top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 26, 2021



ree

Humarap si Kris Aquino sa media last Thursday night matapos i-cremate ang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa The Heritage Park sa Taguig.


“The cremation is already finished. Tomorrow, we will have a mass in Ateneo for him, and on Saturday, we will bury him beside our parents in Manila Memorial. Ganu’n kasimple lang,” ang announcement ni Kris.


Humingi ng pang-unawa si Kris sa publiko sa mabilisang funeral service for her brother dahil nga nasa pandemic pa tayo ngayon.


“Sana, maintindihan ninyo na we did not think it would happen this soon. We are just trying our best na hindi magkaroon ng super-spreader event,” aniya.


Nagpasalamat ang Queen of All Media sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya sa pagyao ng kapatid.


“Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagpapadala ng kanilang mga condolences, sa lahat ng mga nakikita naming nakikiramay sa amin, sa lahat ng mga mayors, sa lahat ng mga gobernador, sa lahat ng mga establisimyento na on their own, nag-decide na iha-half mast ang mga bandila ng Pilipinas,” aniya.


Nagpasalamat din si Kris sa pakikiramay ni Pangulong Rodrigo Duterte.


“Maraming salamat sa Malacañang, dahil nag-reach out sila. Maraming salamat kay Presidente Duterte du’n sa kanyang nararamdaman namin na sinseridad na pagko-condole sa pamilya namin,” saad ni Kris.


Ipinahayag din ng bunso sa magkakapatid na Aquino na hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito at labis nilang ikinagulat.


Naging emosyonal na si Kris nang ikuwento ang pagpapatawad na ibinigay sa kanya ni P-Noy bago pa man ito pumanaw. Matatandaang bukas na aklat naman ang estado ng relasyon nilang magkapatid noong nabubuhay pa ito na madalas ay nagkakaroon sila ng tampuhan.


“I wish I could say more. The only thing I can say and this is the only thing I will say - God blessed me because we have made our peace. But that is private and I would like to keep that for myself.


“But I’m so grateful na ibinigay ‘yun sa akin. At nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end, ang itinuring niya sa akin ay ako ‘yung kanyang bunso,” pahayag ni Kris na umiiyak.


She also revealed na may pangako siyang binitiwan sa yumaong kapatid.


“Ipinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat to just be even 1% of what he is as a man and as a Filipino,” she said.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 25, 2021



ree

Nagbigay ng pa-tribute si Sharon Cuneta sa kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan sa kanyang Instagram account kahapon. It’s obvious na nami-miss na ni Megastar ang pamilya bilang mahigit isang buwan na rin siyang nasa US.


Nag-post ang Megastar ng old photo nila ni Sen. Kiko at aniya sa caption, ngayong hindi raw niya kapiling ang pamilya nang matagal ay lalo niyang na-realize kung gaano kahalaga ang mga ito sa kanya.


“Pic: New York, 1997. Distance has a way of making you appreciate more what you usually take for granted when it is nearby.


“I have been away from home for the longest non-concert-tour time ever, & being away has made me realize all the more how much my “neighbor,” @kiko.pangilinan & our children mean to me,” ang simula ni Shawie.


Aniya ay hindi raw perpektong tao ang asawa pero mapagmahal in his own way.


“No, Kiko isn’t perfect. He is masungit, makulit & born with an already deep and loud voice, it thunders and echoes throughout our house when he is disappointed at an employee’s inefficiency or non-performance.


“These, in contrast to my having been born naturally malambing, super affectionate & a “touch” person.


“But what only we, his family, see that people do not, is just how loving he is towards us in his own way,” sey ni Megastar.


Inilarawan din ni Sharon ang relasyon nila ni Sen. Kiko at ibinahagi ang sikreto ng maayos nilang pagsasama.


“Some have commented on my posts about him and our family, and on our IG live together, just how “easy” it seemed for us to talk to each other. This is true.


“We have great conversations-I mean how many couples do you know get excited when talking about Mao Tse Tung or Nelson Mandela or Barack Obama’s journey, for example?


“And one thing that keeps our marriage strong is how much we laugh together as a family-even at each other’s expense! I am blessed to have been given a husband who is faithful, devoted to me & our family and always puts us first.


“Kahit minsan, gusto kita sakalin o maging homicidal sa inis sa 'yo, Sutart, aba, di hamak naman na mas outnumbered ng happy moments natin ang nakakainis na moments!” pahayag ni Sharon.


“I am proud of the family we have. The children we have managed to raise to have no sense of entitlement-thanks largely to you!


“Because you know, Mama was born loving, spoiling those she loves - what more those she loves the most?


“To the betterment of our offspring, they are non-materialistic nor self-centered. They are humble, ask for little in terms of material things & in spite of our complicated lives owing to our respective chosen professions, we have all remained simple,” patuloy pa ni Mega.


Sa huli, sey pa niya, hindi man bilyonaryo ang napangasawa niya, ibinigay naman daw nito ang lahat-lahat sa kanila and thanked him for that.


“You may not be a billionaire who can buy me all the Hermés bags or my dream of a pink diamond (which I wouldn’t buy even if I could afford it when it can buy me & our family too many memories of travels and time together), but you give us your ALL. I love you with all my heart. Thank you for loving me,” mensahe ni Sharon sa asawa.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 24, 2021



ree

Simple wedding lang ang gusto ni Barbie Forteza sakaling ikasal na nga sila ng boyfriend na si Jak Roberto. Sinabi ito ng Kapuso actress sa latest YouTube channel ng kanyang dyowa titled “Questions We Never Asked Each Other.”

Sa tanong na “do you want to get married someday?” of course ay parehong ‘yes’ ang sagot ng dalawa.

“I just want a simple wedding, intimate lang, ganyan, with close friends and family,” sey ni Barbie.

Dagdag pa niya, “Basta sabi ko nga sa kanya (Jak), hindi naman importante sa akin kung papaano kami ikakasal. Ang importante lang, makasal kami. Para lang alam mo ‘yun, mas secure kami, ganyan. Mr. & Mrs., wow!”

Sabi naman ni Jak, kahit ano pa raw wedding ‘yan, engrande man o simple ay okay sa kanya.

“Feeling ko, ang marriage, isa siyang kasunduan na hindi n’yo magagawang sirain dahil una, walang divorce rito sa Pilipinas,” sey pa ni Jak.

Natawa naman si Barbie at sey niya, “Bakit nasa divorce ka na? Nandito pa lang tayo sa ‘Do you want to get married someday?’”

Sagot naman ni Jak, ‘”Yun nga, walang divorce rito sa Pilipinas. So, hindi ‘yan parang mainit na kanin na puwede mong iluwa kapag napaso ka.”

Sa tanong naman ni Barbie kung ano ang most favorite part ni Jak sa kanilang relationship, maraming isinagot ang aktor. Unang-una na ay tuwing sasapit daw ang Valentine’s Day.

“Kasi, ‘yung effort na ang hirap mag-isip kung paano mo isu-surprise si Madam, medyo mahirap, eh. And ‘pag na-surprise ko siya, talagang sobrang ang sarap sa pakiramdam.

“Hindi pa ako pumapalyang i-surprise siya. So, alam mo ‘yun, every year, natsa-challenge ako na i-surprise siya,” paliwanag ni Jak.

Favorite rin daw niya kapag nagta-travel sila together at ‘yung time na sinagot siya ng girlfriend.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page