top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 08, 2021


ree

Dahil sa pagiging matapang ni Liza Soberano sa social media, aminado ang boyfriend niyang si Enrique Gil na kung minsan ay natatakot din siya.

Isa ito sa mga napag-usapan nila sa panayam ng LizQuen with Matteo Guidicelli sa bagong podcast nito sa Spotify titled MattRuns.


Tinanong ni Matteo si Quen kung ano ang nararamdaman nito kapag nagpo-post si Liza ng mga matatapang na opinyon nito.


“Well, sometimes of course, it’s a little bit scary, but you know, I mean, our woman’s brave,” sey ni Quen sabay tawa.


“So, you support her, bro?” tanong ni Matt.


Sagot naman ni Quen, “Of course, (in) everything.”


Pero aminado rin naman siyang pinapayuhan niya rin ang girlfriend na maghinay-hinay din.


“Of course, I give her advice to slow down, and you know, choose your fight, and you know, internet is not a place to be messed around sometimes 'coz you know, sometimes it gets a little bit stupid.


“But you know, that’s the only way to get to all those people also, so, yeah, I mean, we just wanna change the world, make a change, make it a better place for us,” saad ni Quen.


Tinanong naman ni Matt si Liza kung ano ang end goal nito sa lahat ng ginagawa at ayon sa aktres ay marami raw siyang dream na mangyari sa Pilipinas pero mukhang hindi na raw mangyayari.


“But for some reason, I still wanna work on them little by little by just speaking up for women’s rights, for children’s rights or about certain things that I don’t agree with.


“I think it’s always great to start a conversation just so that you can see different plight or different opinion that people have and from there, you work on it. Like you need to see what the people need.


“Sorry, it might become very political, but yeah, I have dreams of like making the Philippines a better place. Of course. I mean, I’m just an actress, I’m just an influencer but I’m hoping that by using my voice and my influence, I can influence people to you know, be better people as well, make a change, start talking, don’t let people just step all over you and not think of the bigger picture,” mahabang pahayag ni Liza.


Pinuri naman ni Matteo si Liza for being a brave woman who speaks her mind and mentioned his wife, Sarah Geronimo.


“I think that’s something in our country, 'no? 'Coz you know, women are always ‘Ah, babae lang ako, I can’t do it.’ No, it’s not true, you know.


“Women are strong like my wife, Sarah, my gosh, if people just know how - people know this, but if more people would know - that Sarah’s so strong. Sarah’s stronger than me, Sarah’s stronger than a lot of people I know. You know, she’s gone through a lot. So, it’s amazing,” saad ni Matteo.


Anyway, naikuwento rin ng LizQuen na dapat ay may gagawin na silang bagong teleserye sa Kapamilya Network pero dahil nga sa pandemic ay sila na ang nagsabi sa management na huwag na munang ituloy. Sa halip ay busy sila ngayon sa sinimulan nilang bagong negosyo, ang HKT Essentials.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 07, 2021


ree

Noon pa mang mga nakaraang eleksiyon ay marami na ang nagtatanong sa King of Talk na si Boy Abunda kung papasukin din niya ang pulitika tulad ng kanyang pamilya.


Ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon ay nagkakaroon uli ng espekulasyon na tatakbo si Kuya Boy sa Senado kaya naman nagbigay na ng sagot ang King of Talk tungkol dito sa kanyang latest interview sa ABS-CBN.


“No, I’m not gonna run,” deklara ni Kuya Boy, “It’s too late to make a decision to run for the Senate.”


Inamin naman ni Kuya Boy na may mga nag-aalok sa kanya para tumakbo sa Senado pero tinanggihan niya ito.


“It’s a major decision. I’m not ready to run for the Senate. I have been invited to run for the Senate. I don’t have the tenacity, I don’t have the strength to run a national campaign. I don’t have the money. I don’t have the national organization, the political organization.


“It takes a national political organization to run a national campaign. Kailangan mo ng logistics, I don’t have that. And most important of all, wala akong apoy sa bituka. I don’t have fire in my belly for the Senate,” saad pa ni Kuya Boy.


Pero sinabi rin niya na hindi siya nagsasalita nang tapos at bukas naman ang kanyang pintuan para sa pulitika.


Kuwento nga niya, nang magsara nga raw ang ABS-CBN last year ay sinabihan siya ng kapatid na si Fe Abunda na tumakbo na lang sa Congress.


“Ang kapatid ko (Fe Abunda) who is presently the congresswoman of the lone district of Eastern Samar, she’s a member of Congress, sabi niya sa akin, ‘Trabaho lang naman ‘yan, eh, di tumakbo ka sa atin, mag-congressman ka.’


“It was half-meant, it was facetiously said, but I knew when she said that, it also came from the heart. ‘Why not go to public service?’ Ang aming nanay at tatay ay nasa public service. Ang kapatid ko ay three-term mayor, nag-vice-mayor, ngayon, congresswoman.


“I thought about, ‘Oo nga, ‘no? I can actually run.’ I’m not closing my doors on politics,” pahayag niya.


“But am I gonna run in 2022? I don’t know, I really don’t know. I don’t think so,” he said.


Pero if ever, hindi raw siya sa Senado tatakbo or any national position. Kung sakali naman daw na ia-appoint siya for any position, puwede rin daw niyang i-consider and kung makakatulong naman siya ay may posibilidad daw na tanggapin niya.


“Ayoko lang magsara ng pintuan,” sey pa ni Kuya Boy.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 06, 2021


ree

Todo rin pala kung magmahal si Angeline Quinto at namimigay lang naman ng motor at kotse sa dyowa.


Inamin ito ng singer sa kanyang latest vlog kung saan ay sinagot niya ang mga tanong sa kanyang love life.


Isa nga sa mga tanong ay kung nagpapautang ba siya sa dyowa na buong-ningning niya namang inamin.


“Kahit hindi naman sila nangungutang, parang alam na alam na nila kung saan sila kukuha ng (pera), alam nila ‘yung wallet ko, eh. Parang diretso na, parang ganu’n. Ewan ko.


“Nakasanayan nila. Kasi alam n’yo naman ako, 'di ba, mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong. Eh, siyempre, dyowa ko pa, siyempre, 'pag dyowa n’yo, mahal ninyo,” sey ni Angeline.


“Halimbawa, mayroon akong 3,000 (pesos) sa isang araw, kapag kasama ko siya, pag-uwi ko, 200 na lang. Pero okay lang, kasi mahal ko.


“Basta ganu’n. Hindi na siya nagpapaalam minsan, kuha na lang siya nang kuha. Pero hinahayaan ko, eh.


“Binigyan ko pa nga ng motor,” sey niya sabay-tawa kaya akala namin ay nagbibiro.

Pero true raw talaga.


“Totoo, nakapagbigay ako ng motor, ng sasakyan,” pag-amin niya ulit.


Dagdag pa niya, “Totoo naman, eh. Bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo? ‘Yun lang, share ko lang sa inyo, nakapagbigay ako ng motor saka ng kotse. Siguro sa future, baka bahay, wow!”


Isa pang tanong sa kanya ay kung may naging boyfriend siya na action star at inamin din niya agad ito.


“Alam n’yo, muntik akong makipagsapakan sa babae para lang sa action star na ‘yan,” pagri-reveal niya.


“Alam n’yo, ako, hindi naman ako masamang tao. Kapag ako lang ‘yung masyadong inaagrabyado, siyempre, kahit naman sino tayo, darating tayo sa pagkakataon na ipagtatanggol mo ang sarili mo.


“Masyado akong napikon sa isang babae. Napikon talaga ako. Sa out of the country show ito,” tsika pa niya.


“Kung tutuusin, may umawat lang sa aking isang artista rin, eh. May isang artista at isang make-up artist lang na umawat sa akin. Kung hindi, nasapak ko talaga ‘yang babae na ‘yan,” kuwento pa ng singer.


Well, sinu-sino kaya ang mga blind item na ito sa kuwento ni Angeline?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page