top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 23, 2021



ree

Sa kanyang latest vlog, ang glamorosa naman niyang ina na si Cecilia Ongpauco ang naging guest ni Heart Evangelista kung saan ay marami silang interesting topics na napag-usapan.


Kasama ang sister niyang si Camille na nagluto ng pasta habang nagkukuwentuhan sila, ipinakita ni Heart na okay na okay na ang mommy niya at husband na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.


Matatandaang last April ay na-feature rin sa vlog ni Heart ang kanyang amang si Reynaldo Ongpauco at dito ay nakitang okay na okay na rin sila ni Chiz.


Sa latest vlog ni Heart ay may part na tinanong niya ang ina kung ano ang advice nito sa kanyang marriage at sagot naman ni Mommy Cecilia, “You’re fine, you’re happy.”


At this point ay hinila ni Heart si Chiz sa camera at nagkatawanan silang lahat. Dito rin nakita na talagang okay na ang relasyon ni Chiz sa biyenan.


Sey ng mommy ni Heart kay Chiz, “You know what I like about your marriage? You allow each other to grow. You don’t stop her growth. Ikaw, full-grown ka na kumbaga. But you don’t cramp her style.”


Dagdag pa nito, “I think, that’s what’s good about their marriage. You know, he allows her to, you know, grow, mature on her own. He doesn’t cramp her style.”


Humingi rin ng saklolo si Heart sa ina na ipagtanggol siya laban sa mga bashers na nagsasabing nagpagawa siya ng ilong at mata.


“Of course, not,” ang sabi naman ni momshie.


“I think, medyo hawig ang ilong namin,” dagdag pa niya.


Kuwento pa ni momshie, lagi raw niyang sinasabi kay Heart noong bata pa ito na i-press ng 100x upward ang ilong everyday para tumangos. At sinunod naman daw ito ng anak dahil masunurin daw talaga ito noon.


Kaya naman since 7 years old siya, sey ni Heart ay ginagawa niya talaga na pisilin ang nose niya para tumangos ito.


“She would do it every day, that’s why nag-improve,” kuwento ni Mommy Cecilia.


Tsika pa ni Heart, lahat daw ng kilos, pananamit at pagsasalita niya ay dahil lahat sa turo ng kanyang ina. Pati ang mga tips kung paano alagaan ang katawan, skin, face ay itinuro sa kanya ng mom niya.


Sey pa ni Heart, nu’ng nag-aaway daw sila ng mom niya ay sinasabi nito sa kanya, “The way you sit, the way you talk, the way you dress up, the way you walk, that’s all because of me.” At inamin ng aktres na totoo naman daw ‘yun.


Dati raw ay hindi niya ma-gets kung bakit sobrang strict ng ina pero ngayon ay naiintindihan na niya na it’s all for her own good. At ngayon daw niya na-prove na tama talaga ang lahat ng sinabi nito.


At 'pag nagkaanak na raw siya ay ganito rin ang gagawin niyang pagpapalaki, lalo na nga sa babae.


“I’m very, very thankful for my mom, I’m thankful for everything that she has done, instilled, and taught me because she’s right,” sey pa ni Heart.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 22, 2021



ree

Pinaiyak si Sanya Lopez ng isang netizen na nag-post ng nakakaantig na kuwento tungkol sa ama nitong may malubhang karamdaman.


Sa kanyang Instagram account ay ini-repost ni Sanya ang post ng netizen na avid viewer ng serye niyang First Yaya. Naka-tag ang aktres sa nasabing post kaya naman nakarating sa kanya ito.


Kuwento ng netizen na may user name na @silents74425532, a week before the premier of First Yaya last March ay may dumating na isang malaking pagsubok sa pamilya nila. Na-diagnose ang daddy niya na may malubhang karamdaman.


In just 1 week ay bumagsak ang katawan ng tatay niya mula sa 65 kilos to 55 kilos. Buhat nu’n ay naging malungkot na lahat sila at hindi na raw sila nagbubukas ng TV dahil ang dad niya raw talaga ang mahilig manood. After dinner, nagdarasal daw sila at pagkatapos ay nagkukulong na sa sari-sarili nilang kuwarto.


Nang mag-pilot daw ang First Yaya last March 15 ay nagkataong nagbukas siya ng TV dahil nabibingi na siya sa katahimikan ng bahay.


Sa pilot pa lang daw ay napangiti na sila ni Sanya at kahit paano ay nakalimutan ang lungkot. And from then on, sinubaybayan na nila ang show.


Sa serye ay namatay ang tatay ni Sanya at sey ng netizen, lagi niyang naaalala ang eksenang ‘yun na siyempre ay ayaw naman niyang makita ang sarili sa same situation.


Dumating na raw sa point na almost dying na ang ama niya at lalo pang pumayat (50 kilos).


Pero bago raw magtapos ang March ay may nakita silang kaunting improvement sa ama at tinanong daw sila one time kung ano ang kanilang pinapanood.


“I told him ‘Bago po ng GMA, First Yaya, si Sanya.’ Alam kong kilala niya si @sanya_lopez kasi mas madami pa siyang kilala kesa sa 'kin. Hehe. And you know what, pagpasok ng month of April, nag-start siyang maka-recover,” kuwento ng netizen.


Dagdag pa nito, “And I’m glad to say last month pa namin siya kasamang manood ng First Yaya gabi-gabi. Sixty kilos na ang weight niya. Dati 8 klase ng meds 'yung tine-take niya, ngayon 2 na lang. Siya pa nagsabi sa 'kin na ‘Malapit na palang matapos si Yaya Melody.’”


Bagama’t nalulungkot daw sila na magtatapos na ang First Yaya (last two weeks na lang), sa kabilang banda ay masaya naman daw sila na malakas na ulit ang kanilang ama.


“And blessing sa amin ang First Yaya para magkaroon ng chance na tumawa sa gitna ng problema,” pagtatapos pa ng netizen at ibinahagi ang quote na “When we put our problems in God’s hands, He puts His peace in our hearts.”


Needless to say, sobrang touched si Sanya sa kuwento ng netizen at sey niya, ipinagdarasal niya ang tuluyang paggaling ng ama nito.


“Grabe 'tong kuwento mo. Sobrang naiiyak ako @silents74425532 'di namin alam na ganito 'yung impact ng First Yaya sa life ninyo. Maraming salamat po! Ipinagdarasal din ng buong pamilya ng First Yaya ang tuluyang paggaling agad ng daddy mo! Maraming salamat ulit,” ang caption ni Sanya.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 19, 2021



ree

Bagama’t wala pa sila sa masasabing boyfriend-girlfriend relationship, aminado naman sina Ken Chan at Rita Daniela na sobrang lalim na ng kanilang relasyon bilang magka-love team at bilang magkaibigan.


Sa virtual mediacon para sa kanilang bagong serye sa GMA-7 na Ang Dalawang Ikaw na ginanap last Thursday, kitang-kita naman kung gaano sila ka-concern sa isa’t isa. Nakakatuwa nga si Rita dahil pinaalalahanan pa niya si Ken na hindi pa raw kumakain at hindi pa rin umiinom ng tubig.


Ayon nga kay Rita, sanay na sanay na raw siya kay Ken na kapag hindi niya nakikita ay sobrang nami-miss niya.


Aminado naman si Ken na mahal na mahal niya si Rita at nagbitaw ng pangakong hindi raw siya mawawala sa buhay ng aktres kahit ano ang mangyari.


“Ang maipapramis ko kay Rita, kahit ano ang mangyari, hindi ako mawawala sa buhay mo. Kahit na ano'ng tahakin mo, I’m just here, nandito lang ako,” ani Ken.


Nang tanungin kung bakit ‘yun ang pangako ni Ken, sey niya, “Iba ‘yung relationship namin kasi ni Rita. Nasabi ko na hindi ako mawawala sa buhay niya kasi mahal ko siya. Napamahal na sa akin si Rita and alam mo ‘yung sa family, mahal mo ‘yung pamilya mo, hindi mo siya kayang iwanan. Ganu’n ‘yung nararamdaman ko kay Rita.”


Nang mahingan naman ng reaksiyon ang aktres, aniya ay alam naman daw niya ‘yun dahil ipinaparamdam ito parati sa kanya ni Ken.


“Alam ko naman na ‘yun ang sasabihin niya, saka marami namang moments na ipinapa-feel niya ‘yun sa akin, na mahal niya ako. Nararamdaman ko naman ‘yun. 'Di ba, kasabihan nga, action speaks louder than words,” ani Rita.


Pero aniya, sobrang natatakot daw sila na magkaroon ng relasyon dahil baka hindi mag-workout at mawala nila ang isa’t isa.


“Kapag naging boyfriend ko si Ken Chan, I’ll lose him as my friend, as my best friend. So, kapag hindi nag-workout ang relationship namin, malu-lose ko siya, malu-lose ko ‘yung best friend ko, malu-lose ko ang boyfriend ko. So, ano'ng mas pipiliin ko?” ani Rita.


Samantala, sobrang thankful ng RitKen sa GMA-7 na lagi silang binibigyan ng magagandang projects tulad nga nitong Ang Dalawang Ikaw kung saan ay talagang sinubok na naman ang kakayahan nila sa pag-arte. At sa trailer pa lang, obviously ay naibigay nila ang hinihingi ng kani-kanilang role dahil napakahusay nila sa mga eksenang ipinakita.


Sa Ang Dalawang Ikaw ay ginagampanan ni Ken ang isang lalaking may Dissociative Identity Disorder (DID) na may dalawang katauhan na magkaibang-magkaiba ang personalidad.


Si Rita naman ay gumaganap na asawa ng isa sa dalawang karakter ni Ken na si Nelson.


Magsisimula na sa June 21 ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page