top of page
Search

FAKE LANG PALA.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 05, 2021


ree

Grabe naman ang nangyari kay Kris Bernal na nabiktima ng fake food delivery.


Imagine, sa isang araw, 23 Grab riders ang dumating sa bahay niya para mag-deliver ng pagkaing hindi naman niya in-order.


Sa video na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account, makikitang nag-abut-abot pa ang mga Grab riders sa bahay niya.


Walang tigil talaga ang dating ng delivery sa kanila at panay naman ang explain nila na wala silang ino-order.


“FAKE GRAB BOOKING. As of 8:02 PM, a total of 23 GRAB FOOD DELIVERIES all from the same name, JEN JEN MANALO - 0951-0652215.


“Sadly, the amount of the deliveries are of no jokes. Please help me report to @grabfoodph @grab_ph. Kawawa po ang mga riders, umuulan pa. Please help!” post ni Kris.


Ang nakakaloka, kapag tinatawagan ng Grab rider ang um-order ng food na nagngangalang Jen Jen Manalo ay sumasagot naman ito at ipinagpipilitan niyang ipina-order sa kanya ni Kris ang pagkain. At consistent siya talaga sa dialogue niyang: “Hindi ko po kasalanan ‘yan, kasalanan ni Kris Bernal ‘yan.”


Paulit-ulit niya itong sinasabi which made us think na baka naman galit ang babaeng ito sa aktres. Ito rin ang hinala ng ibang netizens.


Pero ani Kris ay wala naman siyang alam na taong may galit sa kanya.


“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment,” pahayag ni Kris sa IG.


Pero mas ikinalulungkot daw niya na mayroon pang ibang taong mas higit na apektado at ito ay ang mga Grab riders na nabiktima ng mga fake orders.


“What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries. I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience,” sey ni Kris.


Sa huli ay humingi ng tulong si Kris sa mga followers na i-report sa Grab Food at i-share ang insidenteng ito para ma-warning-an din ang iba.


“Please help me report to @grab_ph @grabfoodph. I am hoping to raise awareness. Please share.


“I'm sure this is not her real name. But this is the name and number that were recorded with all the deliveries today,” ani Kris.


Ilang oras matapos niya itong i-post ay nagbigay ng update ang aktres sa kanyang IG Story. Nag-reach-out na raw sa kanya ang Grab Food at mukhang marami na raw nabiktima na artista ang babaeng gumagawa nito at nagtutulungan na sila para malutas ito’t mahuli ang scammer.


Paalala ni Kris sa mga kapwa artista na huwag basta-basta mag-provide ng tunay na address, pangalan at contact number.


“I really feel bad to all the riders. And to my mom who’s already a senior and did everything she can to help me,” sey ni Kris.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 03, 2021



ree

Inamin ni James Reid na mas pinili niyang magpahinga muna sa pag-arte para makapag-concentrate sa music. Bagama’t sa pag-arte siya talaga sumikat nang husto kasama ang ka-love team na si Nadine Lustre, ayon sa aktor ay parang may hinahanap pa rin siya.


“I’ve reached a level of fame, I’m not exactly sure how, but I reached a certain level of fame but it wasn’t as rewarding as I thought it would be,” ani James sa kanyang panayam sa vlog ng The Juans.


“What I did crave was that artistic expression. I didn’t want people to recognize me for who I am like my name or the fame. It was for the things that I did or that I created myself. So I’m kind of I’m going in reverse,” pahayag ni James.


“I was lucky enough to go down the path that I went and I feel like I’m going the other way, so it’s kind of weird,” dagdag pa niya.


Aminado rin naman siyang minahal niya ang acting, pero dumating na raw sa puntong naging paulit-ulit na lang.


“I loved acting. But you know, sometimes, after doing teleserye, teleserye, it gets repetitive and I felt like you know, kind of robotic, you know. And I craved something that came from me, that I could really express, I wasn’t just following instructions. It wasn’t feeding my soul,” sey pa niya.


Pag-amin pa ng aktor, “It was difficult for me to step away from all of that, you know, because I was in a very good place but I stepped away from doing that.”


At nagtayo na nga si James ng sarili niyang recording label, ang Careless Music, nagsulat ng mga sarili niyang kanta at nag-release ng album.


“It was purely because I wanted creative control. I didn’t know it was going to go this far. The first project I did was 'Palm Dreams.' It was my first time to write a whole album, completely original. We weren’t trying to make a number one album, a mainstream album. I was just making music that I like,” he said.


Hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling artist.


“One thing led to another. I brought [Brett] Jackson, he came onboard as my very first artist. From there, it just grew out. It started out as just friends making music together. Once you share that vision, everything else starts coming together,” aniya.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 02, 2021



ree

Finally ay natupad na ang matagal nang pangarap ni Ara Mina na maging bride dahil ikinasal na nga ang aktres kay Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.


Ginanap ang kasal ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City last Wednesday, June 30.


Mistulang isang prinsesa si Ara sa kanyang bridal gown na gawa ng couturier na si Leo Almodal habang ang groom naman ay napakakisig sa kanyang royal blue suit.


Very touching ang moment na naglakad papuntang altar ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses o Mandy at niyakap ang kanyang stepfather.


Hindi rin naiwasang maging emosyonal ni Ara habang naglalakad patungong altar.


Napuno rin ng mga bigating personalidad ang kasal dahil sa mga ninong at ninang na mga kilalang pangalan sa pulitika and entertainment industry tulad nina dating Senate President Mannny Villar, Jr. at asawang si Senator Cynthia Villar; Senators Christopher Lawrence “Bong” Go, Richard Gordon, Ralph Recto, Trade Secretary Ramon Lopez, Glicerio Santos, Jr., Ever Bilena owner Mr. Dioceldo Sy, Atty. Roy Almoro, Reality Films producer Dondon Monteverde, Dr. Milagros Ong-How, San Pedro Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, Robinsons Retail Holdings President Mrs. Robina Gokongwei-Pe, Emelda Teng, at Jocelyn Lim Chiong.


Kabilang din sa mga principal sponsors sina Megastar Sharon Cuneta, Viva Films producer Vic del Rosario, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes at GMA executive Redgie Magno na pawang mga hindi nakadalo sa ceremony.


Nagsilbing best men naman sina Shawn Weinstein, Pundarika Bibireddy, at Raulito Almarinez habang ang matrons of honor ay ang mga kapatid ni Ara na sina Cristine Reyes at Heidi Gatmaytan, at mga kaibigang sina Jan Marini at Christine Quimbo-Baniqued.


Groomsmen sina Holy King Reyes, Alfredo Carlo Gatmaytan, Harbin Reyes, Ernesto Lucena Jr., Jose Maria Ariston Sarisola III, Yeshua Charles Labrado at Gerhard Acao.

Bridesmaids naman sina Barbie Imperial, Joan Crystal Aguas, Vanessa Attril, Angelita Santos, Jenny Miller, Melissa Ricks, at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.


Naroroon din ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay na half-brother ni Ara. Sila ang tumayong veil sponsors.


Naging takaw-pansin naman sa kasal ang pagdalo ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na ex-boyfriend ni Ara at ama ng kanyang anak na si Mandy.


Ayon sa panayam kay Patrick ay inimbitahan siya mismo nina Ara at Dave at masayang-masaya siya para sa aktres.


Patrick and Ara have been good friends kahit naghiwalay na sila at maayos ang co-parenting nila sa kanilang anak.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page