang naaano lang siya, she’s losing hope na to become normal and to feel normal,” she said.


Nagbigay din si Ivana ng mensahe sa kapatid.


Aniya, “Always pray and we’re here for you and gagaling ka and you will be better.”


Sinabihan din niya ang kapatid na bawal mag-give-up at magkakaroon pa raw ito ng sampung anak in the future.

 
 

NAKUKUBA NA 'KO!


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 11, 2021



ree

Ikinaloka ni Jessy Mendiola ang mga wild questions sa kanya ng mga followers niya sa Instagram pero nonetheless ay sinagot pa rin niya ang mga ito dahil sey nga niya, siya mismo ang nagsabi sa mga fans na ipadala sa kanya ang most savage questions na gustong itanong sa kanya.


Isa sa mga tanong sa kanya ay kung totoo ba ang kanyang boobs. Pinindut-pindot pa niya ang bandang itaas ng kanyang breast to prove na totoo ito.


“Yes, they’re real guys. Hindi ko na talaga kayang magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap. At kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin talaga kaya ‘yung bigat ng aking boobs. Real talk. Kasi nakukuba na ‘ko and masakit sa likod,” ani Jessy.


Tinanong din kung ano ang kanyang fave position at sagot niya, “Position saan?”


Pero sinagot din niya ito. “I would love to be on top of the world. ‘Yun. ‘Yun na ‘yung sagot ko,” aniya saka pilyang ngumiti na siyempre, iisipin mo talagang may pagka-double meaning.


Isa pang tanong ay “How’s the night after the wedding?” at natawa si Jessy.


“Tulog kami. Super-tulog. Kasi pagod na pagod kami after the wedding,” natatawang sey ng aktres.


May nagtanong din ng “Is Luis good in bed?” at pilyang kindat lang ang isinagot dito ni Jessy.


"'Yun na ‘yung sagot ko. Charot! Okay, next. . .” natatawa niyang sabi.


Sa tanong kung nag-share ba siya sa wedding expenses nila ni Luis, sagot niya, “Yes, I did.”


Paliwanag niya, “Para sa akin ‘to, guys, ha, it would be unfair naman din if kaya ko namang mag-share, bakit naman hindi, 'di ba? And I think, hindi lang sa wedding. Most of the time, ‘pagka kunwari, may trip kami ni Luis or meron kaming binibili together, nagse-share pa rin ako kahit paano because I have my own income naman and work.”


Maging sa household expenses ay share rin daw sila ng asawa.


Sex or chocolates?


“Ang hirap naman,” aniya. “Both. Sorry, I can’t choose.”


When asked kung ready na ba siyang magka-baby, sey niya, “Yes, I am ready to get pregnant.”


Dagdag niya, “Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na 'ko. Parang feeling ko, mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro, mga two to three 'yung children namin. Kaya sana, two to three kids before I turn 33, ganu'n. Twenty-eight na 'ko ngayon, eh, so meron akong five years pa,” aniya.


When asked kung may plano silang magkaroon ng baby this year, sey ni Jessy ay hindi siya sure.


"Not so sure kung this year. Siguro, when things are better. Sana talaga, things get better. Para rin you know, all of us could really move on with our lives na walang worries, na walang anxiety na nakakabit,” saad ng aktres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page